ALL I ASK (GayXBoy)

4.6K 104 3
                                    

     Sabi nila, "Hindi mo malalaman ang halaga ng isang bagay o ng isang tao hangga't hindi ito nawawala sayo." Maaaring tama nga sila. "Pero minsan, alam natin kung gaano ito kahalaga sa atin pero hindi natin iningatan at hinayaan lang natin na mawala ito kaya sa bandang huli, napakalaki ng pagsisisi natin."

     "Ginawa ko ang lahat. Ibinigay ko na ang lahat. Pero bakit parang hindi pa rin sapat?" Siguro, ganon nga talaga. "Hinding hindi talaga sasapat ang lahat lalo na kung hindi naman ikaw ang inaasahan niyang magbibigay ng lahat ng 'yon."

     Sabi nila, "Gagawin mo ang lahat para ipaglaban ang taong pinaka mamahal mo." Walang dudang tama sila. "Pero paano mo nga ba ipagpapatuloy ang pakikipag-laban kung ang taong ipinaglalaban mo na ang sumusuko?"

     "Tiniis ko ang lahat. Pinilit kong kumapit. Nagpatuloy pa rin ako kahit na ipinagtatabuyan na niya ako." Pero katulad ng iba,  "Tao lang ako, nasasaktan din at napapagod."

     Sabi nila, "Darating ka sa puntong maiisipan mong magdrama. Pero at the same time, maiisip mo rin at mari-realize na ano nga ba ang ina-arte  arte mo samantalang wala ka namang lovelife?"

     Oo nga, 'no? Ano nga bang ina-arte arte ko, e samantalang single naman ako? Oh, well. Bakit? "Yung mga may ka-in a relationship lang ba ang may karapatang magdrama? Paano naman ako na single at may ini-stalk na isang napaka gwapong nilalang? Hindi na pwede, ganon? Aba! Hindi pwede yan! Ipu-push ko 'to, mga Repa!"

*******

Yo! Patikim pa lang 'to. Hindi pa ito ang prologue. Wala lang, nag-iinarte lang ako. Nagfi-feeling lang. Hahahaha. Pero ang lame, 'no? Sorry na. Hahahaha. Anyways, this would be my first major story dito sa Wattpad. Kaya naman, please, bear with me and don't expect too much kasi nga baguhan pa lang ako. Hahahaha. Kung may magbabasa man ng story na 'to, thank you. Kung wala naman, e tara, laslas. Hahahaha. Ayun. Sobrang busy ako at isiningit ko lang 'to kaya expect slow updates. Ayun. Thanks in advance sa mga magbabasa nito. Hahahahaha. Saya ko. Ge. XD

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon