Epilogue next=>=>=>
One week after...................
ZOE's POV
I miss him.....
Isang linggo narin ang nakakalipas simula nung huli kaming mag usap at hanggang ngayon ay hindi parin kami nag uusap. Pinili ko naman 'to,diba? Ako yung may ayaw na kausapin siya kaya anong napala ko? Eto araw-araw, gabi-gabi ay iniisip ko parin siya. Oo nga't pinaliwanag niya ang nangyari noon pero hindi niyo naman ako masisisi kung sasabihin ko na parang hindi ako naniniwala sa mga sinabi niya noon sakin. I just want to hear the truth from him but I can't understand myself why I can't believe him. Hindi ko alam kung ba't hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinabi niya nun.
Miss na miss ko na siya pero hindi pa ako handa na kausapin siya. Hindi sa nagpapaka-choosy ako pero kasi mahirap kalimutan yung nakita ko. What would you feel when you see your boyfriend kissing other girl? Would you feel the same way I felt? . Masakit eh . Sobrang sakit na hanggang ngayon ay naiiyak parin ako kapag naaalala ko yung nakita ko. Nung sinabi niya sa'kin na si Yenny ang gumawa nun at hindi siya nag respond sa halik na yun ay nakaramdam ako ng konting ginhawa pero kahit ganun ay hindi ko parin magawa na paniwalaan yun. I'm trying my best to believe in him but I guess it's not the right time yet.... Pero alam kong balang araw mawawala rin yung sakit....Balang araw tatawanan ko nalang yung sakit....at balang araw mapapatawad ko narin siya.
"Ang saya-saya ko dahil hindi ko lubos akalain na mahal mo rin pala ako"
"Ako nga rin eh. Mahal na mahal kita."
"Mahal rin naman kita eh"
Napapangiti na lamang ako habang naririnig ko ang usapan ng dalawang nagmamahalan na nasa likuran ko. Andito kasi ako dito sa coffee shop dahil sinabi sakin ni Samantha na may pag uusapan daw kami. Hindi ko nga rin alam kung tungkol san eh pero siguro ay tungkol ito sa pag alis ko. Oo. Aalis ako at tuloy na tuloy yun. Naisip ko kasi na baka mas makakabuti kapag magpakalayo-layo muna ako at isa pa dahil nga gusto ko rin naman na makita yung mga taong tumulong kay ate nun.
Abala ako sa pagbabasa ng libro para sana hindi ako mainip sa paghihintay ng biglang napansin kong may umupo sa upuan na nasa harapan ko , tinignan ko kung sino ito dahil ang pag aakala ko ay si Samatha yun pero mali ako. Nandito siya!? For real!?
"Andito ka" Masigla kong sabi.
"Sabi ko naman kasi sayo na kapag nagka problema ka ay pupuntahan. Call me and I'll be there"
"Na-miss kita"
"Ako rin naman eh. Narinig ko kay Samantha lahat ng nangyari. Kumusta kana?"
"I'm fine and I'll be gone for how many days"
"Why?"
"I'm going somewhere"
"Samahan kita" Saad niya at umiling iling na lamang ako "Hindi na kailangan" sagot ko naman at tumango siya.
Pakana ba lahat 'to ni Samantha para masurprise ako? Akala ko siya yung makikita ko ngayon pero hindi kundi ang kapatid niya. Yeah. Si Sam. Andito siya at kausap ako. How I miss this guy. Ilang araw rin na hindi kami nagkita at walang communication.
Nung mapansin kong tumatagal na ang oras ay dun ko napagdesisyunan na kailangan ko ng umuwi dahil nga malapit na akong pumunta sa airport para sa flight. "Sige, kailangan ko ng umuwi para sa flight ko" Pagpapaalam ko kay Sam at tumango naman siya tsaka niya ako yinakap ,sinabi rin niya sa akin na hindi na daw siya aalis dahil nga napag alaman ko na nung sinabi niya sa akin na magpapakalayo-layo muna siya ay pumunta pala talaga siya sa ibang bansa.
Palabas na ako sa coffee shop nung makita ko ang taong isang linggo ko ng di nakikita at nakakausap. Nagkatinginan kami pero agad akong nag iwas ng tingin. Hindi ko na dapat siya papansinin ng tinawag niya ang pangalan ko at lumapit siya papalapit sa akin.
"Zoe....." Pagtawag niya sa'kin at hindi ako sure pero sa boses niya ay parang may lungkot.
"Ah-eh. Aalis na ako dahil may flight pa ako eh" Nauutal ko pang sagot. Sh*t I can't stay calm dahil nga sobrang bilis ng pagtibok nitong puso ko.
"Flight? Aalis ka?"
"Uhm yeah" Saad ko tsaka agad akong pumasok sa kotse ko at mabilis na nagmaneho papunta sa bahay. Hindi ko narin hinintay yung sasabihin niya dahil nga parang sasabog na ang puso ko nung makaharap ko siya. Baka kasi magbago pa ang isip ko na umalis kapag nagkausap pa kami ng mas matagal.
******
"Zoe, tara na?" Tanong sa akin ni ate kaya't tumango naman ako at pumunta na kami sa loob ng kotse.
Nung makauwi na kasi ako ay agad na akong naghanda dahil may natitira na lamang akong isang oras dahil mamaya ay flight na namin.
Nagpahatid kami ni ate sa driver namin papunta sa airport. Tanging si ate lamang ang kasama ko at hindi namin kasama sina kuya Dylan at si Darryl dahil nga pareho silang busy. Sa katunayan nga ay busy rin si ate dahil nga sa nagkaroon narin siya ng negosyo kaso nga lang mas pinili ni ate ang samahan ako dahil baka daw hindi ko kayang mag isa.
Nung nasa airport na kami ay kinuha narin namin ang mga gamit at tsaka kami pumasok sa loob.
"Handa kana ba?" Tanong sa akin ni ate at tumango naman ako.
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko. Alam ko kasi na kapag umalis ako ay may babalikan pa ako.. Hindi man lang kami nagkaayos ni Jayden bago ako umalis pero sapat narin naman ata ang makita ko ulit siya bago ako umalis.
Tatayo na kami ni ate dahil nga oras na para sa flight namin.
"Zoe!!!!" Dun lamang ako napatigil nung marinig ko ang boses niya.
"Talk to him before you leave" Bulong sa akin ni ate kaya naman lumapit ako sa kanya.
"Aalis ka talaga?" Tanong niya at tumango naman ako.
"Iiwan mo ako?" Tanong niya at dun ako napatigil.
Hindi. Hindi Jayden. Hindi kita iiwan dahil aalis lang ako pero babalikan rin agad kita .
"Kailangan kong umalis"
"Babalik ka pa ba ?" Tanong niya kaya naman tumango agad ako.Nung tumango ako ay ngumiti naman siya. "Pag uwi mo magiging okay na ba tayo?" Tanong niya.
"Hindi ako sigurado" Saad ko pero sa totoo lang gustong gusto kong sabihin sa kanya na sana. Sana nga pagbalik ko ay okay na kami.
Nung tinawag na ako ni ate ate ay dun na ako nagpaalam sa kanya. Habang naglalakad ako papalayo sa kanya ay dun ulit nagsimula na tumulo ang aking mga luha.
Sana maging okay ang lahat. Sana may babalikan pa ako.
"Hihintayin kita , Zoe!" Sigaw niya at dun ako napangiti. Desisyon ko ito kaya kailangan ko itong panindigan.
Sana nga Jayden. Sana nga.
BINABASA MO ANG
Never Fall With Your Enemy
Teen FictionHow hate turn to love? Is it possible that love can conquers everything? *Editing In Progress*