18 Is He Jealous?

641 23 2
                                    

"WAAAAAAA!!!" nagulat si Janine at Andrew nang biglang kumawala ang isang malakas na tili sa bibig ni Nico. "Oops! Sorry! Sorry! Sige, ituloy niyo lang ang pagkain. Sorry!" Paghingi nito ng tawad sa mga kapwa niya estudyante. Kasalukuyang nasa Cafeteria sila ngayon.

"Bunganga mo naman, N. Jusko." Napa-facepalm na lang si Janine dahil sa ginawa ng kaibigan niya.

"Sorry na nga. Kayo kasi e!" Sagot nito, sabay hampas sa balikat ni Janine at Andrew. "So, nag-level-up na kayo? Ligawan stage na kayo n'yan?" Kinikilig at mapanukso nitong saad.

"Hindi pa." Tipid na sagot ni Andrew.

"Ha? Ano'ng hindi pa? Pagkatapos niyong magkaaminan kagabi, hindi rin kayo magliligawan? 'Yung totoo?" Sunud-sunod na tanong naman ni Nico.

"Gusto ko kasi na alam ni Tito at Tita ang gagawin ko. Nakakahiya naman na bigla ko na lang ligawan ang anak nila na hindi nila alam." Paliwanag ni Andrew. Hindi naman maiwasang mapangiti ni Janine nang dahil sa narinig.

"Naaaks!" Hinampas ulit ni Nico ang braso ni Andrew. "Inlababo talaga ang bestfriend ko, shet!" Panunukso nito. Napangiti naman si Andrew at tumingin ito sa ngayon ay nagba-blush na si Janine. "Luhluhluhluhluh! Anong kalandian 'to? Sino'ng may sabi sa inyo na magtitigan kayo at magkiligan sa harap ko?"

"Tse! 'Wag ka ngang ano. Palibhasa, wala kang lovelife." Panlalait ni Janine sa kaibigan na ikinatawa naman ni Andrew.

"Bastos! Wala kang pakundangan. Pagkatapos kong maging tulay sa pagmamahalan niyong dalawa, ito ang igaganti mo sa 'kin?" Pagda-drama ni Nico.

"'Wag mo kaming simulan, Coy." Pagpigil ni Andoy sa nag-iinarte niyang kaibigan.

"Oo na! Oo na! Titigil na ako." Pagrereklamo ni Nico. "Ganyan naman kayo, e. Kelan niyo ba ako sinuportahan? Tss." Dagdag nito pagkatapos ay sumubo ng Carbonara. "Khaphag hakho, thodo shuphortah sha hinyho. Khaphag hahkho nha, whalha nha. Bhadtrhip."

"Lunukin mo nga muna 'yang kinakain mo bago ka magsalita, N. Manners, please?"

"Hehwhan kho sha hinyho." Patuloy na reklamo nito na ikinatawa naman ng dalawa.

"Nasa'n nga pala si Chino?" Tanong ni Andrew nang magsalita ulit ito dahilan para mabilaukan si Nico. "Ayos ka lang, Coy?" Nag-aalalang usisa ni Andrew sabay abot ng orange juice sa kaibigan.

"Ayos lang ako. Pumulupot lang 'yung isang strand ng pasta sa ngala-ngala ko." Paliwanag ni Nico matapos makainom. Napansin naman niya ang tingin sa kanya ni Janine kaya pinandilatan niya ito.

Napansin ito ni Andrew kaya nagtaka ito. "Mayro'n ba kayong hindi sinasabi sa 'kin?"

"Wala." Sabay na sagot ng dalawa.

"Totoo?" Pangungulit ni Andrew. Tumango naman ang dalawa. "Mamamatay ang kuko sa hinlalaki ng nagsisinungaling in 3, 2-"

"Hindi pwedeng sabihin, Andoy! Girls' secret lang 'yon." Pagputol ni Nico sa pagbibilang ni Andrew.

"Girl ka ba?" Panghahamon na tanong ni Andrew.

"Girl at heart." Proud na sagot naman ni Nico. "Oh, ano?" Panghahamon din niya sa kaibigan.

"Oo na!" Pagsuko ni Andrew. "Ganyan naman kayo. Naglilihim na kayo sa 'kin." Pagtatampo nito.

"'Wag ka ngang ano d'yan, Drew. Sasabihin naman namin sa 'yo kapag pwede na." Pag-aalo ni Janine.

All I Ask (GayXBoy) - ON GOING (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon