Commercial (Please Read)

407 26 3
                                    

Author's Side Notes.

Ang kapal ko din para mag-inarte ng ganito, e, 'no? Akala mo, ang dami kong readers, e. Hahahaha. Anyway, hello! Hello sa kakaunti kong readers. Hahaha. Salamat sa pagtangkilik at pagbabasa ng kwentong ito. Sana hindi kayo magsawa kahit sobrang bagal kong mag-update. I have my reasons, pero hindi ko na ie-elaborate.

Pero ang gusto ko lang talagang sabihin ay pag-pasensyahan niyo na kung halos 20 Chapters na pero wala pa rin improvement ang love life ng mga bidang karakter. Pasensya na din kung slow-phaced ang kwentong ito. Ako kasi 'yung tipo ng tao na hindi nagmamadali. I like to keep things slow and smooth. Ayoko ng minamadali ang mga bagay-bagay. Dahil naniniwala ako na ang mga bagay na minamadali ay ang mga bagay din na kadalasang nagdudulot ng sakit sa puso natin. Charot! Hahahahaha. Pero seryoso, sorry kung nababagalan kayo sa phacing ng kwentong ito. Ayoko kasing madaliin ang mga pangyayari. Sana maintindihan niyo. At sana hindi kayo tamarin sa pagbabasa. Trust me, everything will fall into its perfect places. I'm working on it. Just give me some time. Okay? Okay.

Again, thank you so much sa pagta-tyaga at pagbabasa sa kwentong ito na resulta lamang ng malandi kong imahinasyon. Charot! Hahahaha. Kagaya ng dati, expect slow updates. Hahahaha. Pero babawi ako. I'll make sure na ang mga sumusunod na Chapter ay mahaba at maraming happenings. Asahan niyo na gagawin ko ang aking makakaya para mas ma-entertain kayo sa mga susunod na Chapters.

Pero gusto ko din malaman kung ano ang mga mga kuru-kuro niyo. Gusto kong malaman kung ano ang mga komento niyo sa kwentong ito. Gusto kong malaman kung nagugustuhan niyo ba o hindi ang takbo ng kwentong ito. Kaya sana mag-iwan kayo ng comments, maikli o mahaba man. Ang importante, alam ko kung ano ang reaksyon niyo. Feel free to leave a comment or a suggestion. Mas matutuwa ako kung magko-comment kayo.

'Yun lang. Maraming salamat! Sana hindi kayo magsawa sa pagsubaybay sa kwento nila Nico, Chino, Janine, Andrew at Evan.

R —

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon