CHAPTER 30: MY MOM

16 0 0
                                    

A/N: Hellooooooooooo... Moving forward na maka update dahil sa dami ng ginagawa, walang magsasawa guys. Hope you like it, let's go!

KATH'S POV

After few months

Ang bilis ng araw, uuwi na ang mommy ko! Yes! Excited na ako, miss ko siya.

"Dad, sama po ako sayo sunduin sa airport si Mommy" excited na sabi ko.

"Sige, sama na kayo ng kuya mo" sabi ni Daddy.

"Yehey!" sabi ko, parang bumalik ako sa pagkabata. Sa tuwing umuuwi kasi si Mommy gusto ko kasama akong sumusundo.

"Tara na, sunduin natin muna ang Kuya mo" sabi ni Daddy.

"Sige po" sabi ko at sumakay na, mabilis na pinaandar ni Daddy yung sasakyan, di naman siguro halatang excited.

"Wala ba kayong ginagawa ngayon sa school?" tanong ni Daddy.

"Wala po" sabi ko.

Ilang minutes lang nakarating na kami ni Daddy sa school nila Kuya, magkaiba kasi kami ng school.

"Tawagan mo na yung Kuya mo o kaya i-text mo" sabi ni Daddy at agad kong sinunod mga sinabi niya.

"Dad palabas na daw po siya" sabi ko.

"Ayan na siya" sabi ni Daddy.

"Hi Dad" sabi ni Kuya.

Papunta na kaming airport pero wala kaming imikan, nice noh? Ang boring pag ganito.

"Dad may recognition po kami" sabi ni Kuya.

"Kailan?" tanong ni Daddy.

"Next week po" sabi ni Kuya.

"Magandang surprise yan sa Mommy mo" sabi ni Daddy, out of place na talaga ako, nakakainggit siya. Sobra!

"Andito na tayo" sabi ni Daddy.

"Excited na akong makita si Mommy" sabi ko at bumababa na sa kotse, finally!

"Dad ayun na si Mommy" sabi ni Kuya at agad kaming pumunta kung saan si Mommy.

"Hi mga anak! I missed you!" sabi ni Mommy, niyakap namin agad siya.

"We missed you too Mommy, best gift na po namin sa Christmas tong nakauwi ka" sabi ni Kuya, it's month of december.

"Aww!" sabi ni Mommy.

"Tara na" sabi ni Daddy at kinuha na mga gamit ni Mommy. Dinala agad ni Daddy yung mga gamit sa kotse at sumakay na kami.

"San niyo gustong kumain?" tanong ni Mommy.

"Take out na lang tayo kung san yung malapit na restau dito" sabi ni Daddy.

"Oh kumusta kayo?" tanong ni Mommy saamin.

"Okay lang naman po My" sabi ko.

"Okay lang din naman ako Mommy" sabi naman ni Kuya.

"Balita ko may boyfriend kana" sabi ni Mommy saakin.

"O-opo" sabi ko.

"Pakilala mo saamin ng Daddy mo ha" sabi ni Mommy, seriously?!

"Huh? Bakit naman po?" tanong ko.

"Anong bakit? Kailangan namin siyang makilala" sabi ni Mommy.

"Sige po" sabi ko.

To: Daniel

Hey! Gusto ko daw ma meet nila Mommy.

The Unexpected Love Story (KATHIEL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon