05 Boy Besftriend

1.2K 35 10
                                    

ANDREW

"Andrew! Hindi ka pa ba babangon jan? Ano'ng oras na, nakahilata ka pa jan." Sigaw ni Ate sa labas ng pintuan ng kwarto ko, may malakas na pagkatok pa na naganap. Panira naman ng tulog si Ate. Inaantok pa yung tao e. "Andrew! Ano? Buhay ka pa ba jan? Tatayo ka ba jan o babangon? Mamili ka." Nagpapatawa yata si Ate. Tumawa naman kayo, mga readers.

"Oo na, Ate. Tatayo na. Eto na, bumabangon na." Tinatamad at inaantok kong sigaw kay Ate. Hindi niya siya ulit kumatok o nagsalita pa. Siguro, bumaba na. Pero hindi pa talaga ako bumabangon, nagse-stretching pa ako. Kinapa ko naman sa ilalim ng unan ko ang phone ko.

"Ano'ng oras na ba?" Muntanga kong tanong sa sarili ko. Tiningnan ko naman ang oras sa phone ko. "Ahh. Alas nuebe pa lang pala. Matutulog muna ako." Sabi ko sa sarili ko. Pero napabalikwas ako sa higaan ko ng ma-realize kong late na late na ako sa unang subject namin. "Shit! Ano'ng oras na pala!" Ang nasabi ko na lang at agad agad na kumuha ng underwear at towel at pumasok sa banyo para maligo. Pero bago ko pa man mabuksan ang shower, may na-realize na naman ako kaya napahinto ako. "Ano nga ba'ng ipinagmamadali ko e kahit naman makaligo ako, hindi na rin ako naman ako aabot sa first subject?" Ang pagkausap ko sa sarili ko. Oo, kinakausap ko ang sarili ko. Try niyo din minsan, nakaka-relax. "Sa second subject na nga lang ako papasok." Sabi ko sa sarili ko bago ako lumabas ng banyo at bumaba papuntang kusina.

"Magandang umaga, Senyorito." Pang-aasar sa 'kin ni Ate nang makita na akong papalapit sa lamesa.

"Magandang umaga din." Bati ko naman sa kanya. "Hindi mo man lang ako hinintay bago ka kumain. Ano'ng klase kang Ate? Ha, Ate?" Dagdag kong tanong kay Ate.

"Ang arte mo sa umaga, Andrew. Tigilan mo ako, umagang umaga." Sabi niya sa 'kin sabay subo ng kanin at bacon. "Tsaka ano'ng hindi kita hinintay? Kanina pa kaya ako katok ng katok sa kwarto mo. Hindi ka naman sumasagot. Akala ko nga hindi ka na humihinga, e." Sabi niya habang ngunguya. May pagkabalahura rin 'tong si Ate e.

"Wag kang OA, Ate. Hindi lang sumasagot, hindi na agad humihinga? Hindi ba pwedeng mahimbing lang na natutulog?" Sabi ko naman sa kanya habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Ang OA mo kasing matulog. 'Yan ang napapala ng ginagabi dahil sa pakikipag-date, e, tinatanghali ng gising." Nabulunan naman ako sa sinabi ni Ate. Naalala ko na naman kasi yung pangyayari kagabi. Haynako. Kinikilig na naman tuloy ako.

"Ate!" Saway ko sa kanya nang makainom ako ng tubig at malunok ang nginunguya ko. "Hindi nga ako nakipag-date. Ang kulit ng lahi mo." Dagdag ko pa.

"Baliw. Parang hindi tayo magkalahi, ah? Ano ka? Alien?" Oo nga, 'no? Ang shunga ko sa umaga. "Maiba ako. Pinapatanong nga pala ni Mommy. Nakapag-decide ka na daw ba kung ano'ng Course ang ite-take mo sa College." Tanong niya sa 'kin. Napaisip naman ako, pero agad din akong sumagot.

"Hindi ko pa alam, Ate, sa totoo lang. Parang maaga pa para isipin yan." Sagot ko habang hinihimay ang bacon sa plato ko.

"Aba. Anong maaga pa para isipin? 4th year ka na, Andrew. Kelan mo iisipin? Pagka-graduate mo pa?"

"Hindi naman sa gano'n, Ate. Ang sa 'kin lang, ayoko munang isipin sa ngayon ang tungkol sa College. Siguro, baka next year, dun ko pag-isipan." Paliwanag ko kay Ate.

"Okay. Bahala ka. Wala na akong sinabi." Pag-give-up ni Ate.

"E, kelan daw ba uuwi si Mommy at Daddy?" Tanong ko kay Ate.

"Probably, sa December daw. Second week daw. Tapos after na daw ng New Year sila babalik do'n." Sagot naman ni Ate.

"Ahh. Mabuti naman. Nung nakaraang Pasko pa yung huling uwi nila dito e." Sagot ko sa kanya.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon