14 Air

583 23 0
                                    

Sunday.

"Saan niyo gustong kumain?" Tanong ni JD kina Nico at sa Mommy niya. Kalalabas lang nila sa Simbahan. Nakaugalian na kasi nilang tatlo na mag-simba t'wing Linggo.

"Sa Jollibee!" Masayang sigaw ni Nico. Natawa si JD at ang Mommy niya.

"Okay." Nagpunta na silang tatlo sa Jollibee at nag-order na siya. Pagdating ng in-order nila ay kumain na agad sila.

"Mi, sorry nga pala nung nakaraan. Nasundan ako ni Daddy. Malamang ay inaway niya kayo." Pagso-sorry ni JD.

"Hindi ka dapat mag-sorry, Justin. Wala namang nag-expect na susundan ka ng Daddy mo."

"Nagulat nga din ako, Mi. Sa halos sampung taon matapos ang nangyari noon, ngayon lang siya nagkaroon ng interes na malaman kung ano ang kalagayan niyo at kung saan kayo nakatira." Parehong napatango si Nico at ang Mommy niya.

Sa sampung taon ng paglilipat-lipat ni Nico at ni Rosalie ng tirahan matapos ang nangyari noon, sa kasalukuyang tinitirhan nila sila pinaka matagal na nag-stay. Simula nang tumungtong ng High School si Nico hanggang ngayon ay do'n na sila nakatira. Pero sa loob ng mga panahon na 'yun, hindi nagparamdam si Mr. Serrano. Nakakapagtaka lang na matapos ang halos sampung taon, ngayon lang ito nagparamdam sa kanila.

"Nako, Kuya. 'Wag mo na lang intindihin 'yang Daddy mo. Baka sobrang bored lang siya kaya hinanap niya kami para may mapag-tripan siya." Natawa si JD.

"Ikaw talaga." Ginulo niya ang buhok ni Nico. "Sige na. 'Wag na natin siyang pag-usapan." Pagkatapos ay bumalik na sila sa pagkain.

"Oo nga pala, Bunso."

"Yes, Kuya?"

"Birthday mo na nga pala next month. Halos three weeks na nga lang, e Ano'ng plano mo?"

"Wala akong plano, Kuya."

"Ano ka ba, Bunso? Birthday mo kaya 'yun."

"So?"

"So? Dapat i-celebrate mo 'yun."

"Sus. Gastos lang 'yan, Kuya."

"'Wag mo ng intindihin ang gastos. Ako na ang bahala do'n. Ang mahalaga, mai-celebrate mo. 'Di ba, Mi?" Tumango si Rosalie.

"Isa pa, once a year lang naman 'yan, 'nak. Once a year na nga lang, hindi pa ise-celebrate? Bahala ka. Ikaw din. Baka hindi ka na bigyan ni Lord ng isa pa." Natawa si Rosalie at JD.

"Grabe, Mi!" Natawa na din si Nico. "O, siya, sige. Ikaw ang bahala, Kuya. Basta ang gusto ko, nando'n kayo ni Mommy pati sila Janine at Andrew."

"Okay. Ako na ang bahala."

Pagkatapos ay umuwi na si JD. Gano'n din si Nico at Rosalie. Nang makarating sila sa bahay ay umakyat na agad si Nico sa kwarto niya para magawa ang mga school works na dapat niyang gawin.

"Ang dami naman nito." Napabuntong-hininga na lang siya nang makita niya ang makapal na kumpol ng mga envelope na naglalaman ng evaluations ng mga kaklase niya sa kanya. "Minsan talaga hindi nakakatulong ang pagiging sobrang maganda. Hayyy." Napailing na lang siya.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon