Hate Love: Forty

39 2 0
                                    

Hate Love: Forty.

--~

"Uhm, excuse me," a voice entered the scene. Everyone halted and looked at where it came.

Agad naman na kinabahan si Pat nang makita ang taong iyon, he murmured "shit" while thinking of an escape plan.

"Another pathetic human being," the Queen emphasized, she's still keeping her cool. Hindi na siya nagtaka pa kung paano ito nakapasok.

Ano bang ginagawa niyo rito? Ako na ang tatapos nito. Ayoko na kayong madamay at mapahamak pa, Monica thought as she look at Marie's uneasy expression. Agad naman syang natigilan nang tignan s'ya nito.

"Balak mo ba talagang inumin 'yan?" she asked in a low voice.

"Umuwi na kayo, Marie. Tapos na, hindi n'yo naman ako kailangang iligtas, patay na rin naman ako," Monica tried to explain.

Naglaho si Diego at lumitaw sa likod ni Marie. Pat shouted her name, hindi s'ya makalapit dahil baka kung ano ang gawin nito sa minamahal niya.

"Ang dami niyong drama. Kapag hindi mo pa ininom 'yan papatayin ko silang lahat," seryosong sabi ni Diego.

Monica smiled a little, hindi na niya tinignan pa si Ace "Pakawalan niyo silang lahat pagtapos ko itong inumin," she said with finality at ininom ang nasa baso.

Katahimikan.

Damang-dama ang kaba sa buong paligid.

Monica dropped the glass and lost her consciousness.

"Monica!" Ace shouted, he ran towards her direction. Hindi na niya naisip kung bakit hindi siya pinigilan ng mga kalaban.

He rested her head on his lap and tried to wake her up, "Monica," he mumbled, tears falling.

May kung anong dark linings ang lumitaw sa balat ni Monica.

A drum started to play. Napatingin sila kay Marie nang bigla itong maghumn.

Diego cursed in an instant as soon as he realized what she's doing. Halata rin sa expression ng reyna na hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. "Diego," she uttered in a dangerous tone. Nagkaroon agad ng black smoke sa kamay ni Diego, papatayin na sana niya si Marie nang lumitaw si Lolo Loro at sumigaw. Napatakip ng tainga ang lahat ng multo kasama na sina Diego at ang Reyna. Bumagsak sila at namilipit sa sakit.

Ngunit tila'y walang naririnig si Ace. Patuloy pa rin niyang ginigising si Monica.

Nagmamadaling pinuntahan ni Pat si Marie, palapit naman si Loro na may hawak na maliit na tambol.

"I should've killed you first, old man," hirap na hirap na sabi ng Reyna.

"Okay ka lang?" tumango si Marie sa tanong na iyon ni Pat, patuloy pa rin itong kumakanta, ganoon din ang pagda-drums ng matanda. "Lolo Loro, ano bang ginagawa n'yo? Ba't sila nagkakaganyan?"

"Isa itong orasyon para sa mga kaluluwang hindi matahimik na may masamang mithiin," kalmadong sabi nito, "Magmadali ka at kunin mo na si Razen, kailangan na nating maka-alis,"

Agad itong tumango at tumakbo papunta kay Ace, "Bro," hinawakan niya ito sa balikat, "Bro, tara na,"

"I can't leave, Pat," he said.

Frustrated na nagsalita si Pat, "Anong I can't?! Moning sacrificed herself, 'wag mong hayaang masayang 'yon! Tumakas na tayo kung ayaw mong lahat tayo mamatay dito,"

Ace cried, "Hindi ko nga kayang umalis! Nandito ang mga magulang ko! Si Monica! Parang pinatay niyo na rin ako kung hahayaan ko silang magdusa rito!"

Hate Love GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon