14
-Her-
Ngayon na ang alis nila Mommy papuntang Jeju. Magmamaktol pa sana ako kay Mommy pero naisip ko yung pinangako ni Dad, makakapunta din ako dun at kakabugin ko si Mommy.
"Lynne, honey, alis na kami ng Tito Dale mo ha. Be good okay? Wag mo na ulitin yung paggimik mo."nalaman kasi ni Mom yun. Nakalimutan ko magpaalam eh.
"K, Mom. Pasalubong ko ha. Tsaka pwede wag ka masyado magpopost sa instagram mo at maiinggit ako."napatawa na lang si Mom.
"Mamimiss din kita. Sige alis na kami."at kumaway na lang sa akin si Tito Dale. Nandito kami nila Kiel at Kier sa labas para ihatid sila ng tingin.
Noong nakaalis na sila, nagkatinginan kami ni Kier.
"What?!"singhal nya sa akin. Umiling na lang ako and pumasok na sya sa bahay. Si Kiel naman, mukhang problemado kaya hindi ko makausap.
Great! Im alone with my longtime love and his twin. Makakaya ko ba ng isang linggo?
-*-
*cough cough* napatingin ako sa kusina na puro usok. Sabi ko kasi sa mga katulong magbabake muna ako. Ugh! Nakalimutan ko dahil nawili ako manood ng Phineas and Ferb.
Pinapaypay ko yung usok ng biglang may dumating.
"Fuck! Bakit ganito dito! Hoy stalk--- este babae! Anong ginawa mo?"galit nyang sabi. Napangiti ako kasi dapat tatawagin nya akong stalker, but well im not now, im his stepsister. The saddest fact.
"Nginingiti mo dyan. Anong nangyari?!"ang init lagi ng ulo nito no! Sabayan ko nga.
"Wag ka ngang sumigaw! Naririnig kita! Paki mo ba!"sigaw ko din. Mehehe.
Medyo nagulat sya pero nakarecover din agad.
"Wala ka ding paki kung sumisigaw ako, at may paki ako kasi bahay ko to!"aba!
"Correction, bahay NATIN, KUYA!"sabi ko emphasizing the word para naman maisip nyang kapatid nya na ako.
"Tss. Linisin mo na yan."anyare don? Walkout ha.
Nilinis ko na yung sunog na cake na nasa oven. Sayang to. Gumawa na lang uli ako ng bago at kinain ko mag-isa. Wala akong time magshare.
Kain lang ako ng kain dito sa may kusina ng biglang sumulpot si Kiel. Seriously? Kabute ba tong kambal na to?
"Uy penge! Damot di namimigay."sabi ni Kiel na parang bata. Binigyan ko na, baka umiyak.
"Wow, ang sarap naman nito."yiii. Natutuwa talaga ako pag may nakakagusto sa gawa ko.
Inenjoy na lang namin ni Kiel ang gawa ko.
Ano kayang ginagawa ni Kier? Gusto ko pa naman sya bigyan.
------
BINABASA MO ANG
My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)
Ficção AdolescenteCan you ever imagine being inlove with your sister? Are you ready to cross the line?