24:Distractions

54 3 0
                                    

-Her-

This was a good thing! Kumalat na na kapatid ko si Kier at Kiel. I should be happy right? Im hap---

"Hello, Lynne. Pwede ba tayong maging friends? Dati pa lang gusto ka na naming maging kaibigan e." sino ba 'to? Nandito ako ngayon sa canteen, eating alone, digesting what is happening in my life. Kailan pa nagkaroon ng mga taong gusto akong maging kaibigan. I don't doubt myself pero I doubt these girls in front of me. May modus 'to at parang alam ko na.

"Ay, sorry were so rude pala. Im Lissy, this is Lindsay, Liana and Luchi." putek! Wala na atang maisip na pangalan ang author, bakit puro L umpisa ng mga pangalan nito. "Ah, ok..." sabi ko. I don't want to be rude. Kung pwede hangga't maari, ayokong mamahiya ng tao kahit madalas ko yung maranasan. "We heard kasi na kapatid mo pala si Kier-- Can we sit? . Like OMG! Anong feeling magkaroon ng kapatid na gwapong kagaya nya? He's Kier Falcon!" sabi ng babaeng kulot na Luchi ata ang pangalan. Umupo na nga agad sila kahit hindi ko pa sinasabi. Sinasabi ko na. Bukod pala sa mga iniisip ko, ito pa ang poproblemahin ko ngayon.

I ended up on making reasons. Sana nahalata nila dahil ayoko talagang magkaroon ng kaibigan na gagamitin lang ako. Pumunta ako sa library kasi akala ko ito na yung pinakatahimik na part ng school pero hindi pala.

Pagkapasok ko palang, may nagsalita na agad. "Siya yung kapatid ni Kier diba? Oo nga sya yun, tara lapitan natin." and I ended going out of the library. Pinagalitan kasi ako, OO ako yung pinagalitan kasi ako raw yung dahilan ng ingay. Grabe naman. Ni hindi ko nakita si Kier at Kiel ngayon kaya ako lang tuloy ang kinukuyog. Now I wonder if its a good thing or bad thing na nalaman nilang magkapatid kami. Akala ko sapat na distractions na 'to e. Ako rin naman ang may kasalanan. Ako yung nagpakalat ng balita. I just used an anonymous account saying na magkapatid nga kami, and paano nangyari yun. As expected, news have ears kaya mabilis yung kumalat.

"Hey, Lynne!" napatigil ako sa sumigaw. It was Chelsea, pangalawa sa patay na patay kay Kier. Ako yung una, dati. Tumigil ako sa paglakad, balak kong wag ng umattend ng sunod na klase, hindi ko na kayang gumawa ng reasons at nakakapagod magpaliwanag. "Oh bakit?" tamad na tamad kong sagot. Ultimate rival ko itong si Chelsea pagdating sa pang-iistalk kay Kier pero lagi ko syang natatalo. "I heard kapatid mo raw si Kier? Omygod girl! Stepbrother mo yun? So hindi na pala kita karibal? Thank god ang hirap mo kayang kalaban." sabi nya. Sabi na matutuwa 'to. Medyo nasaktan ako, alam nyo yung feeling na parang gusto mong itanggi na hindi totoo yung sinasabi nya. "Pwede ba tayong maging friends? Dati kasi hindi kita maifriend kasi karibal kita. Pero ngayon I don't see any reasons na para hindi tayo maging magkaibigan. I want you to be my sister-in-law." kinikilig nyang sabi. Parang gusto kong manakal. "Please, Lynne. *dog eyes*" pacute! Pero ano ba? Ang dami ko ng inisnob dahil ayokong maging used friend nila. "Pag-iisipan ko." sabi ko and then she hugs me. Siguro naman as his stepsister, pwede kong salain kung sino ang pwede nyang maging girlfriend, bilang ex-lover nya, pwede naman siguro diba? At saka para na rin madistract ako sa feelings ko sa kanya. Ayokong mahirapan si Mommy dahil lang alam nyang may feelings ang anak nya sa stepbrother nya. Ayokong hadlangan ang kasiyahan nya.

Napagpasyahan kong magstay sa isang cafeteria malapit sa school and that's when I saw again this butiki guy. Si Cyrelle. He can be added to my distractions right? Parang ang gwapo nyang nakahilig sa may bintana at nakatingin sa kawalan. Wala syang kasama at mukha syang malungkot. May problema kaya to? Naramdaman nya atang may nakatingin sa kanya kaya napatingin sya sa akin. He immediately recognized me, "Uy!" great! Uy na ba ang pangalan ko ngayon? Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap nya. "Teka, wala ka namang kasama diba?" tanong ko, realizing na umupo ako agad sa harapan nya, not thinking na baka umihi lang pala yung kasama nya. "Wala, kaaalis lang." napa-Ow na lang ako. Umorder na ako ng cafe, kasi nasa cafeteria nga ako! XD Kinukulit ko sya kung bakit ang emo nya kanina. Sabi nya, hindi naman sya nakaeyeliner o kaya naka-all black para maging emo, senti daw pwede pa.

Nalaman ko na pinatigil daw sya nung nililigawan nya kaya sya medyo nalungkot. Medyo lang talaga. E wala pala, yung pandagdag distraction ko, may iba naman palang gusto.

------

A/N: thank youuu~ for reading this. I update depending on my mood. Tulad ng sabi ko sa status ko, iuupdate ko lahat ng story ko sa tuesday kaya goodluck na lang. Hooo~

Monday na naman. Nooooo~

xpangetx. Xoxo :*

My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon