Chapter 27

1.5K 39 4
                                    

A/N:Parang pakonti konti na yung nagbabasa neto pero go lang.Itutuloy ko parin itong story na ito....

EUNICE's POV

Kung nandito lang sana sina nanay at tatay ,kung buhay pa sana sila,kung hindi lang sana sila naaksidente edi magkakasama na kaming apat.Buo na dapat ang pamilya namin kung buhay pa sila ngayon.I would lie if I tell you that I don't miss them kasi sa totoo lang sobrang miss na miss ko na sila pero kahit ganun masaya rin ako dahil nakasama ko na ulit si Zoe.It's been how many years since my mom I mean our mom told me that I have a sister.I've been waiting for this day to happen and now here it is ,kasama ko na siya.



Last week nagpa reserved ako dito sa buffet restaurant gusto ko kasi na magkaroon kami ng time ni Zoe na magbonding.Nakatira nga kami sa iisang bahay pero hindi naman kami ganun magbonding kapag nasa bahay kami.Bihira lang kasi ako umuuwi sa bahay dahil nga kinakailangan kong tumira sa bahay nina tita yung magulang ni Darryl



Hindi ko pa pala naikukwento ang nangyari kay Zoe.Nung nagpunta ako sa isang babae at nung namatay ang mga magulang namin si tita na ang tumayong ina ko yung nanay ni Darryl.I'm not her own daughter pero tinuring niya ako na parang totoo nyang anak.Siya ang nagpa aral sakin at siya rin ang dahilan kung ba't ngayon ay marami akong alam tungkol sa mga business ,siya ang dahilan kung bakit ako nagtagumpay sa mga pangarap ko.



Pinasok rin ako ni tita sa business nila kaso nga lang nagkaproblema dahil bumabagsak na yung kumpanya nila at ang tanging paraan lamang para hindi tuluyan na bumagsak ang kumpanya nila ay makipagtulungan sa isa pang kumpanya and that's what they did.Nakipagtulungan sila tita but the other company asked a favor kapalit ng pakikipagtulungan nila.



Kailangan may maikasal sa mga anak ni tita at sa mga anak nila.Nung una pinakiusapan nila si Darryl na kung pupwede ay siya yung ipakasal nila pero ayaw ni Darryl iyon dahil nga alam naming lahat na may iba syang minamahal.Nung araw na yun naisip ko na what if ako nalang,Mahirap sakin na maikasal sa taong hindi ko kakilala pero kahit ganun ay tinuloy ko ang plano na sabihin kay tita na wag na si Darryl dahil pwede naman na ako nalang.Call me stupid I don't care dahil this is the only way para masuklian ko ang mga kabutihan ni tita sakin at kung sa gagawin kong ito ay masi-save ang kumpanya nila tita edi okay lang.



Nung dumating na yung araw na ipapakilala na yung mapapangasawa ko ay tahimik lamang ako.Labag man sa kalooban ko pero kailangan ko itong gawin but God was so great,to my surprised ang taong papakasalan ko ay ang taong mahal ko.I was so relieved that time dahil nga hindi ko na kailangan pang itago kay Dylan na ipapakasal ako dahil nga siya yung taong papakasalan ko.


Boyfriend ko nun si Dylan at hindi ko lubos akalain na siya pala ang sinasabi nila na mapapangasawa ko.It's not literally a real wedding but maybe we will just consider it as real.

*****

Habang kumakain kami dito sa buffet restaurant ay panay parin ang titig ni Zoe kay Dylan.Napapaisip ako kung boto ba si Zoe kay Dylan.She's my sister that's why her approval is important.Nagtatawanan kami ni Dylan nun ng bigla akong tinawag ni Zoe tinanong ko siya kung bakit pero hindi siya sumagot bagkus ay tinignan lamang niya ako ng mga tingin na parang may sinasabi.


"Eunice?"



Napatigil ako sa pagkain ng marinig ko ang boses na yun.Tumayo ako kaagad at nagpaalam sa kanila na pupunta lang ako sa banyo pero sinundan lamang ako ni Jayden at hinila niya ako papunta sa may labas ng restaurant.



Sinubukan kong iwasan siya pero wala akong magawa dahil nga kung san ako pumupunta eh andun din siya .


~~~~~~~~~~~~💞~~~~~~~~~~~~~~

JAYDEN's POV


Ang babaeng kaharap ni Zoe...



Ang babaeng nakikita ko na nagiisang nakakuha ng atensyon ko


Ang babaeng minahal ko noon at minamahal ko parin ngayon.


Si Eunice.



Bumalik na siya.Andito na siya.Nung makita ko kung sino ang babaeng kaharap ni Zoe ay nagulat ako.How I miss her.Gustong gusto ko syang yakapin,halikan ,miss na miss ko na siya.


Nang makita ko syang tumayo at tumakbo ay hinabol ko sya



"Baby." Mahinang tawag ko.Tinignan lamang niya ako.Hanggang ngayon ba galit parin sya sakin?.Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at sinubukan halikan ito pero pinigilan niya ako.



"Jayden.Tumigil kana please"



Umiling iling ako.Hindi.Hindi ako titigil hanggang hindi ko pa siya nakukuha.


"No.Mahal kita Eunice.Mahal na mahal at maniwala ka naman oh.Hanggang ngayon ba pinapaniwalaan mo parin ang sinabi ni Zoe sayo nun?Maniwala ka ikaw lang talaga ang minahal ko noon at minamahal ko ngayon.Eunice nakikiusap ako balikan mo na ako ,magsimula ulit tayo."


"Walang kinalaman si Zoe dito." Pinakita niya sakin ang singsing na ngayon ay suot-suot niya. "I'm already married."



Hindi ko namalayan na unti-unti narin palang bumabagsak ang mga luha ko.Pinunasan ko kaagad ito at umiwas ako ng tingin.Ano ba Jayden.Kalalake mong tao umiiyak ka.Sinubukan kong pigilan ang pagpatak ng mga luha ko pero wala eh.Dahil kahit anong subok ko patuloy parin ito sa pagbagsak.Married?Ikakasal na siya?Huli na ako?



"Wake up,Jayden.Gumising kana sa katotohanan na hinding hindi na maibabalik ang dating tayo.Jayden subukan mong buksan ulit yang puso mo para sa ibang tao."



Buksan?Para sa ibang tao?Hindi.Ayoko.Gusto ko siya lang.Gusto ko si Eunice lang.



"Buksan?" Tinuro ko ang dibdib ko "Ikaw lang ang laman nito.Ikaw lang ang laman nitong puso ko.Paano pa makakapasok ang ibang tao kung wala ng space dito sa puso ko dahil nga pinuno mo na."


"Anong nararamdaman mo ngayon?"


"Nararamdaman?Eunice naman hindi pa ba halata na nasasaktan ako?."


Umiling siya "Halata pero Jayden maniwala ka man o hindi you're already inlove with someone else"


"Hindi.Ikaw lang.Ikaw lang ang mahal ko"


"Sadyang pinipilit mo lamang ang sarili mo pero try to accept the fact .Dun .Dun mo marerealize na hindi mo na pala ako mahal.Wala kanang nararamdaman para sakin pero pinipilit mo lamang ang sarili mo na meron pa kahit wala na talaga."


"Eunice mahal kita"


"Acceptance is the key " Saad niya bago niya ako iwanan.Bago siya umalis.Iniwan niya na naman ako.Iniwan na naman ako ng taong mahal ko .

Never Fall With Your EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon