Hate Love: Twenty two.

85 5 2
                                    

Hate Love: Twenty two.  

Thank you for still reading my works! :)


--~

"Monica, tara na," ulit ni Kyle. Hinihila niya ang katabing multo paalis. Sadyang matigas talaga ang ulo ni Monica kaya ayan, walang nakakapagpatinag.

"Kung gusto mo 'kong iwan, go. Kailangan ko lang 'tong gawin," she hissed, glaring at her subject.

Kyle heaved a deep sigh, "Nagbabasa lang siya. Wala namang ginagawang kahina-hinala. Mukha naman siyang inosente at bakit naman niya ako papatayin 'di ba? Hindi kami magka-course. Hindi ko rin siya kilala-"

"Sush! Tumayo na siya!" Nagmamadaling tumakbo si Monica at sinundan si Kate. Sige lang, Monica. Patunayan mo ang gusto mong patunayan.

"Teka lang huy," pigil sa kanya ni Kyle, "'Wag mong sabihin na hanggang d'yan, susundan mo pa rin siya?"

"Bakit? Babae rin naman ako ah? Anong masama sa pagsunod sa CR?"

Napa-face palm si Kyle dahil doon.

"Sandali lang 'to-" she's about to go nang bigla siyang binuhat ni Kyle na parang sako.

"Wala kang magagawa, kailangan nating puntahan si Ace,"

Nagwawala si Monica, until she realized something.

She disappeared.

Naka poker face na naglaho si Kyle.


.....


Monica waited at the library. Alam niyang babalik ang babaeng binabantayan niya roon.

She became attentive nang pumasok si Kate.

"Akala mo ba mauuto mo 'ko? Kung napaniwala mo sina Razen, ibahin mo 'ko. Malakas talaga ang kutob ko na isa kang mangkukulam," she mumbled.

Kate started reading again.

It looks like she's reading the lessons she missed. Naisip ni Monica na baka kaya kulang-kulang ang grades nito at kaya napalipat ito ay dahil masyado itong naapektuhan at nakonsensya sa ginawa kay Kyle. Hindi nakapasok sa mga klase niya dahil hindi kaya ng kalooban niya na makita ang school kung saan siya pumatay ng walang kamuang-muang na tao.

Nakapangalumbaba si Monica habang nagbabantay. Nagtataka rin siya kung bakit hindi sumunod si Kyle sa kanya. Hindi kaya niya alam na nasa library siya?

She sighed, "Nothing's happening," she murmured.

Napagdesisyunan niyang lapitan ito, tinignan niya ang binabasa nito, "Physics? Wow, akala ko fairy tales binabasa mo,"

Umupo siya sa tabi nito, "Kapag tinignan ka kasi mula sa malayo, mukha kang isip bata na hindi pipiliin na mag-aral. Na fairy tales ang binabasa. Nung buhay pa 'ko, madalas akong magbasa ng physics. Parehas tayo,"

Nilipat ni Kate ang pahina ng binabasa.

"Nako naman! Hindi pa ako tapos sa page na 'yon, eh!" Monica fumed.

Kyle heard her from the other room. Yes, he's still looking for her.

Kinuha ni Monica ang libro at ibinalik ang pahina kung saan siya nagbabasa.

Kate's eyes widened, she gulped, "W-What-"

"Oh-oh," the ghost uttered, binitiwan niya ang libro.

"Monica!" Kyle exclaimed as soon as he entered the library.

Napatingin ang karamihan sa pwesto ng iniimbestigahan ng multo nang bigla itong mawalan ng malay. Nalaglag ito mula sa kinauupuan at agad na pinuntahan ng ilan sa mga nakakita.

Hate Love GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon