Hindi ko alam kung totoo ba o sadyang trip lang yung sinabi niya sakin na mahal niya ako.Isa lang ang sigurado ako yun yung hindi ako nagkamali ng pagkakarinig.Sinabi niya.I heard it right.He did say that he love me and I did too.Humiwalay siya ng yakap at umiwas ng tingin.What now? Tatahimik lang siya? Hindi nga ba totoo yung sinabi niya? Sasabihin ba niya na 'I'm sorry ,It's not true', 'Kasinungalingan lang 'yon' ,'Walang totoo sa sinabi ko.'.Sasabihin nga ba niya ang mga iyan ?Ngayon na.....ngayon na nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko? Nag assume nga lang ba ako na totoo yung sinabi niya? Mahal kita ,Zoe di mo lang alam .Tama yung narinig ko ,diba? He did say it at ganun rin ako pero bakit parang hindi siya masaya? Bakit parang wala lang sa kanya yung sinabi ko?Hindi ko na naisip pa yung taong naghihintay sakin.Hindi ko na naisip pa si Sam because all I want right now is to know the whole truth.Lumayo siya sakin at dun na nagsimula na tumulo ang aking mga luha .Lumalayo siya? Hindi ba niya sinasadya yung sinabi niya?.Natuwa ako kanina dahil sinabi niya na mahal niya ako pero ang tuwa na iyon ay napalitan ng pagsisisi.Sana hindi nalang ako umamin.Sana pala hindi ko nalang sinabi na mahal ko siya dahil parang wala naman katotohanan ang sinabi niya kanina.Kung totoo nga iyon bakit siya lumalayo? Bakit wala akong makitang reaksyon niya? .
"Titignan mo lang ba ako?Patuloy ka lang ba na lalayo? Hindi ba totoo yung sinabi mo?Wala nga bang totoo dun? Kasi ako? Totoo yung sinabi ko.Damn. Jayden I love you. Minahal kita noon palang. Hindi ko alam kung kelan ito nagsimula basta ang alam ko lang nagising nalang ako na ikaw na agad ang hinahanap ko. Nagising ako na ikaw na ang laman ng isipin ko. Nagising ako na ma-mahal na kita. Believe me or not I tried how many times to stop this feelings that I have for you. Pero ano? Wala. Hindi ako nagtagumpay kaya sa huli parang ako yung talo dahil nalaman ko na hanggang ngayon mahal mo parin si ate." Tumigil muna ako sa pagsasalita para punasan ang mga luha ko.
"Araw-araw sinasabi ko sa sarili ko na sana hindi nalang kita minahal. Hindi ko naman kasi akalain na mahuhulog ako sa isang tulad mo. Isang taong kinamumuhian ko noon. Sinira ko ang pangako ko noon sa sarili ko na kahit kelan hindi ako mahuhuloh sayo. Never will I fall for you. You're my enemy ,minahal ka ng bestfriend ko at ganun rin ng ate ko kaya sinabi ko rin nun sa sarili ko na mali 'tong nararamdaman ko. Mali dahil parang hindi tama na mahalin ko ang taong dati ng minahal ng ate at ng bestfriend ko. Kahit ganun? Sa huli? Minahal parin kita. I love you ,Jayden. So much and I don't care if you would say that what you told me earlier is just a joke. Atleast kahit minsan lang .Kahit isang beses lang ay narinig kong sinabi mo na mahal mo ako." Saad ko. Aalis na dapat ako para puntahan na si Sam pero bigla niya akong pinigilan. Yinakap niya ako at ganun na lamang ang gulat ko ng hinalikan niya ako pero yung halik na smack lang at hindi nagtagal."I love you so much ,Zoe at totoo yung sinabi ko kanina."
Napangiti ako sa sinabi niya. Thank God it's true. Akala ko umasa lang ako. Akala ko hindi yun totoo pero nung may marealize ako ay nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Ganun?Ganun lang?" Tanong ko. Sa pagkahaba haba ng sinabi ko yun lang ang sasabihin niya? I mean I expect him to say long message. Call me choosy or whatever pero yun ang gusto ko eh para ramdam ko .
"May problema ba?" Tanong niya at halata sa mga mukha niya ang pag-aalala.
"Ang haba ng sinabi ko tapos ikaw one sentence lang ?" Tanong ko at tumawa naman siya
"Hindi pa ba sapat yung halik? Halik na nagsasabi na mahal na mahal rin kita? "Tanong niya pero hindi ako sumagot. " Gusto pala ng girlfriend ko ang long message ,huh?"
BINABASA MO ANG
Never Fall With Your Enemy
Teen FictionHow hate turn to love? Is it possible that love can conquers everything? *Editing In Progress*