06 Dark Entity

1.1K 34 2
                                    

NICO

I'm on my way home now galing sa Mall. Hindi pa dapat ako uuwi, e. Ang kaso, na-bwisit ako ni Andrew. Bwisit na Andrew yan, ang lakas ng batok niya sa noo ko. Lagot siya sa 'kin bukas. Kainis. Ang sakit talaga ng noo ko. Feeling ko, may tutubong something dahil sa sobrang sakit e. Okay. OA na ako sa part na 'yon.

Habang naglalakad ako papunta sa terminal ng jeep, nag-text si Janine sa kin.

/From: Janine GANDAra Park

Ganda mo talaga, N. May nalalaman ka pang pagwo-walk out. Tss. Ingat ka./

Ay, wow. Nagawa pa talagang hamakin ang kagandahan ko. Siya kaya batukan ko sa noo?

/To: Janine GANDAra Park

K/

Ang tanging reply ko sa kanya. Agad naman siyang nag-reply.

/From: Janine GANDAra Park

Ay, ang thoughtful mo talaga, friend. Thank you, ha? Sige, ingat din ako. Tse!/

Natawa naman ako sa reply niya. Nai-imagine ko yung boses niya habang sinasabi yung text niya. Hahahahaha. Okay. Ang bipolar ko na yata. K.

Napadaan ako sa isang park. Maliwanag ang buong park at medyo marami pa ring tao kahit gabi na. Merong couples na walang pakundangang naglalambingan, isang masaya't kumpletong pamilya, meron ding mga loner na nagi-emo, at mga taong nagbebenta ng lobo, laruan, at ng iba't ibang uri ng streetfoods. Pero ang mas nakapukaw ng pansin ko ay ang apat na maliliit na batang lalaki na masayang naglalaro kahit na marurungis at wala silang suot na tsinelas. Nilapitan ko sila nang maupo sila sa isa sa mga bleachers sa park.

"Hi." Bati ko sa kanilang apat. Nag-squat ako sa harap nila para mapantayan ko ang lebel nilang apat. Nginitian naman nila akong apat. "Bakit nandito pa kayo sa park e gabi na? Nasa'n mga magulang niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa bahay po namin." Sagot ng isa sa mga bata na sa tingin ko ay ang pinaka matanda sa kanilang apat.

"Oh, e bakit kayo, nandito sa park?" Tanong ko ulit sa kanila

"Namamalimos pa po kami e." Sagot niya ulit. Naawa naman ako sa kanila. Gabi na pero nasa lansangan at namamlimos pa rin ang mga paslit na 'to.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko ulit sa kanila. Sabay sabay naman silang umiling na tila nahihiya pa.

"Tara, sama kayo sa 'kin. Kakain tayo." Yaya ko sa kanilang apat. Nung una'y nahihiya pa sila't ayaw pang sumunod, pero di kalaunan ay tumayo na rin at sumabay na lumakad sa 'kin papunta sa isang karinderyang nasa loob din mismo ng park.

"Labas kayo, mga bata! Bawal pulubi dito! Alis!" Agad na pagtataboy ng tindera sa mga bata nang makapasok kami sa karinderya. Grabe 'to, ah? Ang lakas ng boses. Nagsitinginan tuloy sa mga bata yung mga taong kumakain sa karinderya. Parang nahiya tuloy yung mga bata.

"Excuse me. Could you, please, tone down your voice? Kasama ko sila at kakain kami." Sabi ko sa tindera. "Pero kung ayaw mo naman, okay lang. Pwede naman kaming lumipat sa kabilang karinderya." Dagdag ko pa.Tila nagulat naman ang tindera sa sinabi ko kaya agad siyang nag-sorry sa 'kin at sa mga bata. Pagkatapos ng eksena ay pinaupo ko na ang mga bata at um-order na ako ng pagkain nilang apat. Hindi na ako um-order ng pagkain ko. Hello? Kagagaling ko lang nga sa Mall at kumain pa ako bago ako ma-bwisit ni Andrew tapos kakain ulit ako? Yung totoo? Patay gutom lang? Okay. Dami kong sinabi.

Mabalik ako. Wala pang apat na segundo nang mailapag ko yung pagkain sa mesa, nilantakan kaagad ng mga bata yung pagkain. Natawa naman ako. Ang bilis nilang kumain. Halatang gutom na gutom sila. Pinanuod ko lang sila habang kumakain sila. Hayyy. Nahahabag talaga ako sa mga batang 'to. Ang bata pa nila para makaranas ng ganitong kahirapan. Ang hirap kasi sa mga mag-asawang Pilipino ngayon, ang hirap na nga ng buhay, anak pa ng anak. Di bale sana kung sila lang ang makakaranas ng hirap ng buhay, e hindi naman. Mas apektado yung mga walang kamalay-malay na paslit. Hay nako. Minsan talaga, kahit ayaw mong problemahin, nagiging problema mo rin yung problema ng ibang tao. Tsk.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon