Chapter 32

1.4K 35 0
                                    

Author's NOTE : Flashback po muna tayo ,bale eto yung mga nagyari 2 weeks ago.Wag po kayong maguluhan kung ba't hindi magkatugma yung past chapter dito kasi nga eto yung nangyari 2 WEEKS AGO.Eto yung nangyari nung sinabi ng ate ni Jayden na mahal ni Jayden si Zoe.(Chapter 30)

JAYDEN's POV


"Babe,can I join you?" Napatigil ako sa pag inom ng alak ng may lumapit na babae sa akin.Aaminin ko maganda siya and sexy at mukhang bata pa pero tinanggal ko na ang  pagkababaero ko.Ngumiti naman ako sa kanya tsaka ko inilapit ang mga mukha ko sa mukha niya.Pumikit naman siya sa pag aakalang hahalikan ko siya pero bumulong lamang ako sa kanya "You can't." Saad ko tsaka ko inilayo ang mga mukha ko sa kanya at tsaka ako lumipat sa ibang table.



"Sana sa akin mo na lang siya binigay.She's pretty,sexy and hot!" Ani Vince.Umiling iling na lamang ako.Hanggang ngayon playboy parin itong pinsan ko.



"Hindi ako pumunta dito para makipag landian." I said.



"Then what brings you here in my bar?" Tanong niya ,sasagutin ko na dapat siya ng magsalita siy ulit "Wait.Let me guess,you're here for advice,right?"



Tumango tango naman ako.Alam na niya ang dahilan ng pagpunta ko dito dahil nga hindi ako gaanong pumupunta dito sa bar niya.Yeah.Bar niya itong pinuntahan ko.Noon palang talaga pangarap niya ng magpatayo ng isang bar.Well duh! He wants girls thats why.Alam niya kasi na maraming pupunta na mga babae sa isang bar kaya nga nagpatayo siya.Isa rin siya sa mga nagturo sa akin kung paano mambabae.



"I'm so great at guessing game.Hulaan ko rin tungkol kay Zoe yan?"



"Yeah.This time it's her"



Pagkatapos kasi akong pagsabihan ni ate ay kaagad akong dumiretso dito sa bar niya.Kung alam kong matutulungan ako ni ate mas lalo kong alam na matutulungan rin ako ni Vince.Hindi lang kasi siya magaling sa pambababae dahil magaling rin siya sa pagbibigay ng mga advices in case of lovelife


"I told you bro,You're inlove with her."

"No it's not love."


"Then what?Naguguluhan ka kasi sa kanya na tumitibok ng mabilis ang puso mo.Naguguluhan ka kasi lagi nalang syang laman ng isip mo.Anong tawag mo dun?Sa tingin mo ba hindi yun matatawag na pagmamahal?.Remember the hiking thing? Alam ko na nung araw na yun na unti unti ka ng nahuhulog sa kanya.Nung makita ko kung gaano mo siya tignan alam ko na kaagad na darating yung araw na kakausapin mo ako tungkol sa kanya at hindi nga ako nagkamali.Eto ka oh.Humihingi ng payo.Payo ko sayo siguro ngayon mas mabuting lumayo layo ka muna para naman makapagisip-isip  ka.Alam kong nahuhulog kana sa kanya pero kung ikaw mismo ay hindi sigurado sa nararamdaman  mo ay mas mabuting alamin mo muna kung talaga bang tuluyan ka ng nahulog sa kanya."


Natahimik na lamang ako.Si Vince ba talaga etong kaharap ko ngayon?.Oo.Nasanay na akong lagi nyang binibigyan ng payo pero yung marami syang sinasabi yun yung hindi ako sanay.Hindi nga ako nagkakamali ,tamang si Vince ang pinuntahan ko.Nakatulong naman si ate sa akin kaso nga lang hindi ko siya gaanong makausap ng maayos dahil nga kinikilig siya.Kulang na nga lang ay hampasin niya ako sa kilig.Nakakabakla lang. Isang Jayden Alexander Guerrero nagpapa advice? .


"Ang ibig mo bang sabihin ay lumayo muna ako sa kanya?" Tanong ko at tumango naman siya.


Lalayo?Siguro nga tama si Vince.Break naman namin sa school kaya pwede akong magbakasyon muna.Siguro pupunta muna ako sa lugar kung saan makakapag isip ako ng maayos.


"Ano nang plano mo?" Tanong niya

"Diba sabi mo kailangan ko munang lumayo ?Edi yun ang gagawin ko"


Kung yun ang kailangan kong gawin para hindi na ako maguluhan pa ay gagawin ko.

****

"Ate akala ko ba sasamahan mo akong mag grocery ?" Tanong ko kay ate pero umiling lamang siya.Ang bilis naman magbago ang isip niya,kanina lang excited syang sumama sakin pero ngayon?Ayaw na nyang sumama.

Kagabi kay Vince muna ako nakitulog pero agad rin akong umuwi ng bahay para sabihin kay ate ang plano ko. Ilang beses niya akong tinanong kung sigurado daw ba ako sa desisyon ko  at pagtango lamang ang tanging sagot ko.Nung naniwala na siya sa akin ay ganun na lamang ang gulat ko ng bigla syang umakyat sa kwarto niya at pagkababa ay may dala na syang maleta.'Sasama ako.' Yan ang sinabi niya sakin nung tinanong ko sya kung ano ang gagawin niya sa maleta.Mamaya ay aalis na kami ,pupunta muna kami sa Ilocos para dun muna ako makapag isip-isip.Dun lang kasi ang lugar na naiisip kong tahimik eh.

Naglakad na ako papuntang grocery store para bumili ng makakain namin ni ate.Tutal malapit lang naman yun kaya lalakarin ko nalang .Nang makarating na ako dun ay naglibot muna ako.Nung nakuha ko na ang mga bibilhin ko at magbabayad na dapat ako ay bigla kong nakita si Zoe.


Darn it.Yung puso ko sobrang bilis na naman ng pagtibok.Nagkatinginan kami at napunta ang tingin ko sa mapupula nyang labi.Sh*t naalala ko yung ginawa ko.Yung halik.Yung paghalik ko sa kanya.Pinilit kong kalimutan ang ginawa kong paghalik sa kanya pero wala eh.Hindi ko magawa.


Agad akong nagiwas ng tingin at dahil sa kaba ay naiwan ko tuloy ang mga bibilhin ko.Kunot noo akong tinignan ni ate nung makauwi na ako.


"Problema mo?Ba't parang tumakbo ka?May humahabol ba sayo?Tsaka akala ko ba bibili ka?Asan na yung mga pinamili mo?"


"Si Zoe nakita ko"


"Zoe?Kaya pala ."


Kinuha ko nalang kaagad ang maleta tsaka ko ito pinasok sa kotse.Isa lang ang dala namin na maleta dahil nga nagkasya na dun ang mga damit ko at damit ni ate.


Sana pagbalik ko maayos na ang lahat.Sana hindi na ako maguguluhan sa nararamdaman ko.Sana talaga.

Never Fall With Your EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon