Hate Love: Thirty Four
--~
"Huy,"
"H-Ha?" mukhang natauhan si Monica nang itapat ni Ace ang mukha nito sa kanya.
"Bakit bigla kang natulala?"
"Sinong natulala?"
Umayos ng pagkakatayo si Ace, "Hindi mo sinagot 'yung tanong ko,"
"Magkaklase tayo nung high school-"
"So nung high school lang tayo nagkakilala?"
"Maybe," she hopped then disappeared.
.....
Natutulog na si Monica nang pumasok si Ace sa kwarto niya.
Nilapag niya ang bag at lumabas muli. Kumain na sila bago umuwi kaya hindi na niya kailangan pang magluto. Naghilamos, nagtoothbrush, at nagpalit na lang siya ng damit bago matulog sa nilatag niyang comforter sa tabi ng kama niya.
Sinilip ni Monica si Ace.
"Bakit ba kahit ang tagal tagal na no'n, kinikilig pa rin ako?" she murmured.
Flashback: Twelve years ago.
"Okay, okay, taguan naman," masiglang sabi ni Pat.
Tahimik na sumunod si Marie. Nagbabasa naman si Ace sa gilid.
Kakalabas lang ni Monica, narinig niya ang pag-aya ni Pat ng taguan. Pupuntahan na dapat niya ang dalawa nang mapansin niya si Ace.
"Hindi ka sasali?"
"Hindi,"
Bakit ba laging isang salita lang ang sinasabi niya? Monica thought.
Lumapit si Monica, "Sumali ka na, ako na taya," suhestiyon niya.
"Ayoko,"
"Bakit ba ayaw mo?"
Hindi na sumagot pa si Ace.
"Moning! Hayaan mo na 'yan, hindi talaga sumasali 'yan!" sigaw ni Pat mula sa 'di kalayuan.
"Kapag hindi ka sumali guguluhin kita,"
Hindi pa rin siya pinansin ni Ace.
Lumapit pa si Monica at kinuha ang librong binabasa ng batang si Ace. Maya-maya pa ay nag-angat ito ng tingin, she raised her brows as if telling him that she's mightier.
"Ibalik mo 'yan,"
Wow, that's three words, she thought.
"Eh kung ayoko?"
"Hindi bagay sa'yo,"
Kumunot ang noo ni Monica. Hindi bagay sa'kin?
"Anong hindi bagay-"
"You're more like a princess not a villain,"
"Ha?"
Tumayo si Ace, "Fine, just give that back,"
"Sasali ka na?"
"Oo nga, ang kulit,"
Tumatawang tumalon si Monica at tumakbo papunta kina Pat, "Sasali na siya!" Mukha namang nagulat sina Pat.
Ace smiled a bit while watching her run.
......
"Uuuy, may crush siya kay Moning," paulit-ulit na tukso ni Pat kay Ace. Nasa hapagkainan sila.
BINABASA MO ANG
Hate Love Ghosts
ParanormalI hate ghosts. No more further explanations, I loathe them. I have the capability of seeing them and it sucks. But not all of them. - Mygahd, unang araw pa lang, two chaps pa lang, #50 agad sa paranormal. Sabagay, konti lang naman ang stories sa par...