3
-Him-
Bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari ngayon?! Titigilan ko na nga ang pag-inom ng kape.
As usual, ang dami na namang nakatingin sa akin. Pati mga lalaki, bakla ata mga 'yun! Kinikilabutan na agad ako, naiisip ko pa lang ang salitang 'bakla', masamang alaala. Psh! Kakakilabot talaga!
May nakita akong papel na nakadikit sa pader. Napakunot ang noo ko sa nakalagay.
'Kitakits sa room, Kier ko! Mwaaah :*'
Yung babaeng 'yon talaga, nababaliw na ba sya! Bakit ko naman sya makikita sa room, ni hindi ko nga 'yun kaklase sa kahit anong subject. At kailan nya 'to naidikit dito?!
Kinuha ko 'yun, nilukot at tinapon sa basurahan.
Makapunta na nga sa room!
-*-
Pagpasok ko sa room, nagbubulungan ang mga kaklase ko. Kailan pa sila naging mga tsismosa?!
"Alam mo pre, may bagong chicks na lilipat daw sa section natin!" dinig kong sabi nung kaklase ko.
Malapit ng magprelims, lilipat pa 'yung babae? Bahala na nga. Bakit ko ba iniisip 'yun!
"Uy kambal, nabalitaan mo na ba? May lilipat daw na babae dito at galing daw sa tourism." sabi ni Kiel. Yung kambal ko.
"O, ano naman? Bakit ba ang excited nyo, babae lang naman yan." sabi ko. Para kasing ngayon lang makakakita ng babae.
"Syempre, maganda daw. Ano ka ba bro, pakita mo naman minsan na interesado ka sa mga babae, bading ka ba?!" sabi nya.
"Ano?! Gago ka ba! Paki ko sa mga babae at hindi ako bakla." kakainit ng ulo. Kambal ko sya pero masabihan nya ako ng mga ganyang bagay. Alam namang ayaw konsa bakla.
"Chill lang." sabi nya at mabuti nilubayan na ako. Alam naman nya 'yung nangyari dati.
Haaay. Buti na lang wala akong katabi.
Maya-maya, pumasok na ang professor namin kaya tumahimik din sa wakas ang mga kaklase ko.
"Good morning class. Siguro naman aware na kayo na may bagong lipat na estudyante. Pasok ka na Miss Sisracon." sabi nung prof.
"Hi, good morning new classmates especially Kier Falcon, my future husband. Im Analynne Sisracon from the dept of tourism." shit! Bakit nandito yan!
"BAKIT NANDITO KA!" sigaw ko. Napatingin naman lahat sakin pati si Mam. Wrong move! Tsk.
"Any problem Mr. Falcon?!" taas kilay na tanong ni Mam. Umiling lang ako at umupo na! Nag-iinit ang ulo ko. Pagtingin ko, sa tabi ko lang may bakanteng upuan. Shit! Di pwede!
"Good. So Ms.Sisracon, go on and sit beside your future husband." sumaludo pa 'yung stalker at ngiting aso.
What the hell!? Pinaparusahan nyo ba ako?!
--
A/N: Ayan, may nabago po dito.

BINABASA MO ANG
My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)
Teen FictionCan you ever imagine being inlove with your sister? Are you ready to cross the line?