22 How to Move On 101

563 24 4
                                    

NICO

"Pero, seryoso nga. Bakit? Isipin mo, nasayo na ang lahat do'n. Kasama mo na ang Mommy mo tapos natupad na ang pangarap mo na makapag-aral abroad. Ano pa'ng kulang?" Tanong ko kay Evan. Naalala ko kasi 'yung sinabi ni Andrew kagabi, e.

"Ikaw." Cool na cool na sagot ni Evan. Lumingon ako sa kanya. Hinintay kong sabihin niyang nagbibiro lang siya pero lumipas na ang ilang saglit ay hindi pa rin siya nagsasalita. Nakangiti lang siya.

"Joke ba 'yan? Sabihin mo kapag tatawa na ako." Natawa siya.

"Seryoso 'yon." Nakangiti niyang sagot.

Ako? Ako talaga? Ako ang dahilan? So, ako ang salarin ng pagbabalik niya? Jeske nemen.

"Nagbalik ako para sa 'yo."

"Eh?"

"Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa 'yo, Bee." Nagulat ako sa sinabi niya. "No'ng umalis ako, pinilit kong kalimutan ka pero hindi ako nagtagumpay. Nakakatawa nga kasi parang mas lalo pang tumindi ang nararamdaman ko para sa 'yo kahit nasa malayo ako." Naka-ngiti niyang saad. "Parang ewan lang, 'no? Ako itong nang-iwan pero ako 'tong hindi pa nakaka-move on. Gano'n yata talaga kalakas ang tama ko sa 'yo, e." Natawa siya. "Bee, 'wag ka sanang magagalit sa sasabihin ko, ha? Pero ang totoo n'yan, bumalik ako kasi umaasa ako na maibabalik ko pa 'yung dating tayo. Bumalik ako kasi hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin kita." Pag-amin niya.

Hindi agad ako nakasagot. Masyado kasi akong nagulat sa mga sinabi ni Evan. Jusko, mga bes! Feeling ko, ang ganda ganda ko. Feeling ko, mas mahaba ang buhok kesa kay Rapunzel. Ano na, mga bes? Uwian na. Charot! Pero seryoso, hindi ko alam kung paano ako magre-react. Sa tagal kasi ng panahon na magkalayo kaming dalawa, ginawa ko ang lahat para kalimutan siya at ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo, hindi ako nagtagumpay na kalimutan siya. Pero nagawa ko naman na kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Naka-move on na ako at wala na akong nararamdaman para sa kanya, sigurado ako do'n.

"Ahh, Evan. Ano kasi-"

"Alam ko, Bee." Putol niya sa pagsasalita ko. "Alam kong naka-move on ka na. Alam ko din na wala ka ng nararamdaman para sa 'kin ngayon. Pero kahit na gano'n, gagawin ko pa rin ang lahat para mahalin mo ulit ako. Gagawin ko ang lahat para iparamdam ulit sa 'yo ang pagmamahal ko. Kaya sana hayaan mo lang ako. Sana huwag mo akong pigilan." Pakiusap niya.

"Van, ayokong magsalita ng tapos pero sana 'wag kang masyadong umasa dahil tanging pagkakaibigan na lang ang kaya kong ibigay sa 'yo. Baka kasi masaktan lang kita at ayokong mangyari 'yon." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"May pag-asa man o wala, susubukan ko pa rin. Wala akong pakialam kahit pa masaktan ako. Hinding hindi ko pagsisisihan ang pagbabalik ko dahil makita lang kita, solve na solve na ako." Saad niya. Hindi na naman ako makasagot, mga bes. Ano na? Napaka walang kwenta ng bibig at dila ko, ayaw gawin ang function nila. "Hindi ka naman masyadong kinikilig n'yan?" Natatawang tanong niya.

"Ha?"

"Sobrang pula kasi ng pisngi mo." Nang dahil sa sinabi niya ay binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at itinakip ko ito sa pisngi ko.

"H-hindi ako k-kinikilig. 'W-wag k-kang ano d-d'yan." Depensa ko. Tumawa lang siya.

Jusko naman. Ano ba? Abnormal ka ba, Nico? Ano'ng pag-iinarte 'yan? May pagba-blush ka pang nalalaman, my ghad! Isa kang kahihiyan!

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon