Hate Love: Sixteen.
--~
"Monica, I should stay at school," Kyle uttered as he follow her. Umiiko-ikot lang makulit na multo habang naglalakad, not minding the people around her. Hindi naman siya bumabangga.
"Woah," she breathed as she stop walking.
"Bakit?" Tinignan din ni Kyle ang tinitignan ng kasama niya. "Seriously?" he chuckled.
"Ang ganda 'diba?!" she exclaimed.
"Oh, yeah, and you can't do anything with it. Hindi mo masusuot-"
She placed her palm in front of his face, telling him to stop talking, "Anong pangalan ko?" she asked.
"Monica?"
"Exactly! At kay Monica, walang imposible," she stated at naglaho.
Kyle found her inside the boutique, he smiled, thinking how childish and cheerful Monica is. He wants to support her, though.
Nakangiting pumwesto si Monica sa mismong pwesto ng mannequin, it's as if she's wearing the dress that the doll is wearing.
A blue dress.
"See?" Monica beamed. Tuwang tuwa siya sa damit. Inisa-isa niya ang mga naka display. Tawa lang ng tawa ang taga nood niya. Pero parati siyang bumabalik sa blue dress na una niyang sinukat.
Maya-maya pa ay tuluyan na siyang lumabas.
"Ang cute nung blue 'no? Bagay sa'kin," she said as she started to walk. Sumunod si Kyle.
"Still, you can't buy or have it," he pointed out.
"Tss, 'wag kang ganyan, nahahawa ka na sa ka-negahan ng Ace na 'yon."
"May gusto ka sa kanya."
Tumigil sa paglalakad si Monica, "Tanong ba 'yan?"
"Hindi," he laughed.
"Wala akong gusto sa kanya. Imposible 'yun."
"Sige, sabi mo, eh."
"Uy, uy!" Monica suddenly blurted nang makita ang sinehan.
"We have no time to watch-" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla siyang hinila ng multo papunta roon.
"Ito ang isa sa advantage kapag walang nakakakita sa'yo," masayang sabi ni Monica. "Unli free movies," she laughed. Naglalakad sila ngayon papunta sa bakanteng upuan.
"Now I know why Ace doesn't want you to follow him," he chuckled.
She heaved a deep sigh, "'Wag mong sabihing ayaw mo rin akong kasama?"
"Wala akong sinasabi," he stopped laughing.
"Wow, ang angas," she said nang makaupo siya. Nakatitig lang siya sa palabas. Natatawang umupo si Kyle sa tabi niya.
"May nabasa akong hogwarts," sabi niya habang nanonood.
Kyle nodded, "Spin-off kasi ng Harry Potter series 'yan."
Monica's busy wondering about the movie nang biglang may tumili. Sabay-sabay silang napatingin doon.
"Sorry," the girl mumbled as she raise her hand in a peace sign.
"Maddi," seryosong bulong ni Monica.
"Ha?" Kyle asked.
"Wala, nakakainis 'yung palabas," she hissed.
Kyle raised his brows, "Maganda naman ah?"
"Mukha bang horror 'yan? Maka-tili, wagas."
Napadako ang tingin ni Kyle sa pwesto ng babaeng tumili kanina. The guy beside her is holding his forehead as if it's hurting.
Binalik niya ang tingin kay Monica na ngayon ay nakasimangot.
"Imposible pala ha," Kyle mumbled.
She looked at him, "Ano?"
"Wala. Ang sabi ko, hindi ka apektado kung may kasama mang ibang babae si Ace. Hindi mo rin alam na sila 'yung nakaupo sa bandang unahan."
"Wow, biglang humaba? Parang tatlong salita lang ata 'yung sinabi mo kanina ah?"
Tumawa lang si Kyle. Nakabusangot pa rin ang mukha ni Monica.
Hindi na niya inintindi ang inis niya, she focused on the movie. "Ang galing. Sana may powers din akong ganyan," Monica mumbled, she's amazed by the wizard's abilities.
"Monica," Kyle called, tapping her arm, "Monica, gising."
Yes, she's sleeping.
After a little more tapping and calling, Monica slowly opened her eyes, she yawned. "Tapos na?"
Kyle laughed a little, "Oo, kanina pa."
"Ang sarap palang matulog dito," she stated, stretching her arms.
"Mukha nga," pagsang-ayon ni Kyle......
Palabas na sila ng Mall. "Punta tayo sa bahay niyo," she suggested.
Tumigil sa paglalakad si Kyle. That made her stop walking as well.
"Where do you live, Monica?"
"Ha?" Bakit niya tinatanong kung saan ako nakatira?
"I mean, alam mo ba kung saan ka nakatira?"
"'Diba sinabi ko na sa'yo. Sa apartment ni Ace ako nakikitira ngayon-"
"No, you're own house. Kung saan ka talaga nakatira," putol niya.
She lowered her gaze, "'Yun nga, eh. Makikitira ba 'ko sa kanya kung alam ko?"
"Parehas tayo," he stated.
Agad siyang tinignan ni Monica, "Parehas?"
"Oo. Hindi ko alam kung saan-"
She burst out laughing, "'Ang galing mo magjoke ha," she placed her hand on his shoulder, "Tara na. Dami mong paluso, eh." Naglakad na siya pero pinigilan siya ni Kyle.
"Seryoso ako, Monica. Hindi ko na matandaan."
She looked at him, forehead creased, "Bakit?" mas lumapit siya, "Bakit hindi mo matandaan?"
"Ikaw? Bakit hindi mo rin matandaan?"
"Ako unang nagtanong, eh."
"Kailangan ko 'yung sagot mo para masagot kita."
"Yes?" she then burst out laughing again. Natawa na lang si Kyle dahil sa tawa niya.
"You silly ghost," he pinched her cheeks, "I'm trying to be serious yet you're making me laugh," binitiwan na niya ang mga pisngi nito.
Monica's rubbing her cheeks, "Sumasakit kasi ulo ko kapag inaalala ko ang tungkol doon. Nanghihina ako at bumibigat ang pakiramdam ko. Pero sabi ni Ace, tutulungan niya ako. At ikaw rin," she chuckled. "Kaya 'wag kang mag-alala, malalaman din natin kung bakit ulyanin na tayo," she laughed.
"Tara na, Ace. Last na lang talaga 'to, promise," Maddi begged.
Halata sa mukha ni Ace ang matinding pagtitimpi. Dumagdag pa sa inis niya ang dalawang multo na nanonood sa sinehan na pinanggalingan nila kanina.
Naiinis lang siya. Bakit sumunod ang pasaway na multong 'yon? Sinabi naman ni Ace na 'wag itong sumunod.
Magba-bonding na lang sila, dito pa sa Mall na alam naman nila na dito ako pupunta?Napatingin si Ace sa entrance ng Mall.
Speaking of the stubborn ghost.
Dinig na dinig ni Ace ang tawa ni Monica. He looked at Kyle. He's smiling. Mukhang nag-e-enjoy sila ah?
So? Eh 'di mag-enjoy sila.
"Ace!" Maddi shouted.
"It's already four. May trabaho pa 'ko. Hatid na lang kita sa sakayan," sabi niya at naglakad na papuntang exit. Humabol si Maddi na hawak ang isang plastic ng grocery items, habang hawak naman ni Ace ang dalawa pang plastic bags.
Nakangiting nagsasalita si Maddi. Pero hindi siya pinapakinggan ni Ace.
"Tara na," Monica chuckled as she grab Kyle's wrist at naglaho. Hindi alam ni Monica na nakikita at naririnig sila ni Razen.
"Tss," Ace murmured, emotionless.
"Bakit? Gusto mo pa ba akong makasama? Gusto mo ba na samahan kita sa trabaho mo-"
"No, sige na sakay na, bye," agad na paalam ni Ace nang may humintong jeep sa harap nila. Inabot na niya ang mga plastic bags......
At Ace's apartment.
Pagpasok ni Ace ay nadatnan niya si Monica na nakaupo sa sahig. Naglalaro ng snakes and ladders.
And yeah, Kyle's her opponent.
"TALO KA NANAMAN!" she laughed.
"Unang beses ka palang nanalo," Kyle pointed out.
Ace cleared his throat, getting their attention.
Sabay silang tumingin sa direksyon ni Ace. Kyle stood up, "Mauna na 'ko."
"Dito ka na lang kaya matulog?" Monica suggested. Agad na napatingin sa kanya si Ace.
"Hindi na, Monica. Okay na 'ko sa school-"
"Baliw, okay lang kay Ace. 'Diba, Ace-"
"Hindi," agad niyang sagot.
Kyle chuckled, "See? I'm fine, Monica. 'Wag kang mag-alala," he patted her head. "Bye," he smiled at her. And at Ace before disappearing.
Ace glared at Monica.
"What?" she asked.
"Bahay mo ba 'to?"
"Hindi," she replied.
"Sinong nagsabi na magdala ka ng bisita rito?"
"Galit ka ba?"
"Hindi. Hindi ako galit," he smiled bago pumasok sa kwarto.
"Tss, ano namang masama kung magdala ako ng bisita rito? Si Kyle naman 'yon," she murmured. Pero oo nga, bahay nga naman niya 'to.
Pumasok siya sa kwarto. Nadatnan niya si Ace na nagsusulat sa study table niya.
"Uy, Razen," she said in a low voice.
"I'm busy."
"Uy, Busy," she repeated. Sinamaan siya ng tingin ni Ace.
"Labas," he said.
"Ayoko."
"Labas na, may ginagawa ako."
"Kausapin mo muna ako ng matino," she insisted.
"Ano bang gusto mo?" Hinarap siya ni Ace.
"Hapunan?"
He blinked before sighing. "Fine," he stood up.
Masayang sumunod si Monica sa kanya.
"May balita ka na ba sa taong nakasalamin?" she asked habang pinapanood si Ace na nagluluto.
"Wala. Bukas pa ang shift ko sa repair shop."
"Sa tingin ko, may kakaiba sa taong 'yun."
Alam iyon ni Ace. Nung nakaraan pa niya iniisip na maaaring hindi tao ang pumatay kay Kyle. Hindi lang ito basta-bastang estudyante. Konektado ang lahat ng mga nangyayari. Pero hindi pa rin niya maisip kung paano at bakit.
At ang libro na binabasa ni Monica. Hindi iyon galing sa library. May nagdala no'n at inilagay sa isa sa mga bookshelves.
"Huy," she poked his side. Tumalsik ang niluluto ni Ace sa pinggan na nasa tabi ng stove dahil sa pagkabigla. "Woah, angas no'n ah," she mumbled.
Patience, Ace. Patience.
"Pwede bang umupo ka na do'n?"
She made a face before heading to the table.
Nang matapos si Ace magluto, hinain na niya iyon at agad na kumain. He has to finish his project as soon as possible.
"Ang sungit sungit. Samantalang kanina, tawa lang ako ng tawa." Marahas niyang tinusok ang karne gamt ang tinidor niya.
"Oo nga, eh. Ang saya mo kanina."
"Talaga- Wait? Kanina?" she lookes at him.
Uminom ng tubig si Ace. "O-Oo. Kanina. Nung naglalaro kayo," he lied.
"Ah, akala ko kanina nung nasa-" natigilan siya nang ma-realize na hindi pala dapat malaman ni Ace na nasa Mall din siya kanina. "Park kami. Akala ko 'yun tinutukoy mo," she nervously laughed sabay inom ng tubig.
"Talaga?" Ace raised his brows.
"Talaga what?"
"Sa Park?"
Uminom ulit ng tubig si Monica. "Oo, bakit?"
"Saang Park?"
Natigilan ang multo. Saan nga bang Park?
"Sandara Park!" she burst out laughing. "Salamat sa pagkain, tulog na 'ko, bye," she disappeared.
Ace shifted his gaze at the sofa. He smirked. You don't fool a man who's good at making excuses.
"Good night, Sandara Park," he uttered, laughing a little.Mariin na pumikit si Monica before murmuring bwisit as she breathe.
--~
LEGEND OF THE BLUE SEAAAA! TT^TT Last episode na 'yung next, sana happy ending, hays.
BINABASA MO ANG
Hate Love Ghosts
ParanormalI hate ghosts. No more further explanations, I loathe them. I have the capability of seeing them and it sucks. But not all of them. - Mygahd, unang araw pa lang, two chaps pa lang, #50 agad sa paranormal. Sabagay, konti lang naman ang stories sa par...