22:Flashback

62 3 0
                                    

Bata pa lang ako nun, madalas akong awayin ng mga classmates ko dahil hindi ako hinahatid ni Mama at Papa. Palibhasa yung mga magulang nila, hands-on sa kanila at palibhasa rin, mga duwag sila kaya nagtatago pa sila sa palda ng nanay nila. Imagine, grade 4 ka na, ihahatid ka pa ng nanay mo! Ako kasi that time, feeling ko matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko pero mali ako nung araw na 'yon. Ganito kasi yun:

Biyernes ng umaga, pumasok ako ng maaga. Walking distance lang ang school mula sa bahay namin pero since hindi ako hinahatid ni Mommy, lagi nya akong pinagtatricycle dahil delikado daw. Eh nung araw na 'yon, sumuway ako. Malaki na kaya ako at kaya ko na ang sarili ko. Nasasagot ko na nga yung mga kaklase kong nang-aaway sa akin. May pangblackmail kasi ako hahaha.

Pabor din sakin ang paglalakad ko papuntang school kasi madadaanan ko yung tindahan na may eggnog na tinda. That time, sa kanya pang may tinda nun e paborito ko pa naman yun. Ibinibili ako ni Mommy ng isang balot nun pero naubos kasi kinain ko kagabi habang gumagawa ako ng assignment. Pagkabili ko ng eggnog, masaya ko yung binuksan at kinain.

Medyo malapit na ako sa school noon nang may madaanan akong lalaki na nakatingin sa akin. Nginitian ko sya pero lumapit sya sa akin ng nay nakakatakot na tingin. Napanood ko na yung may mga ganung tingin sa TV kaya nagsimula akong tumakbo pero naabutan nya ako at binitbit at niyakap. Nagpumiglas ako pero ang higpit ng yakap nya sa akin. Hawak nya ako sa may pwet nun at hindi na talaga ako makahinga sa pagkakayakap nya. Naririnig kong may dumadaang mga tricycle pero bakit hindi nila ako tinutulungan? Hindi ko alam nung time na yun na mukha pala syang isang tatay na may bitbit na anak.

May narinig akong tumigil na van at naglakad ang lalaki papasok sana sa van pero may dumating na mga tanod kasama ang isang batang lalaki. Agad akong binitawan ng lalaking yon at sumakay sa van. Tsaka lang ako umiyak dahil sa takot na naramdaman ko. Niyakap ako ng batang lalaki and I felt safe.

"Wag ka ng mag-alala bata. Safe ka sa akin." sabi nya. Misteryo sa akin kung paano nya nalamang nasa panganib ako gayong yung mga dumadaan nga e hindi ako tinulungan.

Yung lalaki pala e kabilang sa wakwak gang. Yun ang sabi sakin ng batang lalaki na ang pangalan ay Kier. Sila daw yung nagbebenta ng laman-loob ng mga bata pagkatapos ay itatapon ang katawan nito. Takot na takot ako nun, si Mommy at Daddy, alalang-alala sa akin. Simula noon, inihahatid na nila ako. Simula noon, naging super close na sila sa akin.

Si Kier, naging kaklase ko sya. Transferee pala sya at sabi nya, pangatlong beses nya ng lumipat ng school dahil daw sa trabaho ng Daddy nya at may kapatid din syang nasa probinsya kasama ang Mommy naman nya. Pero sana daw, iyon na raw ang huling lipat nya. Ako rin, yun ang gusto ko pero ayaw ng tadhana. Dumating ang araw na iniwan nya rin ako at sobra akong nalungkot.

Kaya hinanap ko ang batang Kier at noong nahanap ko, si Kier Falcon nga ang nakita ko. Pero noong nagpakilala ako sa kanya, hindi nya ako maalala. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari noon pero sinabihan nya lang ako na nag-iimbento ng storya. Hindi ako tumigil sa kakakausap sa kanya hangga't hindi sya naniniwala at inabot nga ng dalawang taon ang pangungulit ko. Sa loob ng dalawang taon, nagbago na rin ang pakay ko. Ayokong maniwala na lang sya sa mga sinasabi ko, gusto ko magustuhan nya din ako pero imposible pa rin pala yon.

Ang daming nangyari at ngayon nga, kapatid ko na sya pero hindi nya pa rin natatandaan. Siguro sa tagal ng panahon, nakalimutan nya na. Ang pagkainis sa ginagawa ko ang natatandaan nya.

Siguro ibabaon ko na lang talaga sa limot ang lahat. Kahit nasabi ko na ito noon, hindi ko talaga mapanindigan pero paano kung hindi na talaga pwede? Napatawa ako sa iniisip ko, nasaan na ang motto kong 'Never Say Die' ?

Siguro nga hanggang dito na lang ang kwento namin...

>>>> THE END <<<<<

Thank you for Reading!

JOKE! Haha. Kinalawang lang ang utak ng author kaya ganyan yan pero kukuha lang ako ng tamang tyempo. Siguro kailangan ko ng advice mula kay Kiel no? Talagang sa kanya? Si Lline kasi, out of town kasama si Sky. Biglaan nga e.

Uuwi na rin pala bukas sila Mommy, nakakaexcite ang pasalubong. At tsaka magkakaroon na kaya ako ng bagong kapatid? Hope so. Di pa naman menopause si Mommy, kaya nga nakalandi pa e~

Si Kier naman, tumatahimik at hindi naglalalabas ng kwarto. Ewan ko ba dun. Si Kiel naman, sa wakas tumigil din sa bahay pero may katelebabad naman sa telephone. Weird pala magkaKuya. Boring na ng buhay ko.

------

A/N: Hellooo~ medyo nagkatwist ito ano? Haha. Ang tanong, si Kier ba talaga yun? Marami namang Kier sa mundo diba? Malay, mali ang nasearch ni Lynne. 'Kay, I know ang lame nito pero salamat sa bumabasa. Ayan, uunti-untiin ko na tong tapusin. Matagal na rin to e. Tengga na nga si Elise at Lewis pati si Yesha at Red! Sila yung character sa WIMTPB at Alt+3. Aayusin ko pala yung alt+3 kasi putol-putol. Gaaaah! Katamad magtype pero I have to let the idea out~

xpangetx. Xoxo :*

My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon