Chapter 11- Bonding part 1
Francine's Point of View
Weekend
Buti nalang at weekend ngayon nalinis ko na lahat ng gawain rito sa mansyon.
Paupo palang sana ako ng tawagin ako ng familiar na boses at alam ko na kung sino yon naman talaga.
"Anoooooo?!"
"Hoy shunga, kumuha ka nga ng dalawang chips|" Utos ni Kyle kaya inirapan ko siya.
"Samahan mo na rin ng dalawang ice cream|" Pagdagdag ni Kent habang naglalaro.
Bumaba ako at nagtungo sa kusina para kuhanin ang mga pinauutos ng mga lucifer/s na 'yon tsk.
Pag akyat ko tsaka ko ibinigay ang hiningi nila.
"Pag tapos ka nang maglinis paslit | Maligo ka tsaka mag ayos, may pupuntahan tayo." Tugon ni Kyle.
"Saan nanaman tayo pupunta? Tsaka bakit isasama niyo pa ako? Aber!" Kasi naman bakit kailangang kasama pako.
"Sa school." -Kent.
"Bat naman t--" Hindi ako pinatapos ng magsalita si Kyle the great.
"Basta, lumabas ka na nga ang pangit mo." Pang-aasar ni Kyle | Akmang ibabato ko na sana yung walis tambo sa kanya kaso naunahan niya ko sa pag bato ng unan.
Sa sobrang inis ko lumabas nalang ako|
Nandito na kami sa EA (Empire Academy), pinark na nila yung kotse| Oo tama isa lang ang gamit namin papunta rito| Nauna na silang bumaba kaya bumaba narin ako| Nasa likuran nila ako at sumusunod lang din ako sa kanila kung saan ang daan nilang tinatahak.
"Nasan na tayo?" Kanina pa kami naglalakad sa Campus na 'ito.
"Eto na nga oh." Iritang sabi ni Kent.
Tumapat kami sa paikot na ewan ko kung ano tumingin ako sa taas at nagulat ako na ito pala ang Club.
"Oh nandito na pala kayo, tara na!" Salita sa likod namin kaya napatingin kami at si Nathan pala yon.
Pumasok kami sa loob at isa-isang ipinasok namin ang mga Club's marami ito pero hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko|and thank god dahil isa nalang ang pupuntahan namin ang Singing and Dancing Club pagpasok namin ay halos nandoon silang lahat ang tropa ng dalawang halimaw pati sina Ashley at Ms. Pres.
"Francineeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" Sigaw ni Ashley ng makita ako sabay yakap ng mahigpit.
"Ahhhh....ahhhh Ash-ashley hindi ako mak-makahinga." Nahihirapang sabi ko kaya napabitaw siya.
"Ay hihi sorry namiss kasi kita"
"Okay lang, na'miss ko din naman yang kadaldalan mo 'no!" Natatawa kong sabi kaya tinitigan niya ko ng masama.
"Buti naman at naisipan mo nang sumali!" Tugon ni Ms.pres| Huh saang sasali?
"Huh? Saan? Hindi po ako sasali." Sambit ko.
"Kasasabi lang nila Kent at Kyle na sasali ka raw sa Singing and Dancing Club." Sambit niya uli|
Tinignan ko naman ang mag kambal na nakikipag tawanan sa mga myembro nila. Agad akong lumapit sa kanila at sinuntok sila sa braso.
"Araaaaaaaay!" Sigaw nilang dalawa at dahilan para matawa ang ka-tropa niya pati sina Ashley.
"Ano pinagsasabi niyong dalawa na hindi ko ata alam huh?" Tanong ko at sa sobrang inis ko napagtaasan ko sila ng boses tumayo naman si Kyle.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng BadBoy Twins
Teen Fiction(Completed) Maid Ako Ng BadBoy Twins Written by. cottoncandyvenus (Sharrie Punay) Maid lang para sa kanila pero lahat ng kapalaran nila'y magiging magulo at tila'y pinaglalaruan ng tadhana... Sa pagkilala ng kambal sa isang babae mamahalin kaya nil...