Hate Love: Twenty One.

76 4 2
                                    

Hate Love: Twenty One.

--~

Hindi agad nagregister ang sinabi ni Siao sa kanila. Halos sabay-sabay silang nag-angat ng kilay nang ma-realize nila ang sinabi nito.

Hindi makapaniwalang tumawa si Patrick, "Baliw na pala 'to, eh. Tara na nga, sabi na nga ba't hindi dapat tayo nakikinig sa taong 'to, eh." Naglakad na siya paalis pero hindi sumunod si Ace.

"Did you really saw him-"

"I am a hundred percent sure. I saw it with my own two 20 20 vision eyes," Siao said.

Monica looked at Kyle. Nakatingin lamang ito sa sahig, malalim ang iniisip.

"It happened around two am, ang akala ko, tumalon siya dahil may sasalo sa kanya sa baba pero ang tanga ng naisip ko na 'yon. Sinong tao ang sasalo ng taong tumalon galing sa rooftop? Wala," pagpapatuloy nito.

Everone became more serious.

Lumapit si Monica kay Kyle, "Did you really jumped?" mahina nitong tanong.

Tears started to stream down Kyle's face, "I don't know,"

Hindi alam ni Ace kung ano ang iisipin. Dapat ba siyang maniwala kay Siao? O kay Kyle? Malakas ang kutob niya na nagsasabi ng totoo si Siao pero sa tingin din niya ay hindi nagpakamatay si Kyle.

"How did you get there?" seryosong tanong ni Ace, "Two a.m.? Bakit nasa rooftop ka ng gano'ng oras?"

"Doon ako natulog," sagot nito.

"Wow," Pat clapped his hands, "Ang taong nagmamalaki na anak daw siya ng may-ari ng University, natulog sa rooftop ng school. Kapanipaniwala," he said, full of sarcasm.

"Kung ayaw niyong maniwala, hindi ko kayo pipilitin. D'yan na kayo, marami pa 'kong gagawin, adiós," Siao waved his hand and made his way out of the parking lot.

"Uy, uy, anong gagawin mo," Pat uttered as he stop Ace from following Siao. "Naniniwala ka do'n?"

Ace sighed a little, "No but maybe yes," inalis nito ang kamay ni Pat at lumabas na rin ng parking. Hindi naman niya susundan si Siao. Kailangan lang niyang mag-isip. Mabuti na lang at tapos na ang project niya, ipapasa na lang niya ito mamaya.

Pat went to his next class. Hindi talaga siya naniniwala sa mga sinabi ni Siao. Pero hindi na niya iyon masyadong inisip. First of all, hindi gawain ni Patrick ang maistress dahil sa kakaisip sa isang bagay. He prefers to empty his mind and not to worry as much as possible.

Sumunod si Monica kay Ace, "Gusto mo mag-ice cream?" tanong nito. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Ace. May kalahating oras pa siya bago magsimula ang sunod niyang klase.

"Uy, gusto mo?" ulit nito. Hindi siya pinapansin ng kausap.

"Razen-"

"Sige, tara," tumalikod siya at naglakad palabas ng University. Hindi agad sumunod si Monica dahil sa pagkabigla, pero sumunod din siya nang hindi siya hinintay ni Ace.

Nasa gilid lang sila ng University. Hindi na sila lumayo pa dahil may nagtitinda naman ng sorbetes dito at mas makakatipid si Ace, mas gusto rin niya ang sorbetes kumpara sa ibang ice cream.

"Manong, dalawa po," he uttered before giving the payment.

Tinignan siya ng matandang tindero, "Batang mabait, ang tagal na nung huli kang bumili, natutuwa akong makita ka," nakangiti nitong sabi.

Ace's forehead creased, "Ngayon pa lang po ako bumili sainyo,"

Nag-angat ng kilay ang matanda, "Hindi. Nasisiguro kong ikaw ang bumili sa'kin noon. Doble ang ibinayad mo at tinulungan mo akong magtinda," binigay na nito ang ice cream na binili ni Ace, "Dalawa rin ang binili mo noon. Nasaan na ang kasama-"

Hate Love GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon