Chapter 7

2.4K 96 21
                                    

Chapter 7- Battle begins

Francine's Point of View

Hayst three-weeks ago...

Kung bakit ba kasi naging ganto ang kapalaran ng buhay ko, basta mag-aaral ako ng mabuti at para matupad naman ang mga pangarap ko at ang maging isang mayaman|

Bumaba nalang ako at pumunta ng kusina para uminom at lumabas na ng mansion nagulat naman ako ng nakita ko ang dalawa bigla naman nagsalita si Kent.

"Ba't ba ang tagal mo kung kumilos eh halos pag walang pasok ang aga aga mong bumangon psh!" Iritang sambit niya. "Tara na ma-late kami sayo kung inaantay ka namin ng ganitong oras!" Dagdag niya pa at sumakay na silang dalawa sa backseat kaya sumakay ako sa frontseat| Ngayon nandito na kami nakakabingi kanina sa sasakyan super tahimik.

Hindi na kami nagkasabay tatlo dahil ibang daan ang tinahak nila basta ang alam ko hindi iyon ang papunta sa bldg at room namin.

Pag bukas ko ng pinto ay sila Clark, Ace, Prince, Ashley nagulat naman ako ng biglang tumakbo si Ashley sakin at ni'hug ako ng mahigpit muntikan na kaming matumba kaya natawa kami nakita ko naman tumingin sa amin ang mga boys.

"OA mo naman Ashley." Natatawang tugon ni Clark kaya inirapan siya nito.

"Kung magpapakamatay ka kasi wag mong idadamay si Isa- I mean si novalrich." Sambit naman ni Ace hindi niya naituloy ang una niyang sinabi.

"Ang ingay niyo tss!" Malamang si Prince laing meron yan nagsusungit nanaman.

"Pre dun ka sa library pumwesto dahil tahimik doon kung ayaw mo ng m-arayyyy!!!" Wika muli ni Ace pero this time hindi niya muli naituloy dahil sinuntok sya ni Clark sa braso pero mahina lang yon napapailing naman kami halatang nagpipigil ng tawa dahil baka mapano pa si Ace.

"Okay, manahimik nalang tayo!" Sambit ko at bigla namang pumasok ang mga estudyante namin pumasok na rin ang prof namin sa science.

Nang matapos ang morning session namin ay napansin kong hindi ata pumasok ang dalawang halimaw na mag-kambal maliban sa kumpleto naman ang anim nilang kaibigan kanina na pumasok pero silang dalawa lang ang wala kanina, syempre nag-alala rin ako no! Baka kung ano nang nangyari sa kanila.

"Hey, ayos ka lang?" Bumalik ako sa realidad ng mapansin kong kanina pa pala ako kinakausap ni Ashley.

"Huh! A-ah oo ayos lang ako." Sabi ko at napabuntong hininga.

"Okay, pupunta muna ako sa cr para magbihis mamaya kasi may practice kami eh, pero kakain muna tayo pero magbibihis muna talaga ako kaya ikaw pumila kana at maghanap ng upuan doon sa cafeteria!" Ani Ashley nito kaya agad akong napatango.

"Pero gusto mo bang samahan kita?" Tanong ko rito bigla naman siyang natawa. Anong nakakatawa sa tanong ko?!

"Ano ka ba, diyan lang naman ako sa CR kaya pumila kana bago pa kita masapak hahahahahaha!" Napangiti naman ako at napatango nalang kaya umalis na siya 'papunta na sana ako ng cafeteria ng maalala kong may nakalimutan ako sa locker ko agad naman ako bumalik para magtungo 'doon.

Habang naglalakad ako ay parang may ingay mula sa likod ng bldg kung saan ako papunta ngayon sumilip ako roon napatigil ako ng makita ko sina Nathan at ang iba pa|

Mas lalo akong nagulat ng makita sina Ace, Jayson, Anthony  na nakabulagta na at sugatan ang mga mukha't braso nito nakita ko naman ang kambal at sina Nathan at Clark na galit na galit ang kanilang itsura habang kaharap ang ibang lalaki.

"Tang*na Zach, ano pa bang kailangan mo ba't pati mga kaibigan ko pa ang dinamay mong g*go ka?!!!" Kita mo ang galit na galit na mukha ni Nathan| Ngumisi naman ang lalaking iba ang suot na uniporme at mukhang iba ang pinapasukan nilang paaralan may mga kasama rin siyang taga-ibang planetang akala mo'y kinagwapo.

Maid Ako Ng BadBoy TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon