26 In Denial

514 22 0
                                    

Foundation Week - Day 4

"Ano'ng balak mo kay Evan?"

"Balak? Ano'ng balak?" Napaikot ng 360 degrees ang mga mata ni Janine.

"I mean, nanliligaw ulit siya sa 'yo, 'di ba? Sasagutin mo ba siya?"

"Hindi."

"Hindi? Bakit hindi?"

"Alam naman niya na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong i-offer sa kanya sa ngayon."

"Sa ngayon? So, may possibility na magbago ang offer mo?"

"Siguro. Ayoko naman kasing magsalita ng tapos, J. Isa pa, kilala ko naman si Evan. Kahit naman iniwan niya ako noon, hindi mo maipagkakaila na mabuti siyang tao. Ayoko namang pagkaitan siya ng chance, 'di ba? It's just that, hindi pa ako ready sa ngayon."

"Sabagay. Pero alam mo, N? Sa totoo lang, parang wala namang nagbago sa inyong dalawa, e. 'Yung turing niyo sa isa't isa, gano'n pa rin. Kung paano kayo mag-usap at mag-biruan, kagaya pa rin ng dati. Kung hindi mo nga lang ako kaibigan, aakalain ko na mag-jowa kayong dalawa."

"Totoo?" Tumango si Janine bilang sagot.

"Basta kung ano man ang maging desisyon mo, nandito lang ako, si Andrew. Support lang kami basta happy ka."

"Aww. Thanks, J!" Niyakap ni Nico si Janine at gano'n din si Janine.

"Lunch is ready." Anunsyo ni Andrew na nakasilip sa pinto.

"Yey!" Sigaw ni Nico at Janine pagkatapos ay lumabas na sila sa kwarto ni Andrew para magtungo sa Dining Area.

"Nga pala." Pagpukaw ni Nico sa atensyon ng dalawang kaibigan. "Bukas na ang Coronation Night. Ano'ng nararamdaman niyo?"

"Wala pa, as of now." Sagot ni Janine.

"Same." Pagsang-ayon ni Andrew.

"Siguro, bukas pa ako makakaramdam ng kaba."

"Ano ka ba. Bakit ka naman kakabahan? You got this, J. You, as well, Andoy. Okay? Kayo pa ba? I'm sure, kayo ang makakakuha ng title."

"'Wag ka nga, Coy. Kinakabahan ako kapag ganyan, e. Ayokong mag-expect. Basta ako, gagawin ko na lang kung ano ang makakaya ko."

"Same here. Sana lang talaga, 'wag akong matapilok bukas."

"Ang nega niyo namang dalawa. Kaunting positivity naman d'yan!" Saad ni Nico, winawagayway pa ang mga kamay na parang kumukumpas. "Minsan, hindi masamang umasa. You know, just to boost your confidence."

/Ding. Dong./

"May iba ka pang bisita, Drew?"

"Meron."

"Ako na magbubukas." Saad ni Nico pagkatapos ay umalis na para pagbuksan ang nag-doorbell.

/Ding. Dong. Ding. Dong./

"Eto na, sandali. Nagmamadali?"

Nang makarating ay binuksan agad ni Nico ang pinto. Nagulat siya nang malaman kung sino ito.

"Bakit ka nandito?"

"Bakit? Masama?"

"H-hindi naman."

"Hindi naman pala, e. Papasukin mo na ako."

"Tss." Napaikot ang mga mata ni Nico. "Pasok na po kayo, Ser." Natatawa namang pumasok si Chino at naglakad papunta sa Dining Area.

"Uy, Chino! Ikaw lang pala. Akala ko naman kung sino." Bungad ni Janine kay Chino.

"Umupo ka na, P're. Sabayan mo na kaming kumain." Anyaya ni Andrew kay Chino. Umupo naman ito sa katabing upuan ni Nico at nagsimula ng kumain.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon