(A/N:I'm writing another story kaya kung gusto niyo paki basa niyo narin.Kung ano man yung pagkakaiba niya dito sa story nito is mas maganda siya kumpara dito.Pero kahit nagsusulat ako ng iba pang story ay tatapusin ko ito.I wanna finish this story.)
*ZOE POV*
Pagkatapos ng performance namin ni Jayden ay nakahinga na ako ng maluwag.Sa wakas wala na akong iisipin.This past few day kasi inaalala ko kung makakakanta ba ako ng maayos na si Jayden yung ka partner ko.Okay naman yung naging performance namin ,habang nga na kumakanta ako hindi ko maiwasan na mapatingin kay Jayden.He has a sweet voice pagkarinig ko palang ng boses niya ay agad na akong napatingin sa kanya.Isa lang ang masasabi ko tungkol sa kanya he's very talented ang galing na nga na kumanta magaling pa mag gitara.Isa talaga sa mga pangarap ko noon palang ang malaman kung paano maggitara.
Pagkaupo ko sa upuan ay agad na dumiretso sa akin at linapitan ako ng iba kong kaklase.Sinasabi nila na maganda daw yung bpses ko ,nakakabilib daw tas yung iba naman tinatanong kung parang may pinaghuhugutan daw ba kami ni Jayden dahil nung kumanta daw kami ay parang sinasabi namin yung lyrics sa isa't isa.Natuwa naman ako sa tanong nila,atleast we made it.Yung advice na ate Jass ay nagwork nga.
Napatingin naman ako kay Jayden ng tumingin ako sa kanya ay biglang bumilis yung tibok ng puso ko.Na naman?Ano ba naman ang nangyayari sakin?Dear little heart,tama na.Nakatingin rin kasi siya sakin kaya nung mapansin niya na tumingin rin ako sakanya ay nag iba siya bigla ng tingin.
Marami pa yung nag perform at pagkatapos ay nagpaalam na agad yung prof. namin ,Ang sabi niya lang na okay naman daw yung kanta namin lahat ,natuwa daw siya dahil hindi niya inakala na halos pala lahat kami ay magaling kumanta.Dumiretso narin ako agad sa bahay after nun at pagkarating ko sa bahay ay kumain na agad ako ng pang hapunan,oo alam kong sobrang aga pa pero ganun talaga eh,nasanay na ako na pagkagaling ko sa school at pagkauwi ko dito sa bahay ay kakain na agad ako,halos ganun na ginagawa ko araw-araw.
Pagkatapos kong kumain ay tumingin muna ako sa oras ,5 narin pala ang bilis naman ng oras mamaya kasi ay pupunta ako sa bahay nila Rex.Matagal na rin kasi na hindi ako pumupunta dun at isa pa,hindi si Rex ang dahilan ng pagpunta ko bale kasi nung kami pa ay napamahal na ako sa lola niya kaya naman ngayon na medyo okay na ulit kami ni Rex ay pwede ko ng bisitahin yung lola niya.Sinabi ko narin kay Rex na mga 6 ay pupunta ako dun sa bahay nila.
Naligo muna ako at pagkatapos kong maligo ay dumiretso agad ako sa kusina at hinanda ko ang mga kailangan kong dalhin sa bahay nila Rex.Nagpahatid nalang ako sa driver ko papunta sa bahay nila.
Oo.May driver ako pero kahit hindi kami ganun kayaman ay humanap parin si inay na taong magiging driver ko.Nung una nga ay sinabi ko kay inay na wag na lang siya maghanap ng magiging driver ko dahil gastos lang yun pero dahil mapilit nga siya ay sa bandang huli siya parin ang nasunod.
Mga 5:30 PM narin ata ng makarating ako sa bahay nila.Pagkarating ko dun ay yung katulong nila ang nagbukas ng gate sabi niya ay nasa kwarto daw yung lola ni Rex kaya naman dumiretso nalang ako sa kwarto ng lola ni Rex.
"Oh,andito kana pala ,apo" Aniya pagkakita niya sakin,abala siya sa pagtingin ng mga pictures.Mga pictures nilang magpapamilya nung bata pa si Rex,nakagawian narin kasi ni lola Rissa na tignan ang mga pictures nila na nasa photo album kapag wala siyang ginagawa.
Lumapit naman ako sa kanya tsaka ko siya yinakap,na miss ko rin kasi siya.Matagal tagal narin kasi na hindi ako nakakadalaw."Namiss ko po kayo" Sabi ko
"Ganun rin ako iha,kamusta kana pala?" Tanong niya sakin
"Okay naman po ako" Sagot ko naman at tsaka siya tumango tango sakin.
Binigay ko narin ang mga prutas na para kay lola,May sakit kasi siya kaya kailangan niya na kumain ng maraming gulay.Nung na-hospital nga siya ay hindi rin ako nakadalaw nagka heart attack kasi siya pagkatapos niya na malaman na linoko lang ako ni Rex.Pero matagal na iyon kaya naman okay narin kaming lahat.
"Apo,kelan mo nga pala balak sagutin si Rex" Napatingin ako kay lola sa tanong niya,nalaman narin kasi niya na nanliligaw ulit sakin si Rex.Sa totoo lang hindi ko alam kung may balak nga ba ako na sagutin si Rex.Oo pinatawad ko na siya pero hanggang ngayon ay takot parin ako ,takot na baka maulit yung dati.
"Hindi ko po alam" sagot ko naman "Lola,sa totoo lang po kasi hindi ko po alam kung bibigyan ko pa ba so Rex ng another chance" pagpapatuloy ko
"Ganun ba?Pero sana naman pagbigyan mo siya apo" sagot naman niya.Pag iisipan ko.
Tinanong ko siya kung asan si Rex dahil hindi pa nga niya alam na andito na pala ako.Sinabi lang ni lola na nasa kwarto niya.Kaya naman iniwan ko muna si lola at dumiretso sa kwarto niya.
"Kung ganun ay hindi mo na itutuloy ang plano?" Napatigil naman ako ng marinig ko ang boses ni Rex,may kinakausap pala siya sa phone,saktong bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang boses niya.
"Sige masusunod.Wag kang mag alala hindi na niya malalaman na sinusubukan ko siyang paglaruan,Oo" narinig kong sagot niya sa ibang linya "Zoe is not thay stupid tho kaya naman sa bandang huli ay hindi rin masasaktan si Zoe kapag nalaman niya na pinaglaruan ko lang siya ulit."
BINABASA MO ANG
Never Fall With Your Enemy
Teen FictionHow hate turn to love? Is it possible that love can conquers everything? *Editing In Progress*