10
-Her-
Hindi !!! Nananaginip lang ako. Hindi pwedeng sya ang maging kapatid ko. Paano na ang kinabukasan namin? Magiging asawa ko pa sya.
"Magkakilala ba kayo, Lynne? Kier?"tanong ni Mommy.
Hindi ako nakasagot.
"Sandali Dale, kakausapin ko lang si Lynne."sabi ni Mommy.
"Sige. Kakausapin ko lang din ang mga anak ko."
Lumabas kami ni Mommy at doon nag-usap sa harap ng fountain.
"Lynne, is there any problem?"panimulang tanong ni Mommy. Kung alam nyo lang.
"Mom, sya yung sinasabi ko sayong crush ko. Paano na to. Magiging magkapatid na kami, Mom?"naluluha kong tanong. Niyakap naman ako ni Mommy.
"Im sorry Lynne. I never knew. Siguro nga nagpadalos-dalos kami ni Dale. Hindi ko naman alam anak."
Napatingin ako kay Mommy.
"Hindi Mom. Nabigla lang ako. Siguro tatanggapin ko nalang. Para sayo, Mom."sabi ko.
"Napakaswerte ko to have a daughter like you."
"Hindi Mom, maswerte ako sayo."
Pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin iyon. Siguro unti-unti ko ng aalisin tong nararamdaman ko sa kanya. Masakit, pero para kay Mommy.
"Arggggh! I hate that girl. Im ok with your wife but with her daughter? I hate her!"narinig kong sabi ni Kier. Masakit pala no? Matagal ko na tong naririnig sa kanya pero ngayon lang nagsink-in sakin.
Siguro aral na din to sakin na hindi talaga sya ang nakatakdang makasama ko habangbuhay. Na hindi pwede kami. Kailangan pa talagang mangyari to bago ko marealize.
"Whether you like it or not, she's staying with us. Do something or else i will cut your allowance."
"Fine. Arggggh!"pumasok na kami ni Mommy at nakita naming paakyat ng kwarto si Kier.
Bago sya makataas ay tiningnan nya muna ako ng masama.
So this is it? Magkapatid na talaga kami.
--
A/N: Wahuhu andami kong story. Tatlo XD pero ipagpapatuloy ko 'to till the end.
BINABASA MO ANG
My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)
Novela JuvenilCan you ever imagine being inlove with your sister? Are you ready to cross the line?