Chapter 44

1.1K 22 0
                                    

A/n: Kindly wait nalang po sa mga next update ,I'm still managing my time..

~~~~~

"Intindihin mo naman yun. Hindi sa kinakahiya kita sa kanya at tsaka kahit kelan hindi kita ikakahiya kaso nga lang mahirap yung sitwasyon eh. Jayden naman, can't you see in her eyes that she's still inlove with you? Nung nakita ko siya ay hindi siya sakin nakatingin kundi sayo. Ayoko na masira yung pag kakaibigan namin. " Pagpapaliwanag ko kay Jayden. Kanina nga ay kinausap ko muna si Yenny at pinaalis ko si Jayden ,oo alam kong magagalit siya sa ginawa ko pero ayoko rin naman na magtaka si Yenny. Hindi narin natuloy yung plano namin na date ng dahil nga sa biglang pagdating niya. Kanina nga ay nagtaka rin siya kung san ako pupunta dahil nga nakaayos ako pero nag isip na lamang ako ng excuses para hindi na siya magtaka.


Pagkatapos namin na mag-usap ay nagpaalam narin siya sa 'kin dahil kailangan niya na daw umuwi at sinabi rin niya sa 'kin na sa isang apartment siya tumitira at malapit yun sa 'min. Kaagad rin akong dumiretso kay Jayden dahil alam kong galit siya sa akin dahil nga sa ginawa kong pagtataboy sa kanya kanina, ayoko kasi na mag-away kami pero parang ngayon ay nangyayari na ang ayoko, well we're not literally fighting pero kasi medyo nagagalit na ako dahil nga can't he just try to understand our situation? . Nung pagkapunta ko dito sa kanila ay sinusubukan ko syang kausapin pero hindi niya ako pinapansin at nakatingin lamang siya sa phone niya .



Pinaka ayoko sa lahat yung binabalewala ako at yung hindi ako pinapansin kaya nga nung parang walang pakialam si Jayden sa mga pinagsasasabi ko ay dun na ako medyo nagalit. Ilang sorry na ang nasabi ko pero wala eh. "Jayden ,pakiusap lang pansinin mo naman ako." Saad ko pa pero hindi parin siya nagsasalita. Magsasalita pa sana ako ng magsalita na siya "Umalis kana" sagot niya.



"Umalis ka nalang please. Sinusubukan ko muna na intindihin ang ginawa mo kanina. Zoe naman it's our date pero anong ginawa mo? Dahil lang kay Yenny pinatigil mo? Dahil sa kanya pinagtabuyan mo ako? Yeah I understand that she's your friend but let me remind you , in case you forgot that I'm your boyfriend. "



So ganun nalang? Gusto niya akong umalis? Why can't he understand my point!? Hindi ba pwede na intindihin naman niya kung ba't ko ginawa yung kanina."I know. You're my boyfriend and I should choose you ,yeah you have a point but let me remind you also that I'm your girlfriend. You should understand my point. Pero kung gusto mo akong umalis ngayon ? Then fine!. Pumunta ako dito para sana maka usap ka ng maayos at dahil ayoko rin na mag away tayo pero kung pinapaalis mo na ako edi fine! I'll leave. One more thing if you can't understand me or if we can't understand each other edi walang patutunguhan 'tong relasyon natin. " Sabi ko tsaka ako lumabas.



Naramdaman ko nalang na unti-unti ng tumutulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Kakasimula palang namin pero ganito na agad ang nangyayari. Simpleng bagay pinapalaki. Kung makikinig lang sana siya sa 'kin edi wala na dapat kaming pinag aawayan.

~~~


YENNY's POV


Pagkatapos ng ilang araw ay sa wakas nakauwi na rin ako galing probinsya. Kung hindi lang talaga ako kailangan ni lola dun edi sana hindi na dapat pa ako umalis papunta dun. Kanina nagkausap kami ni Zoe ng kung ano-ano ,I really missed her . Ilang araw din na hindi kami nagkita kaya nga nung pinuntahan ko siya ay agad ko rin syang yinakap.



Inaamin ko , nung nakita ko silang magkasama ni Jayden ay medyo may naramdaman akong kirot dito sa puso ko. When I was in the province all I can think about is Jayden . Lintik na puso 'to hanggang ngayon ay minamahal parin si Jayden. Akala ko kapag lalayo muna ako sa kanya ay makakalimot na ako pero hindi eh.



Sa totoo nagtaka ako kanina kung ba't magkasama sina Jayden at Zoe , hindi na ako nagulat nung sinabi sa akin ni Zoe na okay na silang dalawa dahil noon palang talaga ay alam ko ng magkakaayos rin sila. Sana lang talaga tuparin ni Zoe yung pangako niya sa akin nun na kahit kelan hindi siya mahuhulog sa kanya. Ayoko kasi na mag away kami dahil lang sa kanya.



Maya maya'y naramdaman kong may nag vibrate sa bulsa ko at yun yung phone ko. Binuksan ko naman ito at tinignan ko kung kanino galing yung text message.At kay Zoe pala.



Do you want to hang out?



Text niya at agad naman akong nag reply ng 'yes' . Sinabi rin niya na sa mall nalang kami magkita.


****

Pagkaraan nga ng ilang oras ay andito na ako sa mall at hinihintay ko nalang si Zoe. Maya maya'y  dumating na rin siya.


"Kanina ka pa ba naghihintay?" Tanong niya sa akin at umiling iling naman ako kasi halos kararating ko palang naman at hindi pa ako naghihintay ng matagal.



"Kain muna tayo , nagutom ako bigla eh " Aniya tsaka tumango na lamang ako at dumiretso kami sa paborito namin na kainan.



Nang makarating na nga kami dun ay siya na ang nag order na pagkain. "Eto niya" Saad niya ng maka order na siya.


Habang kumakain kami ay pansin ko na parang may problema siya. Kaya ba siya nag yaya na lumabas kasi gusto niyang mapag usapan yung problema niya ? O sadyang gusto muna niya yun makalimutan?


"May problema ba?" Tanong ko kay Zoe at napatingin naman siya sa 'kin tsaka agad umiling.



Alam ko na may tinatago siya. Kilala ko siya at alam ko rin kapag nagsasabi siya ng totoo at hindi kaya alam ko na may problema siya pero ba't ayaw niya na pag usapan kung ano man yun? Kasi nun lagi naman syang nagsasabi ng problema sa 'kin eh.



"You told me earlier that you and Jayden are friends ,right? " Pag iiba ko ng usapan at tumango naman siya


"So can you help me?"



"Help in what?" Tanong niya



"I want you to help me with Jayden " Confident kong sagot pero nagulat ako ng bigla syang tumayo " Cr lang ako " saad niya tsaka nga umalis.


Problema nun?

Never Fall With Your EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon