12 Stranger People

555 25 0
                                    

CHINO

"Maraming salamat po, Kuya Nico at Kuya Chino." Masayang pagpapasalamat ni Jepoy.

"Nabusog ba kayo?" Tanong ni Nico.

"Opo!" Sabay na sagot ng dalawang bata.

"Mabuti naman. Sige na. Gabi na. Umuwi na kayo. Mag-ingat kayo."

"Kayo rin po. Ba-bye po!" Pagpapaalam ni Tantan. Kumaway muna sila sa 'min bago tumakbo palayo. Hinintay muna namin silang makalayo bago kami tumuloy sa paglalakad.

"Chino."

"Hmm?"

"Bakit ang unfair ng mundo? Kung sino 'yung may gusto at deserving na makapag-aral, sila 'yung hindi nabigyan ng pagkakataon. Samantalang kung sino 'yung mga may kakayahan, sila 'yung nagsasayang ng pagkakataon."

"Siguro nga, unfair ang buhay. Pero kaya nga may mga taong kagaya mo, e. Para tulungan 'yung mga taong kagaya nila Jepoy at Tantan na pinagkaitan ng buhay." Tumingin siya sa 'kin.

"Waaaw. Seryoso ka n'yan, Chino?"

"Panira ka naman ng moment, e. Sinasabayan ko na nga ang pagda-drama mo tapos bigla kang hihirit ng ganyan. Grabe ka. 'Yoko na."

"Sinasabayan? E, sinasapawan mo na ang pagda-drama ko, e." Nagkatinginan kaming dalawa bago sabay na tumawa.

"Salamat pala sa pagsama sa 'kin."

"Sus, wala 'yun. Pero sana, next time na makiki-chismis ka, i-text mo na lang ako para hindi tayo masyadong mapagod. Bawas gastos pa."

"Hindi ako nakiki-chismis!"

"E, ano lang pala?"

"Gusto lang kitang makasama." Tumingin ako sa kanya ng napanukso. "Uuuuy! Kikiligin na 'yaaaan!" Tukso ko sa kanya habang tinutusok ko siya sa tagiliran na sinasangga naman niya.

"Utut mo!" Sabay kaming natawa.

"Pero seryoso, Chino. Tigil-tigilan mo ako sa mga paandar mo. Baka mamaya-"

"Baka mamaya, ma-fall ka sa 'kin?"

"Oo!"

"E, bakit mamaya pa? Pwede namang ngayon na."

"Baliw ka talaga!" Natatawa niyang sabi sa 'kin sabay hampas sa braso ko. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang dali lang para sa 'kin na biruin siya nga gano'n. Siguro dahil sobrang gaan ng loob ko sa kanya? Hmm. Siguro.

"Nandito na pala tayo." Nasa harap na pala kami ng bahay nila Nico.

"Ge. Bye." Tuloy tuloy na sabi ni Nico sabay talikod at pasok sa gate ng bahay nila.

"Gano'n na lang 'yun?" Napailing na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Thank you, Chino! Bye! Ingat!" Sigaw ng maliit na nilalang mula sa loob ng gate. Natawa na lang ako.

"Ma, nandito na ako." Sigaw ko nang makapasok ako sa bahay.

"Oh? Late ka na yata?" Lumapit sa 'kin si Mama at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Kasama ko si Nico, Ma. May pinuntahan lang kami saglit."

"I see. Paki sabi naman kay Nico na bumisita sila ng Mama niya dito minsan. Nami-miss ko na kamo sila."

"Sige, Ma. Sasabihin ko sa kanya."

"Kumain ka na ba?"

"Oo, Ma. Kumain na kami ni Nico." Tumingin naman siya sa 'kin na parang nanunukso.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon