1:The Prospect

177 3 0
                                    

1

-Him-

Nandito na ako sa school. Ipinark ko ang kotse ko sa may car park ng school. Pagbaba ko, ang dami na namang nakatingin. Do they know that staring is rude. Oh well, gwapo ko kasi.

Ako nga pala si Kier Falcon.

Naglakad na 'ko sa may hallway dahil may klase pa ako. Ayoko namang malate.

Ang daming babaeng nagbubulungan, kala mo hindi ko naririnig. Psh! Mga babae talaga. Maiingay!

*Bogsh!

Aray! Putek! Sino bang tanga ang bumangga sa----

O, 'tong babaeng 'to na naman? Hindi pa ba ako sanay? Dalawang taon na 'tong nagpapansin sakin.

"O, hi Kier, ikaw pala 'yan. Ang galing ng destiny, lagi tayong pinagtatagpo." sabi nyang nakangiti. Destiny my arse! Panigurado sinadya nya 'to.

"Wala akong pakialam sa destiny mo. Alam ko namang sinadya mo 'to. Umalis ka nga sa dinadaanan ko stalker!" tinulak ko sya. Psh! Malelate ako sa kadaldalan ng babaeng 'to.

"Omygod! Hinawakan mo 'ko? Gusto mo na ba ako?" sabi nya. Ang OA! Dapat pala hindi ko na 'yon tinulak. Kailangan ko ng alcohol. Madaming alcohol.

"Hinding-hindi ako magkakagusto sayo." sabi ko pero bago pa ko makalayo ng tuluyan, sumigaw pa sya. Gumagawa na naman ng eksena.

"MAGKAKAGUSTO KA RIN SAKIN, KIER KO!"

Pagdating ko sa room, hinawakan ko ang kwelyo nung nerd kong classmate.

"Pengeng alcohol!" sigaw ko. Dali-dali syang naglabas ng alcohol.

Halos maubos ko na 'yung alcohol bago ko binigay sa nerd.

"Relax dude, masyado ka atang galit sa alcohol. Nakasalubong mo na naman ba 'yung may gusto sayo?" kakainit ng ulo, magtatanong pa.

"Shut up!" di ko na pinansin ang kambal ko. Pumasok na din ang propesor namin.

--

A/N:May mga binago po ako. Hehe :3 ang gulo kasi ^_^

Thanks sa bumabasa :)

My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon