19:Panic

72 3 0
                                    

19

-Her-

Aray! Ang sakit ng puson ko. Omygod!~ meron pa ako ngayon. Sht! Wala akong napkin na stock. Etong hirap kapag irregular.

Nakahiga pa din ako ngayon, at pagtingin ko sa kama ko, parang may nanganak na pusa. Ang daming tagos. Huhuhu T^T kulay puti pa naman 'to. Mahihirapan sila Manang maglaba.

"Araaaaaaaaay!" sigaw ko. Ang sakit talaga. Damn this dysmenorrhea!

*Blaaaag!

Nagulat naman ako dun. Sino bang nagbukas ng pinto. Namimilipit pa naman ako sa sakit dito. Damn!

-Him-

(May PoV na uli sya XD ewan ko kung kelan ule sunod *le outs*)

Napaaga gising ko. Damn! Ang boring na sa bahay na 'to. Yung kakambal ko, busy sa nililigawan nya. Kahit di nun sabihin, alam kong may nililigawan sya. Landi talaga nun.

Yung isa naman, ayoko ngang makipag-usap dun. Naaalala ko pa kasi 'yung katangahan ko. Bakit ko ba kasi sya hinalikan?! Nakakainis kasi yung labi nya, seducing! Arrggh! Erase erase!

"Araaaaaaaaay!" may nadinig akong sigaw ng babae at alam kong si Stalker 'yon. Alangan 'yung katulong!

Dali-dali akong tumakbo para icheck sya. Baka pinapatay na 'yun eh!

*Blaaaag!

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko syang namimilipit sa sakit at puro dugo ang may puwitan pati sa kama. Sinaksak sa pwet? Sinong matino ang gagawa nito?! Bastos siguro 'yun.

Nilapitan ko sya at chineck kung buhay pa. Buhay pa naman dahil namimilipit sya sa sakit, pero ang kinatataka ko, kung sa pwet sya sinaksak, bakit sa may bandang ibaba sya ng tyan nakahawak? Hindi kaya sa tyan talaga sya sinaksak tapos sa pwet lumabas ang dugo. Arggggh! Nakakatanga!

(Back to Her PoV natatawa ako kay Kier XD)

"Shit! Are you ok? Nasan na 'yung sumaksak sayo?" ano bang pinagsasabi nito?! Argh! Ang sakit talaga! Ganito ako lagi kapag nagkakaroon.

"Ano bang sinasabi mo?" sabi ko. Hindi ako makatingin. Nakakahiyang makita ka ng mahal mo sa ganitong state. Huhuhu T^T

"Diba may sumaksak sayo? Kaya dumudugo dyan? Ok ka lang ba? Saan masakit? Tara dadalhin kita sa ospital." Kita ko sa mukha nya ang pag-aalala. At hindi na ako nakaimik nung binuhat nya 'ko. Grabe heaven!

"Manang, ipahanda nyo po ang kotse, dadalhin ko po si Lynne sa ospital." sigaw nya at kahit gusto kong magreklamo, ayokong umalis sa mga braso nya.

-*-

Pagkadating namin sa ospital, dinala nya ako sa ER. Oo ganun sya kaOA, hahaha. Grabe akala nya pala may sumaksak sakin.

Pinaliwanag ng doktor kay Kier kung ano ang nangyayari sakin at binigyan na din ako ng napkin, malinis na damit at pinainom ng gamot. Medyo umayos na din ang pakiramdam ko. Hindi na katulad kanina.

Pagpasok namin sa sasakyan, tiningnan nya ako ng masama. Magkatabi kami sa passenger seat, mga pinapangarap ko lang dati pero nangyayari na ngayon.

"Bakit hindi mo agad sinabi na may monthly period ka lang pala at hindi ka nasaksak? Isinugod pa kita sa ospital! Napahiya ako." himala, hindi na sya masyadong sumisigaw. Hindi na nakaCAPSLOCK eh XD

"Sorry naman. Ang OA mo kasi eh, hindi na ako nakareact sa mga pinagsasabi mo. Pero salamat sa pag-aalala." sabi ko.

"Sinong may sabing nag-aalala ako sayo? Baka lang mapagalitan ako nila Daddy at Tita kapag may nangyaring masama sayo. Yun lang tapos, wag mo na nga ako kausapin." sabi nya at tumingin sa kabilang bintana.

Napangiti naman ako, hindi daw nag-alala pero halata naman kanina.

--

( p a n g e t c u u )

My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon