23:Naguguluhan

63 2 0
                                    

-Her-

Hindi na nagpasundo sina Mommy at Tito Dale. Ngayong araw na kasi ang dating nila. Siguro naman alam na nung kambal. Tumutulong ako kina Manang magluto ng pananghalian. Tatanghaliin na kasi sila dahil medyo matagal ang byahe pauwi.

Habang naghahain na kami nina Manang, biglang pumasok sina Kiel at Kier. Si Kiel binati kami ni Manang pero si Kier? Naku ano pa bang aasahan, dumiretso papuntang ref at kumuha ng root beer. Kailan pa nagkaroon ng ganyan dito? Tapos ayun umalis na ulit. Napatingin ako kay Kiel pero nagkibit-balikat lang sya. Nakakapanibago, hindi sya nagsungit ngayong araw a. Simula nung incident na para syang sinapian dahil tinanong nya ako kung buo na ang araw ko at nakita ko sya, hindi na sya masyadong lumalabas ng kwarto nya. Ano bang meron sa kwarto nya at hindi sya lumalabas dun? Kakainggit yang kwartong yan ha!

-----<3

"Eto, anak try mo tong damit na to. Binili namin yan sa may Incheon bago kami umuwi dito." sabi ni Mommy habang may pinapakita sa aking damit. "Mamaya na lang sa kwarto, e Ma, nasan yung mga Korean products na binili mo?" tanong ko sa kanya. May nilabas syang isang pack na may mga nakasulat na Hangul at agad na nagningning ang mata ko. Emeged! Magiging kutis korean na ako. "E paano yan? Baka wala pang dalawang linggong gamit 'to? Ma naman, bibili na lang, kulang ---" napatigil ako dahil may ibinigay pang maraming packs sa akin si Mama. Natigilan ako, hindi nakapagsalita at natulala. 'Kay, napahiya ako dun. Narinig kong natawa si Kiel doon sa gilid na busyng busy din sa ibinili sa kanya ni Mommy. "Thank youuu, Mommy. Sana magkaanak ka na agad." si Tito Dale naman ang napatawa. "Ikaw talagang bata ka. Binobola mo pa ako, o sya iakyat mo na 'to sa kwarto." sabi nya at kinuha ko na ang mga pinamili ni Mom sa akin. "Lynne, magiging katulad na ang kutis mo ng mga susong idol mo." sabi ni Kiel at ng magets ko yung sinabi nya, binato ko sya ng throw pillow. Lokong 'to! Niloko na naman ang Exo ko!

Umakyat na ako dala ang apat na paper bags at isang malaking plastic bag na may lamang mga korean beauty product na ipinabili ko, diba ang bongga lang! Napadaan ako sa kwarto ni Kier at naisip ko tuloy kung bakit hindi sya bumababa. Tss. Bakit ko ba iniisip 'yon.

-------<3

Katatapos ko lang maghalf bath at ready na sana akong matulog pero naisip kong magcheck muna ng fb. Medyo matagal na din akong hindi nakakapagbukas ng fb, siguro mga 2days ago na.

Pagbukas ko, bumungad sa akin ang maraming friend requests. Iniscroll ko ang mga nag-add sa akin pero nakakainis lang dahil mga arabo lang ang nag-add sa akin. Bakit ba ang hilig nilang mag-add ng hindi naman nila kilala? May nakita akong nag-add na Falcon Kier at nanlaki ang mata ko, inadd nya ako?! E ilang beses ng inignore ng lalaking to ang friend request ko dati! Tapos dati sinesearch ko pero binlock pala ako tapos ngayon iaadd nya ako?!!!!! Waaaah! Ang saya. Hahaha! I mentally scold myself. Woah! Napaenglish bigla.

Nanginginig pa ang kamay ko ng inaccept ko ang request nya. Confirmed! Im hyperventilating!!! Juice colored, friend request lang ganito na ako magreact? Maigi sana kung niyaya ako magpakasal.

I've seen his latest status. Mahilig rin palang magstatus 'to? Dati nung nasesearch ko pa ang fb nya, puro tag lang ang nasa timeline nya at yung mga post nya, mga month ago pa pero maraming likes. Peymous eh.

"And now I'm really really confused about my feelings."

Hala? Baka kaya hindi na sya lumalabas ng kwarto dahil naguguluhan na sya? Sa tunay nyang pagkatao? Sa pagkalalaki nya? Oh noes! No way! Maldo andwae!

Natigil ako sa pag-iisip ng mga nakakakilabot na bagay ng biglang may nagpop-up na message sa fb ko.

Falcon Kier message you!

Binasa ko ang nakasulat.

Please let me understand what Im feeling. I really don't know what you do to me.

Umienglish? At ano raw? Tulungan ko sya sa nararamdaman nya? Ano ba yun? Ano bang ginawa ko sa kanya? Naguguluhan na din ako! May narowrongsend ba sa facebook?

Magmemessage din sana ako pero nag-offline agad ang loko! Aba't! Pero ano ba talaga? Feeling ko, biglang naging isang metro ang haba ng buhok ko! Juice colored! Tama ba ang hula ko? Sana naman dahil ayokong maging assuming.

*tok tok

Bigla akong kinabahan. Sya ba yan?

"Anak? Gising ka pa ba?" nakahinga ako ng maluwag ng marinig na si Mommy pala yun. Agad kong nilog-out ang facebook ko bago ko pinapasok si Mommy. "Buti gising ka pa anak." sabi ni Mommy. "Patulog na rin ako Ma." sabi ko naman. Ang totoo nyan, ewan ko kung makakatulog ako agad. Pagkatapos ng message na yun, parang hindi ko kayang hindi isipin kung ano ang ibig nyang sabihin dun.

"Ayos ka lang ba anak? Mukhang may iniisip ka?" tanong ni Mommy. Ayoko munang ishare to kay Ma, alam kong napag-usapan na namin na ititigil ko na tong kahibangan ko kay Kier pero kasi naman. "Wala Ma. Di ka pa ba inaantok?"

"Tatanungin lang sana kita kung anong nangyari noong wala kami. Hindi ka ba nahirapan anak? Alam kong may gusto ka kay Kier kaya mahirap para sayong naging kapatid mo sya. Hindi ko naman alam anak, kung alam ko lang e di hindi ko na sana itinuloy ang balak kong magpakasal ulit. Kaya ko namang isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para sayo Anak. Sabihin mo lang kung nahihirapan ka na sa sitwasyon natin." umiiyak na si Mommy, pati ako. Ayoko namang makita syang umiiyak. Huling umiyak si Mommy ay noong bata pa ako, noong muntik na akong makidnap ng wakwak gang kaya naman masakit sa aking makitang umiiyak na naman sya dahil sa akin.

"Ayos lang ako Ma. Hindi ako nahihirapan tsaka hindi mo naman kasalanan kung si Tito Dale ang pinakasalan mo. Walang may kasalanan, siguro hindi lang talaga kami para sa isa't isa kaya wag ka nang umiyak dyan." sabi ko habang pinepeke ang tawa ko. Nahawa naman si Mommy.

"Basta anak, sabihin mo lang sa akin kung may problema ka. Nandito lang ang Mommy mo anak." sabi ni Ma at niyakap ako. Wag kayong mag-alala Ma, hindi na kayo mamomroblema sa nararamdaman ko at kung may nararamdaman na din sa kin si Kier dahil ipapamukha ko ng wala talaga kaming pag-asa. Na hindi na kami pwede dahil magkapatid na kami.

----

A/N: Mehehe! Nag-update ulit ako. Gusto ko lang sanayin ang sarili kong mag-update na lagi dahil usad pagong ang mga stories ko, eto nga lampas 20 chapters na pero ngayon lang nagkafeelings si Kier kay Lynne diba? Haaaaay! Sumuko na ang dakilang stalker, paano na ngayon si Kier? At sino ba ang nililigawan ni Kiel? LOL! Hahaha. Naligaw ang tanong. Yon, thankie sa mga nagbabasa nito :) masaya na ako sa fact pa lang na may bumabasa nito. Kahit walang comment at vote pero maaappreciate ko din kung makakatanggap ako ng vote at comment mula sa inyo. Yun lamang salamat :)

xpangetx. Xoxo :*

Proud EXO-Lover <3

My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon