17 Sorry

841 22 3
                                    

NICO

"So, ano nga ang ganap?" Tanong ko kay Janine na nasa kabilang linya ng telepono, hudyat para magsimula siyang mag-kwento.

"Ganito kasi 'yun." Panimula niya. "Kanina kasi sa rehearsal, may kung anong weird akong naramdaman no'ng magkalapit kaming dalawa ni Drew. Pakiramdam ko, may kuryenteng dumaloy sa katawan ko habang magkahawak ang mga kamay namin. Tapos hindi ko alam kung ako lang ba o ano, pero parang may iba sa mga kilos at tingin ni Drew kanina. Bawat galaw niya, parang may ibang epekto sa 'kin. Tapos 'yung mga titig niya, parang tumatagos sa kaluluwa ko." Nag-inhale siya. "Tapos, alam mo ba? May lifting sa choreography namin. E, 'di ba, takot ako sa mga gano'ng eklavoo? No'ng una, hindi namin magawa kasi nga natatakot ako. Pero no'ng sinabi ni Drew na magtiwala ako sa kanya kasi sasaluhin niya ako, biglang nawala 'yung takot ko. Kaya ayun, nagawa namin. Ang weird lang, N, pero 'yun talaga ang naramdaman ko kanina. As in, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko talaga, aatakihin na ako." Mahaba niyang litanya. "Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na may kaunti, kaunti lang naman, akong nararamdaman sa kanya, 'di ba?" Pahabol niya pa. Sa sobrang haba ng sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kaya imbes na sumagot, tanging tawa lang ang itinugon ko sa kanya.

"Hoy! Ang haba ng sinabi ko tapos tatawanan mo lang ako? Ano'ng klase kang kaibigan? Nag-confess ako sa 'yo tapos-" Hindi ko na pinatapos ang paglilitanya niya, nagsalita na agad ako.

"Andoy, ano'ng masasabi mo?"

"Ano'ng Andoy? Si Janine 'tong kausap mo, hindi si An-"

"Hello, Ja?" Naghihiyang saad ni Andrew mula sa kabilang linya. Oo, naka-three-way call kami ngayon. Tumawag kasi si Andoy sa 'kin kanina nang tumawag si Janine. No'ng una, ayaw niya pang pumayag pero wala na siyang nagawa na'ng sagutin ko ang tawag ni Janine. And guess what? Nag-confess din sa 'kin si Andoy. In fact, parehong pareho sila ng sinabi ni Janine.

"D-d-drew? Ka-kanina ka p-pa n-nan-"

"Oo, kanina pa."

"N-n-narinig m-mo l-lahat?"

"Oo, narinig ko ang lahat ng sinabi mo."

"Alam niyo, kesa gawin niyong komplikado ang sitwasyon niyong dalawa, subukan niyong mag-usap. Pareho lang naman kayo ng nararamdaman kaya, please lang, i-try niyong mag-usap. Okay?"

"Okay." Tugon nilang dalawa.

"Mag-usap kayo ng matino, ha? 'Yung walang halong ka-echosan. Okay?"

"Okay." Sagot ulit nilang dalawa.

"Okayyyy. Byeeee!" Paalam ko sa kanilang dalawa bago ko ibaba ang linya ko. "Hayyy. Sa wakas, ang dalawa kong best friend, magkaka-aminan na. Sana after ng gabing 'to, mag-level up na silang dalawa." Pagkausap ko sa sarili ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago." Medyo nagitla ako nang may nagsalita. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita ko siyang naka-ngiti.

"Evan?" Napatayo ako.

"Kinakausap mo pa rin pala ang sarili mo hanggang nagyon." Natatawa niyang saad.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko, hindi ko pinansin ang sinabi niya.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon