17:Si Pororo at Keroppie

78 3 0
                                    

17

-Her-

Kanina pa kami naglilibot dito sa Mall. Daig pa ako ni Kiel, grabe! Ang dami na naming napasukan na mga botique pero wala pa din syang mapili. Ang arte!

Pumasok naman kami ngayon sa Blue Magic. Nagstay na lang ako sa may pintuan kasama 'tong isa pa na kanina pa nakatingin sa cellphone nya. Psh! Great!

Tiningnan ko na lang yung mga dumadaan. Ang ganda ng ginagawa ko dito sa mall, magbilang ng mga taong dadaan. Ang saya saya! *note the sarcasm*

May nakita akong lalaki, parang pamilyar. Hmm, teka, si Cyrelle yun ah!

Tinawag ko sya, "CYRELLE!"capslock yan para intense. :3

Guess what? Ang dami lang naman tumingin. Kahit babae. Seriously? Kayo si Cyrelle, ganun? Hmp!

"Hi, Miss, tinatawag mo ba ako?"nagulat naman ako sa lumapit. Papalapit na si Cyrelle at nakangiti pa sya sa akin, tapos may eepal? Pahiya koya!

"Sorry dude, ako yung Cyrelle na tinatawag nya kaya back-off!"phew! Buti dumating na sya.

"Sorry, i thought it was me."at umalis na yung epal na lalaki.

"So?"sabi nya. Omo, gumagwapo talaga sya.

"Ano? Bakit nandito ka sa mall?"seriously Lynne? Eto lang itatanong mo?!

"Bakit? Bawal na ba ako dito? Sorry di ako nainform."sabi nya na nakangiti. Gosh! Wag kang ngumiti!

"Ah, hindi. Nagulat lang ako nakita kita dito. May kasama ka ba?"sabi ko.

"HOY KIEL, MATAGAL KA PA BA DYAN? NAIINIP NA KO!"sasagot na sana si Cyrelle pero sumigaw sya -_-

Pati talaga dito sa mall? -_- tinginan tuloy yung mga tao -_-

"Ah, wala akong kasama. Pwede bang sumama sayo? *bulong* Kasama mo ba yan? *sabay turo kay Kier*"napatingin naman ako kay Kier na nakatingin sa amin pero biglang umiwas at tumingin sa cellphone nya.

"Ah, oo eh. Kuya ko yan. Kasama din namin yung kambal nya."sabi ko. Ano bang meron sa cellphone nya?

"Ah, mukhang ang sungit ng kuya mo."

"Oo ganyan talaga yan."

"Pasama ha?"sabi nya at umakbay pa. Medyo nailang naman daw ako dun.

"KIEL ANO BA? PARANG BABAE MAMILI."napatanggal naman ng akbay si Cyrelle. Grabe talaga sya! Pati sa mall. Nahihiya ako para kay Kiel.

Note to self:Wag isasama sa mall si Kier, mapapahiya ka.

Maya maya lang, nakalabas na din si Kiel at ang laki nung dala nya. Ano naman kaya yun? Dito lang pala sya makakabili, nag-ikot pa kami -_-

Napagdesisyunan naming kumain sa isang resto dito sa mall. Korea ang ambiance nito kaya dito ko pinili. Alam nyo na :)

Bigla ko tuloy naalala yung honeymoon nila Mommy at Tito Dale >_<

Pero alam nyo yung pag-upo namin, katabi ko si Cyrelle at katapat namin si Kiel at Kier, biglang nagkaroon ng awkward atmosphere.

Ako lang ba ang naoawkwardan? Tiningnan ko sila. Mukhang ok naman. Paranoid much?

Pagtapos ng awkward lunch namin(na para lang ata sa akin), dumiretso kami ng arcade. Suggestion ni Kiel eh. Nahihirapan nga ako sa lagay nya eh. May malaking buhat ba naman.

Habang papunta kami sa arcade, umakbay sa akin si Cyrelle. Nakakahiya, baka mapagkamalan akong girlfriend nya nito. Pero ok lang din sa akin. Simula nung butiki incident(parang ang awkward pakinggan), ayos na sya sa akin though mukha pa din syang playboy.

Yun nga, nakaakbay sya tapos may biglang nakidaan sa gitna namin. Basta na lang ibinalibag yung kamay ni Cyrelle. Ang bastos!

Pagtingin ko, si Kier pala >_<

"Tabi! Ang laki nyong harang"sabi nya at nagpauna na sa amin. Problema non.

"Nakakalalaki na yang kuya mo ha!"sabi ni Cyrelle sa akin.

"Pagpasensyahan mo na lang, menopause baby yan."sabi ko na lang at medyo kumalma naman sya.

After nung banggaan incident, ok na naman. Pero ok nga ba?

Kanina pa nagpapaligsahan yung dalawa(Cyrelle at Kier) sa kahit anong laro dito sa arcade. Kami naman ni Kiel, andito sa tabi. Hindi sya makapaglaro dahil sa dala nya.

Sabi ko nga ako na lang muna magbabantay pero ayaw nya. Nagpapractice daw syang magpakagentleman. Nakss!

Napagod ata yung dalawa at tumigil na. Pareho silang may dalang stufftoy. Ang dami sigurong ticket na napanalunan nila. Galing >_<

"Oh Ana/Oh!"sabay na sabi nila. o.O para sa akin? Yung kay Cyrelle, si Pororo at yung kay Kier, si Keroppie. Omo! Bigay nila sa akin.

Kinuha ko naman yun pareho pero nagtinginan sila ng masama. Anong meron ba?

Pauwi na kami at umuna na rin si Cyrelle. Nagpasalamat ako sa kanya, naging masaya naman 'tong bonding kuno kahit di ako nakapaglaro.

At nung pauwi na, tsaka lang nagsink-in ang lahat sakin.

BINIGYAN AKO NI KIER NG STUFFTOY! Kill me sa kilig!

Pero kapatid ko sya -_- Kalma!

---------

My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon