13 How To Get Away With Chino

812 30 0
                                    

NICO

"Hello?"

"BRUHA KA! KANINA KA PA NAMIN HINIHINTAY! HINDI KA MAN LANG MAG-REPLY SA MGA TEXT NAMIN!" Nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng boses ni Janine na sa sobrang lakas ay parang naka-loudspeaker 'yung phone ko.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo, Ja! Para kang nakalunok ng speaker, e." Saway ni Andoy sa kabilang linya.

Naka-conference call kami ngayon. Tinawagan ko sila dahil 'yun ang sabi nila sa text messages nila sa 'kin. May importante daw silang sasabihin.

"Kauuwi ko lang kasi. Sorry naman." Paliwanag ko.

"Kauuwi mo lang? Ano'ng oras na, ah? Saan ka galing? Sino'ng kasama mo? Ano'ng ginawa niyo?" Sunod-sunod na tanong ni Andoy.

"Okay? Sunod-sunod talaga ang tanong? Hindi ba pwedeng isa-isa lang?"

"Sumagot ka."

"Opo, Itay. Sasagot na po." Panimula ko. "Kasama ko si Chino kanina. Nagpunta kami do'n sa Park. Tapos nakita ko 'yung mga bata na kinu-kwento ko sa inyo. Pinakain namin. Ang daldal kasi ni Chino at no'ng dalawang bata kaya hindi namin namalayan ang oras."

"Nag-date kayo?"

"Ano'ng date? Date ba 'yun? Hindi 'yun date! Parang nagpunta lang naman sa Park at kumain, date na agad?"

"E, ano'ng tawag mo do'n kung hindi 'yon date?"

"Ha? Ano... Ah... Hang-out?"

"Ewan ko sa 'yo, N. 'Pag ikaw-"

"'Pag ako na-fall? Sus! Hindi nga mangyayari 'yun."

"Ganyan din ang sinabi mo noon no'ng tinanong ka namin about kay Evan. Kinain mo lahat ng sinabi mo noon. Nangyari na noon. Hindi malayong mangyari ulit ngayon." Natigilan ako sa sinabi ni Andoy.

"Ano ba kayo. Magkaibang tao naman silang dalawa. Tsaka bakit ba nasali sa usapan si Evan?" Pagliligaw ko sa usapan.

"Kasi nakita namin siya kanina." Mas lalo akong natigilan sa sinabi ni J.

"Nakabalik na siya, Coy." Dugtong ni Andoy. Ilang segundo din ang inabot bago ako magsalita.

"Alam ko." Sagot ko.

"Ha? Alam mo? Kelan pa?" Sunod-sunod na tanong ni Janine.

"Kagabi lang." Tipid kong sagot.

"Kagabi? Paano? Saan?" Tanong ulit ni J.

"Kagabi, no'ng pauwi na ako, nadatnan ko siya sa tapat ng gate, naghihintay."

"At hindi mo man lang sinabi sa 'min ni Drew?"

"Balak ko naman na sabihin sa inyo. Ang kaso-"

"Ang kaso, nakita namin siya bago mo pa masabi sa 'min."

"O-oo. Pero balak ko talagang sabihin sa inyo, J. Naghihintay lang ako ng tamang timing. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niyo ni Andoy."

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon