Hate Love: Thirty Six.

96 2 3
                                    

Hate Love: Thirty Six.

--~

"Monica," cool breeze touched her cheeks.

"Monica,"

She's dreaming about how calm and peaceful her life is.

"Monica," whisper, again. She's getting more annoyed.

She opened her eyes slowly, "Why... Kyle?!"

Agad nitong tinakpan ang bibig ni Monica, "Sshh!"

Pat groaned, "Mas gwapo ako sa'yo..." naidagan nito ang kamay sa mukha ni Ace. Tumalikod si Ace dahil doon.

"Mahihirapan tayo 'pag nagising sila," Kyle hissed.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?! Ilang araw na kitang hinahanap ah?!" she fumed in a low voice.

"Mahabang istorya, kailan mo balak umalis?"

"Ha?"

"Nakita ko ang mga rosas na nakalaan para kina Pat at Ace. Sa tingin ko, malapit ng bumalik ang mga ala-ala ni Ace,"

"Saan mo nakita?" takang tanong ni Monica.

Huminga ng malalim si Kyle, "Sa templo,"

"Bakit galing ka do'n?!"

"'Wag ka namang maingay baka magising mo sila," kalmadong sabi ni Kyle.

"Bakit ka nga nagpunta do'n? Delikado. Hindi ka ba nag-iisip? Kailangan ka rin nila-"

"Alam ko. Pero mas kailangan nila si Ace. Narinig kong nag-uusap sina Diego pati 'yung babae, hinihintay lang nila na makaalala si Ace. Hangga't malapit ka, mas delikado."

Monica looked at Ace's direction, "But I just can't leave,"

"Gusto mo ba silang mapahamak?"

"Pero paano kung magstay ako at hindi makaalala si Ace? Okay lang naman 'yon, 'di ba?"

"Iyon na nga. Sana nga okay pero hindi. Hindi titigil si Diego hangga't 'di ka niya nakukuha,"

"Napaka walang kwenta niya, kahit kailan hindi ako sasama sa kanya,"

Kyle sighed, "Anong plano mo?"

Umayos ng pagkakaupo si Monica at sumandal sa pader, "One more day,"

Kahit isang araw na lang.

One more day with him.

.....

"Next week na midterm," Pat said as he follow Ace. Naglalakad sila ngayon sa hallway.

"Enjoy enjoy naman tayo oh, puro sakit na ng ulo sa mga susunod na araw, eh," suhestiyon ni Patrick.

Nakatingin lang sa daan si Ace. Nakasunod pa rin sa kanila ang tingin ng ibang estudyante as usual. Panay rin ang sulyap ni Ace kay Monica na naglalakad sa gilid niya.

"Hello? Ace? May kausap ba 'ko rito?" sarkastikong tanong nito.

"Kausap ka, uy," siniko ni Monica si Ace.

"Okay ka lang?" tuon niya kay Monica. She blinked. Mukha naman siyang natauhan.

"A-Anong okay lang?"

"You're quiet. Mukha kang problemado," mahinang sabi ni Ace.

"Wow, Bro. Mas mahal mo nga talaga si Moning kaysa sa'kin,"

"Guys!" Maddi squealed. Galing ito sa kabilang corner ng hallway. Kasama si Marie na naka earphones lang, ngumiti naman ito na siyang dahilan ng pagtahimik ni Pat.

Hate Love GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon