16:Mall w/ Kuya's

87 3 0
                                    

16

-Her-

Tulala.

Yan ako ngayon.

Tumingin ako sa orasan.

*02:03 AM

Paano ba ako makakatulog kung iniisip ko yung halik ni Kier sakin. Kahit naman pinupush ko sa utak ko na magkapatid lang kami, yung puso ko naman, nag-iingay. Mahal ko pa din eh.

Tumingin ako sa picture nya na nakaipit sa notebook namin.

"Ano ba? Ang bastos-bastos mo naman. Bakit ka ba nakatambay sa isip ko? Hindi tuloy ako makatulog. Patulugin mo na ako please."para akong tanga na kinakausap ang picture ni Kier.

Kinausap ko lang yun ng kinausap hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

-*-

*10:37 AM

Pagtingin ko sa orasan, alas-diyes na pala. Mabuti naman at nakatulog ako.

*tok-tok

Pumunta ako sa may pinto para pagbuksan kung sino 'yon.

"Oh Kiel, bakit?"sabi ko.

"Gusto mo bang sumama sa mall? May bibilhin kasi ako eh naisip kita. Baka naiinip ka na."sabi nya.

"Ah, yun ba. Oh sige ba, maliligo lang ako."sabi ko.

Naligo na ako. Teka, kasama kaya si Kier?

-*-

"Ano bang gustong regalo ng mga babae?"nakakagulat naman 'to si Kiel. Bigla-bigla na lang nagtatanong. Nagdadrive na kasi sya papuntang mall.

Ako, nandito sa shotgun seat tapos si Kier, nandun sa likod at natutulog. Pinilit lang yan sumama ni Kiel dahil daw magkakapatid kami kaya kailangan daw namin magbonding.

"Ha? Di ko alam yung sa iba pero ako, kung tatanungin mo ko? Gusto ko yung album ng Exo. Wala pa ako nun eh."sabi ko. Gusto ko talaga nun *O*

"Anong sabi mo? Suso? Anong klaseng pangalan yon?"grrrr >_<

"EXO. Capital E X O. Hindi suso."inis kong sabi. Lokohin daw ba ang paborito kong Kpop group.

"Ano ba namang klaseng pangalan 'yon? Di ba candy 'yon?"bigyan nyo pa po ako ng mahabang pasensya. Pag yung mga bagay na gusto ko na talaga ang napapag-usapan, sensitive ako.

"Lalaki ka, hindi mo yun maiintindihan. Kpop group sya, ok? Tanong pa?"

"Sungit mode na naman ang kapatid ko. Ano nga kase gusto ng mga babae?"kinikilabutan talaga ako pag tinatawag nya akong kapatid.

"Mga girl things syempre, damit, bears, chocolates, or flowers. Wait? May nililigawan ka ba?"kaya ba sya namomroblema nung isang araw?

"Asa!"

"Yii. Guilty, may nililigawan na."panunukso ko.

"ITIGIL NYO NGA ANG PAGLALANDIAN. BAKA MAAKSIDENTE TAYO!"ooops! Nagising na ang Mr.Hot-headed guy.

Tumahimik na lang kami at nakarating na din sa mall.

After kasi nung pagsigaw ni Kier, di na ako nakaimik. Naalala ko kasi yung kiss ih >____<

------

A/N:Bwahaha pinupush ko talaga yung pagkahilig ko sa Exo :*

Hi, mga kapwa exostan *kaway kaway*

My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon