02 Haunted By the Past

1.7K 66 5
                                    

AUTHOR'S NOTE: Hello! I'm so sorry kung ito lang ang nakayanan ng utak ko. I know, sumasabaw ang update na 'to. Pero I promise, hahabaan ko na yung mga susunod na Chapter after nito (wish me luck). And I know, magulo pa yung flow ng story ngayon. Pero sa mga susunod na Chapter, ipapaliwanag ko na lahat para hindi kayo maguluhan. Sa totoo lang kasi, ako man ay naguguluhan sa mga pinaggagagawa ko sa istoryang 'to e. Charot! Hahahahaha. Sige. Sorry, pero eto muna sa ngayon. Hahahahaha. (Ang saya ko.)

PS. Kung makapag-Author's Note ako, akala mo naman e ang daming readers. Hahahahaha. Pero thank you sa mga matyagang nagbabasa nito kahit ang slow ng updates. :)

PPS. Libre mag-vote at mag-comment. Hahahaha. Ge. Daldal ko e. Byeeeee~~~ /flies/

---

NICO

"Una na akong umuwi, Andoy. Hinihintay ako ni Mi, e." Sabi ko kay Andoy habang nagliligpit ng gamit. Katatapos lang ng last subject namin at gustong gusto ko ng umuwi para kumain at matulog.

"Hatid na kita, Coy, gusto mo? Madilim na oh?" Tanong naman niya sakin. Alas sais na rin kasi at medyo dumidilim na.

"Sus. 'Wag na. As if namang mare-rape ako sa kalsada. Hindi naman ako sexyng babae. Wala naman akong sumasambulat na boobs at nagngangalit na pwet, kaya safe ako." Paliwanag ko.

"Ang dami mong sinabi. Sige na, umalis ka na bago mo ako ma-badtrip." Pabirong sagot ni Andoy with matching pagtataboy hand gesture at tinulak pa ako ng marahan. Natawa naman ako.

"Grabe ka sakin. Ge. Alis na ako. Ingat ka, Andoy. Shunga ka pa naman." Paalam ko sa kanya kasabay ng kaway ng mga kamay ko.

"Bye, guys! Ingat kayo!" Sigaw ko bago ko ilibot ang paningin ko para hanapin si Chino. "Bye, Chino loves!" Ang sabi ko kay Chino habang kumakaway. Kumaway naman siya sa 'kin. Nag-flying kiss pa nga ang loko, na kunwari naman ay inilagan ko. Natawa naman kaming dalawa sa kalokohan namin. Pagkatapos n'on ay tuluyan na akong lumabas ng pinto, lumabas ng School, at nag-abang sa kanto ng masasakyang jeep para makauwi na.

Maikli lang ang naging byahe. Halos 10 minutes lang, wala kasing traffic. Medyo malapit lang naman ang bahay namin sa School at pwedeng pwedeng lakarin kung masipag ka. Pero dahil tamad ako, nagji-jeep ako papunta at pauwi. 'Cause you know, masyado akong maganda para maglakad. Charot!

Pagdating ko sa bahay ay dumerecho agad ako sa kusina. Hindi naman masyadong halata na gutom na ako, diba? Pagkarating ko sa kusina ay nadatnan ko si Mudrakels na naghahanda na ng mga plato sa lamesa.

"Hi, Mi! Narito na ang pretty niyong anak." Masayang bati ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Oh, nandito na pala ang maganda kong anak?"

"E, yung totoo, Mi? Ulit ulit tayo dito? Inulit mo lang yung sinabi ko e." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"O siya, sige. Magbihis ka na para makakain na. Pababa na rin ang Kuya mo. Bilisan mo para magkasabay-sabay na tayo."

"Sige, Mi, magbibihis na akーwait. Tama ba ang narinig ko? Nandito si Kuya?"

"So, ano, anak? Ulit-ulit tayo dito? Oo nga, nandito ang Kuya mo."

"Sa true ba, Mi? E bakit daw?"

"Bakit? Bawal na ba akong pumunta dito?" Singit ng lalaki na pababa sa hagdan.

"Kuya JD!" Sigaw ko ng makita ko siya. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. "Bakit ngayon ka lang bumisita dito? Busyng busy ka yata?"

"Busy talaga ang Kuya, Nicoy. Ikaw ba naman ang tambakan ni Daddy ng sangkatutak na trabaho sa kompanya e." Napabitiw ako sa kanya nang marinig ko ang salitang 'Daddy'.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon