15
-Her-
"Kuha mo ko ng tubig."bumaba ako at kumuha ng tubig.
Pagbalik ko.
"Bakit ganyan? Bakit hindi malamig? Balik."sabi nya kaya naman bumaba ako at pinalitan ko ng malamig na tubig.
Grrr! Hinihingal na ako. Pagbalik ko dala ang malamig na tubig,
"Nagbago na pala ang isip ko. Juice na lang."kainis na!
"Argggh! Utos ka ng utos! May katulong naman ah."
"Bakit BUNSO? Di ba ganyan naman kapag bunso, sinusunod ang KUYA?"yan! Kaya yan nagkakaganyan dahil tinawag ko daw syang Kuya. Tama! Si Kier yan.
"Kuya naman talaga kita ah, mas matanda ka sakin."totoo naman diba.
"Ayoko, tunog matanda. Wag mo na ako tawaging ganun."sabi nya. Eh kung hindi ba naman LR [katulad ng author], ngayon lang nagreact eh kanina ko pa sinabi 'yon.
"Fine! Wag mo na ako utusan."nandito pa din ako sa kwarto nya.
"Ano nang nangyari sa nararamdaman mo para sa akin na ipinaglaban mo ng dalawang taon?"nagulat ako sa tanong nya. Di ko akalaing itatanong nya 'to.
"Wala na akong nararamdaman sayo! Magkapatid na tayo."lie. Meron pa rin. Sino ba namang makakalimot agad sa dalawang taon mong pagsunod sa kanya.
"Ow. Buti naman at nawala na ang stalker ko."ang rude nya talaga.
"Hindi na ako katulad ng dati!"sabi ko. Bigla syang lumapit at isinandal ako sa pader.
"Talaga lang ha? Wala ka na talagang nararamdaman para sa akin?"nakakaduling. Sobrang lapit nya.
"W-wala n-na!"sabi ko na medyo paputol-putol. Nadidistract ako sa sobrang lapit nya.
Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa nya.
Hinalikan nya ako.
1-2-3-4-5-6-7-8
Tumigil na sya. Ako? Naiwang nakatulala.
Maging sya nagulat.
Dahil hindi ko alam ang irereact, sinampal ko sya!
*Pak
"Magkapatid tayo. Wag mo na ulit gagawin yon."sabi ko at lumabas na.
Tumuloy ako sa kwarto ko at tumingin sa salamin.
Kinapa ko ang labi ko.
Kinikilig ako pero mali ito.
Bakit Kier?
-------

BINABASA MO ANG
My Stepsister,My Lover(On-Hold, to be edited)
Teen FictionCan you ever imagine being inlove with your sister? Are you ready to cross the line?