Hate Love: Six.
--~
Huminto sa paglalakad si Ace, "Stop following me."
"Hindi kita sinusundan. Kapal mo naman," sabi nito at nauna ng pumasok sa loob ng bake shop. Tumagos ito sa glass door.
Pumasok na rin si Ace. Pat's busy at the counter. Maraming customer ngayong araw.
"Uy, bro. Mabuti naman at dumating ka na. Pinagalitan ako kanina ni Dad via phone. May nakarating daw kasi sa kanyang chismis na hindi napapatakbo ng maayos 'tong shop. Baka bawiin 'to bigla. Ayokong mangyari 'yon- Thank you, please come again," he smiled. Multitasking.
"That won't happen, Pat." Iyon lamang ang sinabi niya at nagpalit na ng damit.
Kahit na mabait ang parents ni Patrick, strikto ang mga ito pagdating sa business. Ang Bake shop ang isa sa pinagkukuhaan ni Pat ng allowance niya, though, kahit hindi na siya magtrabaho ay okay lang. His Parents will afford anything for him.
Pagdating sa kusina, "Stop!" He suddenly blurted out.
"Ace! Anong nangyayari d'yan?!" sigaw ni Pat mula sa labas.
"Wala!" he shouted back.
The ghost smiled, "Mali ba 'to?" she asked. May hawak siyang mixer at bowl. Ang daming harina at balat ng itlog sa sahig. Siguradong pagagalitan siya kapag nakita nila ang mga 'to.
Inagaw ni Ace ang mangkok, "Wala ka namang ginawang tama. Umalis ka na nga, nagkalat ka pa. Wala ka bang ibang pwedeng gawin bukod sa sirain ang araw ko?" he said as he clean the mess she made.
She shrugged, "Wala. Unless, kung bibigyan mo 'ko ng gagawin." *****He looked at her. "Please?" she said with puppy eyes.
"Umalis ka na nga, sumasakit ulo ko sa'yo," he said.
"K. Ikaw maglilinis ng lahat ng 'yan ah? Bye-" pinigilan siya ni Ace.
"Clean everything first before you go-"
She waved her hand, dismissing what he's saying, "That won't do Mister Acey. Gusto mo akong maglinis? Neknek mo."
Alam ni Ace na gusto ng pasaway na multo ng kapalit. Halata naman sa boses nito ang kalokohan. Siya ang nagkalat tapos kailangan pa ng kapalit sa paglilinis niya? Ayaw naman ni Ace na siya ang umako ng lahat ng lilinisin.
"Fine. What do you want?" he asked.
Her face brightened, "Nice! Ice cream! Gusto ko ng ice cream," she beamed. Tumatalon-talon pa ito sa saya. Pumayag na ba si Ace? Hindi pa. Bakit ang saya niya?
"Bumili ka," he hissed. Sinimulan na niya ang paglilinis.
Pumunta sa harap niya ang multo, "Pagtapos mong tanungin, pinabibili mo 'ko? At hello, multo po ako. Sana nakikita nila ako 'di ba?"
"Maglinis ka na lang kung gusto mo ng ice cream."
Na-alerto ang multo, "Totoo 'yan?!-"
"Bilis!" Ace retorted.
Agad itong kumilos. Tuwang tuwa. She won this game, she sure did.
.....
Evening, ten o'clock.
"Pat, bakit ba tayo nandito?" Ace asked, annoyed.
Patrick placed his hand on his pocket, "Ghost hunting," he said.
He looked at him, "Ghost hunting? Seryoso ka? Paano 'yung sakit mo-"
BINABASA MO ANG
Hate Love Ghosts
ParanormalI hate ghosts. No more further explanations, I loathe them. I have the capability of seeing them and it sucks. But not all of them. - Mygahd, unang araw pa lang, two chaps pa lang, #50 agad sa paranormal. Sabagay, konti lang naman ang stories sa par...