Chapter 15:Hiking

1.9K 39 0
                                    


"Ano ba talaga plano mo?" Tanong ko ulit kay Samantha.Kasalukuyan kasi siyang nagda-drive ngayon at kasama namin yung kapatid niya,si Sam.Pagkasabi kasi ni Samantha na may plano siya ay hinila na lamang niya ako papasok sa kaniyang kotse at talaga naman na dinamay pa niya ang kapatid niya.Sa una nga ay ayaw sumama ni Sam dahil baka mapagkamalan daw siya na bakla dahil siya lang ang nag iisang lalake sa aming tatlo pero sadyang magaling si Samantha.Wala eh.Hindi siya nagpapatalo kaya sa huli ay pumayag na lamang siya.


Kanina pa siya nagdadrive.Well hindi pa naman masyado mga 10 minutes palang ata.Si Sam naman ay halatang nabobored na dahil kanina pa siya nakasimangot ,kitang kita ko dahil kapag lumilingon ako sa kanya ay linalaro niya lamang ang cellphone niya tsaka sumisimangot. Nasa may backseat kasi.


"Matagal pa ba tayo?" Tanong ko ulit pero hindi ako pinansin ni Samantha, sa halip ay nag concentrate lamang siya sa pagdadrive.Napabuntong hininga na lamang ako.


"Lalim nun ah?" Napalingon naman ako kay Sam.


"Hehe"Ani ko tsaka ako ngumiti.


Ano ba talaga plano netong kapatid ni Sam?San ba talaga kami pupunta?Hay,naku,kung ayaw niya sabihin edi wag nalang kasi.Maya maya pa ay nag park si Samantha malapit sa bundok,I mean parking ito sa mga pumupunta dito sa bundok para mag hiking.So ano 'to?Balak ba niya na maghiking?



" Hiking?" Tanong ko at binigyan lamang ako ni Samantha ng
-Malamang!Ano pa ba?- look.Okay!.Tumango tango na lamang ako sa kanya.


"Anong plano mo?" Tanong sa kanya ng kanyang kapatid.


"Secret.You'll see.So?tara na?"Tanong niya at tumingin muna ako kay Sam pero sandali lang dahil tumingin ako kaagad kay Samantha tsaka ako tumango.


" Good."Aniya tsaka naunang naglakad.


"Teka lang-" Pagpigil ko at napatingin naman siya sakin "Wala ba tayong snacks?You know,mapapagod tayo."


"Trust me.Naayos ko na yan.Girls scout ako 'no.Laging handa kaya tara na"


Ngumiti ako tsaka sumunod sa kanya.

--------------------

May limang minuto narin kami na naglalakad.Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang kailangan namin na lakarin dahil hindi ko naman sukat itong bundok na ito.Pero base sa mga napagtatanungan namin nina Samantha ,ayon sa mga pinag tanungan namin na pababa ng bundok ay inabot daw sila ng isang oras at kalahating minuto bago makarating sa itaas nitong bundok.1 hour and 30 minutes.Eh wala pa nga kalahating minuto kami na naglalakad eh kaya naman medyo malayo layo pa siguro.


"Pagod na ako" Pagod na sabi ni Sam sabay punas sa kanyang mga pawis.


"Ano ba kasi ang plano ng ate mo?" Bulong ko sa kanya at nagkibit balikat lamang siya.Pinauna na lamang namin si Samantha na maglakad dahil magpapahinga muna kami ni Sam.Ewan ko ba kung ba't parang excited siya masyado na makapunta sa pinakaitaas nitong bundok.


"Hindi halatang excited siya masyado ." Pagbibiro ni Sam at tumawa na lamang ako.Hindi rin kami masyado nagtagal dahil pinagpatuloy narin namin kaagad ang paglalakad dahil kapag patuloy lang kami sa pagpapahinga ay aabutin pa kami neto hanggang bukas.


Habang patuloy kami sa  ay naabutan namin si Samantha na nakaupo lamang habang umiinom ng tubig.Akala ko ba hindi siya magpapahinga?Sinabi kasi niya samin kanina na hindi daw siya titigil sa paglalakad at magpapahinga lamang siya kapag narating na niya ang pinakaitaas netong bundok.Ng makita niya kami ay halatang nagulag siya tsaka rin kaagad na nag peace sign.


"Napagod ako eh,hehe" Aniya at napapatawa na lamang kami ni Sam


Iniwan na lamang namin si Samantha ,kung kanina ay siya ang nang iwan pwes ngayon?Kami naman.


----------

"Ilang minuto na tayo naglalakad?" Tanong ko kay Sam.


"Mga isang oras na rin ata." Sagot naman niya.


Isang oras?Grabe.Ang tagal naman bago kami makarating sa itaas.


"Pagod kana?" Tanomg niya sakin

"Sobra."


"Magpahinga ka muna " Aniya pero umiling lamang ako "Wag na"tsaka ko sagot.


" Sigurado ka?" Tanong pa niya at tumango tango naman ako.


"Sige" Aniya at nauna ng naglakad.Si Samantha?Ayun nagpapahinga pa.Excited much kasi siya ,kung sino pa ang unang naglakad kanina siya pa nahuhuli ngayon.Slowly but surely kumbaga kami ni Sam.

-------------
-------------


"FINALLY!!!" Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang dalawa kong kamay.Ang ingay.Kung makasigaw ,wagas.

Hindi pa kami nakakarating sa itaas pero medyo malapit lapit na kami.Sumigaw lamang siya dahil sa wakas ay naabutan niya rin kami ni Sam.


"Ba't ang tagal mo?" Tanong ko


"Nagpahinga ako eh." Aniya


"Ano?Tara na."Tumango naman kaming dalawa ni Sam kay Samantha.Ayan na naman siya.Porket naabutan niya kami.


" Pustahan ,magpapahinga rin yan maya maya" Bulong sakin ni Sam


"Takbo ng takbo eh.Parang may hinahabol" Pabulong kong sagot

--------------------

After 1234567890 hours .Finally!Nandito na kami.Okay!.OA lang masyado.Mga dalawang oras ang itinagal namin bago makarating dito sa pinakaitaas nitong bundok.


Ang ganda.Kaya pala maraming nagpupunta dito kasi sobrang ganda dito.Fresh air.Kahit nakakatakot kapag tumingin ka sa ibaba ay okay lang.Kapag kasi tumingin ka sa ibaba ay dagat yung makikita mo.


Worth it naman yung pagod sa pag akyat.

"Dali!Selfie tayo" Ani Samantha tsaka niya inihanda ang camera niya.


"1...2....3...." *Click*


"Ayan.Perfect.Magpapalit na ako ng cover ko sa Facebook" Dagdag pa niya.

Napatingin ako kay Sam ng hinawakan niya ang kamay ko."Bakit?" Tanong ko pero di siya nagsalita.


"Dun lang kami" Paalam niya sa kapatid niya at tumango na lamang si Samantha.Pagkatapos ay hinila niya ako papunta kung saan wala masyadong tao.I mean walang tao.


"Wala gaano nagpupunta dito.Mas gusto kasi nila sa bandang dun" Aniya sabay turo kung saan maraming tao at kung saan andun si Samantha abala sa pagseselfie.


"Bakit tayo andito?" Nagtataka kong tanong


"Eto talaga yung plano ni Samantha.Dito ka dapat niya dadalhin kaso nakalimutan na niya  ata kaya eto ako na nagdadala sayo dito" Pagpapaliwanag niya at tumango na lamang ako.


"Sumigaw ka"


"Huh?"

"Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo para sa kanya.Don't worry ako lang makakarinig sayo"

Tumingin muna ako sa kanya tsaka ako sumigaw

Never Fall With Your EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon