10 She's In love

770 28 0
                                    

JANINE

"J!!!" Napalingon ako nang may eskandalosong tumawag sa pangalan ko.

"N! Good morning! Papasok ka na?" Bati ko sa kanya.

"Ay, hindi. Pauwi na ako, J. Ano? Sabay ka ba?" Sarcastic niyang sagot sa 'kin. "Duh? Malamang alamang, papasok pa lang ako, J. Eto nga't kapapasok ko lang sa gate, oh?" Dagdag pa niya. Natawa naman ako.

"Dami mong sinabi." Sagot ko. "Tara na. Baka ma-late pa tayo dahil sa kadaldalan mo."

Inakbayan ako nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Halos magkasing tangkad lang kami nitong si Nico. In short, kung gaano siya kaliit ay ganun din ako kaliit. Sad life. Kung sino pa talaga ang magaganda, sila pa ang pinagkaitan ng height. Life, indeed, is unfair. Hays.

Naglalakad kami sa corridor at paliko na sana kami nang makasalubong namin si Lucy at ang mga kaibigan or should I say, mga alalay niya. Hay nako. Umagang umaga naman. Panira ng araw.

Nagkatinginan na lang kami ni Nico at nagkibit-balikat. Magpapatuloy na sana kami sa paglakad pero hinarang niya kami.

"Alam mo, Lucy. Masyado pang maaga para patulan kita at ang mga hirit mo. Try mo na lang ulit mamayang hapon, mga bandang 4:26 pm." Sarcastic na sabi ni Nico. Natawa lang si Lucy.

"I heard, representative ka daw ng section niyo para sa Singing Olympics?" Tanong ni Lucy.

"So? Ano namang pakialam mo?" Bored na sagot naman ni Nico habang nagkukutkot ng kuko.

"Well. Wala naman. Gusto ko lang i-confirm kung isa ka nga sa mga makakalaban ko." Napatingin kaming dalawa ni Nico sa kanya. "You heard it right." Then a smirk drew on her face. "Humanda ka na, Nico. Sisiguraduhin ko na matatalo ka." Pagbabanta nito.

Nagkatinginan ulit kami ni Nico. At halata sa mukha nito na nagpipigil ito. Hanggang sa...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Sabay kaming dalawa na humagalpak sa katatawa.

"Anong nakakatawa?" Naiiritang tanong ni Lucy, napa-cross arms pa.

"Ikaw!" Sagot ko sa kanya sa pagitan ng pagtawa ko.

"What?!" Mas iritableng tanong ni Lucy. Kita sa mga mata niya ang matinding pagka-inis.

"Kung makapag-banta ka naman kasi akala mo naman napaka galing mong kumanta. Hindi ko naman sinasabi na sobrang galing kumanta ni Nico, pero no offense meant, 'di hamak na mas maganda naman ang boses niya kesa sa 'yo." Sagot ko kay Lucy habang patuloy pa rin sa pagtawa. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero I know Nico's capabilities. Sa aming magkakaibigan, si Nico ang may pinaka magandang boses. Kaya nga naging president siya ng Music Club nung second year at third year pa kami e. Nagbitiw nga lang siya bago kami mag-fourh year kasi gusto niya daw na mas mag-focus sa academics.

"What?! Youー" Akmang susugod na ito pero bigla akong sumigaw sa likuran niya.

"Good morning, Ma'am!" Pagkukunwari kong bati sa likuran nila Lucy. Wala naman talaga akong nakitang Teacher. Gusto ko lang din talagang mang-inis at makaalis dito.

Napatingin si Lucy at ang mga alalay niya sa likuran nila at bago pa man sila makaharap ulit sa amin ay tumakbo na kami agad ni Nico na walang humpay sa katatawa. Laughtrip talaga 'yung mukha ng babaeng 'yun. Ang epic!

Well, iniisip niyo siguro na bully kaming dalawa ni Nico. I'm telling you, hindi kami bully. Kung alam niyo lang kung ilang beses kaming nagtimpi ni Nico hanggang sa hindi na namin matiis na makipagsabayan sa mga pang-aasar ni Lucy. Ayaw na din naman naming patulan minsan, kaso hindi talaga namin mapigilan ang mga sarili namin. Makita pa lang kasi namin ang pagmumukha niya, naaasar na kami. Seryoso 'to.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon