Hate Love: Fourteen.

95 6 1
                                    

Hate Love: Fourteen.


--~

"Wala ka bang napapansin na sumusunod sa'yo? Nung nasa library ka, wala ka bang kasama?" Nasa rooftop sila ngayon. Kakatapos lang ng klase ni Ace at napagdesisyunan niyang dito na lang kumain.

"Wala. Pero may napapansin akong kakaiba nung mga nakaraang araw."

Busy si Monica sa pagkain, she's still listening, though.

"Like?"

"Wala kasi akong gaanong kaibigan. Nakakapagtaka lang dahil sa tuwing lumalabas ako ng room, may nakikita akong itim na bulaklak sa gilid. Not that I'm assuming that it's for me, pero sa halos sa lahat ng lalabasan kong kwarto ay may itim na bulaklak. At madalas din akong nababangga ng mga nakaitim na tao," kwento ni Kyle habang inaalala ang mga nangyari sa kanya.

Lalong nagtaka si Ace. Bakit habang tumatagal, mas lalong gumugulo?

"Kinukuha mo ba 'yung bulaklak?"

"Once. 'Yung pangatlo."

"Baka may secret admirer ka tapos ayaw mong pansinin kaya ka pinatay," Monica said, pinitik ni Ace ang noo niya, "Aray," she's rubbing her forehead.

"Manahimik ka kasi," binalik niya ang tingin kay Kyle, "Walang kakaiba sa bulaklak?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Kyle, inaalala ang itsura ng bulaklak, "May itim na ribbon," he trailed off.

"And oh," he said as if remembering something, "It has a red crystal at the center. Nasa loob ng rosas," hinawakan niya ang noo niya, wincing.

Monica asked if he's okay.

Bulaklak na may pulang crystal sa gitna. Ace already saw that kind of flower.

Sa likod ng family picture niya. Pero anong connection ng family picture niya sa pagkamatay ni Kyle?

Posible kayang iisa lang ang pumatay sa mga magulang niya at kay Kyle? Pero paano? Bakit?

"What am I saying awhile ago?" Kyle asked.

"Ha?" Takang tanong ni Monica.

"You're talking about the rose," Ace said.

Kyle raised his brows, "Ah, oo nga. The black rose. Teka, nasabi ko ba sainyo 'yung itsura?"

"O...Oo?" Nagtataka na si Monica.

Kyle sighed in relief, "Hindi ko na matandaan ang itsura ng bulaklak. Mabuti na lang at nasabi ko agad."

"What do you mean? Nakalimutan mo?"

"Napapansin ko kasi na habang tumatagal, nawawala sa memorya ko ang mga nakita ko bago ako mamatay," halata sa boses ni Kyle na kalmado siya. Aware siya sa nangyayari.

"How?" Ace asked, nakakunot na ang noo.

"I'm not sure. Unti-unting nagfe-fade sa memory ko. Monica?" Napatingin si Ace sa isa pang multo nang pansinin ito ni Kyle.

She looks serious. "Archer," Ace called.

"I saw that flower at someone's nape," she mumbled.

"You did? When?" tanong ni Ace.

"I can't remember, that's why I'm thinking," inis niyang sabi.

What is going on? Bakit hindi nila matandaan?

"Wala ka bang nakaaway?" Nalipat ang tingin ni Kyle kay Ace nang magtanong ito ulit.

"Wala."

"I'll go," Ace stood up, "Kapag may nalaman na 'ko, sasabihin ko agad sa'yo," he said at umalis na.

Hate Love GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon