25:What do you think your doing?!

82 2 1
                                    

Author's note: Hello! Medyo hindi ako agad nakapag-update, busy kasi sa pagfafangirl kay Cameron Alexander Dallas Juice colored! Ang yummy mga teh! Hahaha! Youtuber, Viner, Snapchatter sya. Sya na ang pangarap kong boypren ngayon. Hehe landi pa more! So eto na ang update :) Sana hindi kayo naguguluhan sa flow ng story :) Ang random ko kasi!

------------------------------------------

-Her POV-

"Oh eh bakit parang nanghihinayang ka nung sinabi kong may nililigawan na ako?" sabi ni Cyrelle. Aba, nakalimutan kong may taglay nga palang kahanginan ang taong ito.

"Kapal ha, paki ko kung may nililigawan ka?" taas-kilay kong tanong. Syempre deny lang. Alangan namang sabihin kong nanghihinayang nga ako kasi may nagugustuhan na sya e totoo naman. Baka lumaki pa ang ulo nya at maturn-off ako sa kanya.

"Baka naman nagugustuhan mo na ako?" tumawa ako ng malakas pagkasabi nya niyan. Oo nababaliw na ako. Nagtinginan ang mga tao sa amin kaya tumigil ako sa pagtawa. "Nakakasakit ka ng damdamin Lynne ha, sawi na nga ako, hindi ka pa makisakay sa trip ko tapos tinawanan mo pa ako. You're so mean girl!" at natawa na naman ako. Grabe! Bagay sa kanyang magbakla pero sayang sya kung magiging bading lang. hahaha pero nakakatawa yung pagkakasabi nya ng 'You're so mean girl'. Maluha-luha na ako sa katatawa. "Grabe ka Cy, bagay sayo maging bakla!" medyo natatawa ko pa ring sabi. "Mabuti naman at tumatawa ka na. Masaya na akong napatawa ulit kita." pansamantala kong nakalimutan ang iniisip ko kanina lang.

Siguro talaga, kung may mga taong nagdudulot sayo ng sakit, may mga tao namang kung tawagin ay pain reliever. Yung tipong pag kasama mo sila, parang naiibsan nila yung mga sakit na dinaramdam mo. Para kasing ganun si Cyrelle.

Hindi na namin namalayan ang oras at mag-aalasais na ng lumabas kami ng cafe. Inalok pa ako ng loko na ihahatid na daw nya ako dahil dala nya raw ang kotse ng tito nila. Lakas magyakag, akala mo kanya yung kotse. Haha.

"Ihahatid na kasi kita." pangungulit nya habang naglalakad ako papuntang school. Nandun kasi ang sakayan. "Bumalik ka na nga. Wag mo na kasi akong ihatid. Tsaka hindi naman papunta rito ang parking area ah." pagtataboy ko sa kanya. "Please Lynne." ay peste! Bakit parang ang sweet pakinggan. Nakuuu! Itong lalaking ito, ang daming talent! "Fine! Tara na nga at nakakaawa ka naman. Para kang asong kawawa." sabi ko at naglakad na pabalik sa cafeteria. Inakbayan naman nya ako at biglang nagkaroon ng tensyon ang paligid. Ano ba yun? Bigla ko kasing naramdaman na parang may nakatingin sa amin. "Ang gwapo ko namang aso." sabi nya. Nadistract tuloy ako sa kahanginan nya. Kinurot ko sya sa tagiliran kaya napaigtad sya pero hindi parin natanggal ang pag-akbay nya sa akin. Para talagang may nakatingin e. Naku, guni-guni ko lang siguro yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon