ZOE's POV
"It's a double date" Tahimik lamang akong kumakain habang si ate naman ay abala sa pakikipagusap sa fiance niya.I guess I'm not the only one who's not talking here isama na natin si Jayden.Pareho kaming tahimik pero ang pagkakaiba nga lang ay magkaiba ang tinitignan namin.Pasimple akong tumitingin kay Jayden samantalang sya ay pasimple rin na tumitingin kay ate.Umiling iling na lamang ako.What would I expect?Na sakin sya titingin at hindi kay ate?Na sa akin yung atensyon niya at hindi rin kay ate?Of course that will never be happen.Sino ba naman ako para titigan niya ?Para bigyan ng atensyon?Eh isa lang naman akong walang kwenta na nagmamahal sa taong may mahal ng iba.
Nang binigyan niya ako ng bulaklak ay medyo kinilig ako pero nawala ang kilig na yun ng may maalala ako.Hindi talaga para sakin yun.Hindi naman talaga eh tsaka kahit kelan naman ata hindi niya ako bibigyan ng ganun.Napilitan lamang siya na sa akin ibigay yung bulaklak dahil narin sa selos niya.Halata sa mga tingin niya na nagselos siya kanina nung sinabi ni ate na nagustuhan niya yung bigay ni kuya Dylan sa kanya.Kinilig na sana ako kaso wala pala naman talagang rason para makilig ako eh.Napilitan lang sya.Yun ang rason.Yun lang at walang involve na feelings dun.
"I won't,I will never fall for him."
Naalala ko ang sinabi ko noon kay Yenny at dun ako kinabahan.Pinagpatuloy ko itong nararamdaman ko at hindi ko man lang ito napigilan na hindi ko man lang narerealize na nangako nga pala ako kay Yenny noon.Bestfriend ko siya at malaki ang tiwala niya sakin pero yung pangako ko-----pangako na kahit kelan hindi ako mahuhulog sa taong kinamumuhian ko----pangako na kahit kelan hindi ako magkakagusto kay Jayden pero nasira ko ang mga pangako na yun.Ako mismo ang sumira ng mga pangako ko kay Yenny.Paano na lamang kapag nalaman niya na gusto ko si Jayden?Paano kung malaman niya na tuluyan na akong nahulog sa taong alam kong hanggang ngayon ay mahal parin niya.Ba't ba parang binibigyan ako ng napakaraming rason para kalimutan ko nalang itong nararamdaman ko para sa kanya?.Shit na puso naman kasi ito oh kung kani-kanino tumitibok kaya ayan tuloy nagkakaproblema na.Sa ngayon hindi ko muna iisipin yung tungkol kay Yenny ngayon na wala pa siya dito.
"Ang sarap ng pagkain dito,right Zoe?" Napatingin ako kay ate tsaka tumango
"Ba't ang tahimik mo ata?Jayden ba't hindi mo kausapin si Zoe para naman hindi kayo mabored diba?"Napatingin naman kami ni Jayden sa sinabi no ate.Yeah I should thank her because she's making a way pero para naman sa ginagawa niya ay masyadong obvious na pinaglalapit niya kaming dalawa.Tsaka ako?Kakausapin ako ni Jayden?Paano mangyayari iyon kung ang gusto niya lang makausap ay si ate at hindi ako?Kasi kung gusto niya talaga ako kausapin edi sana kanina pa niya ako kinausap ,diba?.Tinignan ko si ate at ganun rin naman ang ginawa niya tsaka ngumiti ng nakakaloko
Maya maya'y may naramdaman kong parang may nagvibrate sa bulsa ko kaya naman linabas ko ang phone ko at nakita kong tumatawag si Yenny.Right!Perfect timing."Ate,sagutin ko lang 'to" sabi ko kay ate tsaka ko pinakita sa kanya na may tumatawag.
Lumabas na muna ako sa restaurant tsaka ako umupo sa nakita kong bench tsaka ko sinagot ang tawag.
"Napatawag ka?Miss na kita kelan ka ba kasi uuwi dito?"
["Miss narin kita tsaka kaya ako tumawag kasi may good news ako."]
"Ano?"
["Makakauwi na rin ako .Hindi ko pa alam pero basta malapit na kasi pinayagan ako ni lola na umuwi na dyan.Finally!"]
"Basta kapag umuwi ka remind me okay?"
["Yeah.Ikaw pa bestfriend kita eh"]
"Buti talaga pinayagan kana"
["Oo nga eh.Hay na miss ko si J"]
Natulala ako ng marinig ko ang huli niya na sinabi.Sorry Yenny,sorry kasi yung pinangako ko sayo parang hindi ko na magagawa.Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.Kahit hindi niya sabihin kung ano ang full name niya alam ko na agad na si Jayden ang tinutukoy niya.
["Kamusta na pala kayo?Ganun parin ba?Enemy?"]"Yenny may aaminin ako"
[ "Ano?"]
" Kapatid ko yung binalikan ni Jayden nun.Si Eunice."
["You mean Charlotte Eunice?Oh my gosh!Marami ka talaga ipapaliwanag sakin paguwi ko dyan .Sige na babye na"]
I ended the call tsaka ako huminga ng malalim.Marami talaga.Napakarami kong ipapaliwanag kay Yenny pag uwi niya.
"Ba't hindi ka pa pumapasok sa loob?" Napatingin naman ako kay Jayden tsaka siya tumabi sa tabi ko.
"Eh ikaw ba't ka andito?"
"Sinabihan lang ako ni Eunice na sundan ka daw"
Hindi na ako nagsalita.Hindi ko na kasi alam kung ano ang sasabihin ko
"Sino nga pala tumawag sayo?" Tanong niya sakin
"Si Yenny"Tipid kong sagot at tumahimik rin siya "Anong pakiramdam na nakikita mo yung taong mahal mo na may kasamang iba?"
"Huh?"
Okay.That was a stupid question.Wala na kasi akong maisip na itanong .Alam ko naman talaga ang pakiramdam na makita yung taong mahal mo na may kasamang iba.Masakit.Sobra.
"I mean you ,ate Eunice and kuya Dylan"
"Ah--uhm masakit.Lalo na ngayon may mahal na syang iba"
Alam ko.Nararamdaman ko rin kung anong nararamdaman ni Jayden.Ba't kasi hanggang ngayon si ate parin?Ba't kasi siya parin?
"Mahal mo talaga si ate Eunice 'no?"
Hindi siya sumagot bagkus ay tumahimik nalang siya.
"What if buksan ko ulit itong puso ko ?I mean paano kaya kung give chance to other?"
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.Sana nga Jayden.Sana nga.
"Bakit kasi si Eunice pa?Ba't kasi hindi nalang---"Saad niya
"Ano?"
Tinignan niya ako ng maiigi at sa sinagot niya ay bumilis lalo ang tibok ng puso ko."Ba't kasi hindi nalang ikaw"
Sh*t lang.
At mas lalo akong nagulat sa sunod nyang ginawa
He KISSED me!
BINABASA MO ANG
Never Fall With Your Enemy
Fiksi RemajaHow hate turn to love? Is it possible that love can conquers everything? *Editing In Progress*