13

807 40 0
                                    

CHAPTER 13

"Alam ko na. Huwag mo nang sabihin kundi makakatikim ka talaga." pagbabanta niya
dito. "Hindi naman halata na masiyado kang prepared nuh? Wait! How come may mga damit
pampalit na ako? Don't tell me you plan this all along!"
Napakamot ito habang ngiting-ngiti. Ang cute nitong tignan. Hmm, sarap halikan ?
"Uhm, uhm.. well let's just say na may mga kakuntsaba ako," pagpapacute nito.
Kahit hindi na nito sabihin kung sinu-sino ang mga kakuntsaba nito ay may hinala na siya
kung sino ang mga salarin.
KANINA pa, pasikot-sikot ng bahay si maymay. Naghahanap siya ng maaaring maging daan
upang makatakas siya. Pero ang problema ang laki-laki ng bahay kaya natatagalan siya sa
paghahanap. Lahat ng mga bintana ay nakalock pati ang main door at back door. "Kainis naman
oh! Hindi ako gumising ng madaling araw para lang sa wala!" nakangusong maktol niya.
May nakita siyang isang glass door. Nilapitan niya ito at nagbabakasakaling pinihit ang
door latch. Nagliwanag naman ang kanyang mukha dahil sa wakas makakatakas na rin siya mula
sa pagkakakidnap sa kanya. Ang tanging problema na lang niya ay kung paano makakaalis sa
isolated island na iyon, kung! Nasa isolated island nga sila.
Dahan dahan siya sa paglalakad para hindi makatunog si Edward sa tangkang pagtakas
niya. Pero laking dismaya niya nang makita ang mga pader, ang taas kasi nito para maakyat niya.
Napabuntong-hininga siya, luminga-linga siya, sa pagbabakasakaling mahanap ng solusyon sa
paligid. Hindi naman siya nagkamali dahil may nakita siya ng isang puno ng isang mangga.
Wooh! Thank you lord! Your so kind talaga.
Mabilis na tinungo niya ang kinaroroonan ng puno. Inakyat niya ito at nang paakyat na
sana siya sa ikatlong sanga ay nagulat nalang siya na may bumuhat sa kanya pataas. Nang
linguin niya ito ay mas nagulat siya nang makita ang seryosong mukha ni Edward.

"Put me down will you!" sabi niya dito na nagpupumiglas.
"Akala mo siguro makakatakas ka nuh? Huh! Well you're wrong about that," at pinasan
siya nito sa balikat na para lang siyang isang sako ng bigas. Saka naglakad ito papunta sa loob ng
bahay. Habang siya ay patuloy pa rin sa pagpupumiglas at pinag-iibayo pa niya ito sa likod. Pero
tila bakal ang likod nito hindi man lang nasaktan sa kanyang ginagawa.
Maingat na paupong binaba siya nito sa one-seater na sofa. Itinukod nito ang mga kamay
sa magkabilang dulo. "Again, let me ask you, where do you think you're going?" pag-uulit nito.
"To a safe place! I don't know where I can find it basta sa lugar na hindi mo mararating!"
"The safest place for you is right here with me, honey," pahayag nito. Tumalikod ito at
naglakad papunta sa glass door. "I'm warning you; don't try to run away again. If you don't want
me to guard you every now and then. Kasama na ang pagbabantay ko sayo hanggang sa pagtulog
which means I’ll be sharing a room with you. So, if you want that to happen you're very much
welcome to run away again. Oh! You can do it right now if you really wanted to be with me that
much," inilahad nito ang mga bisig papunta sa labas. "The door is widely open" dugtong nito at
ngumiti ng makatamis-tamis.
"N-no way! I d-don't wanna share a room with you nuh! I can't e-even stand being close
to you even for a second. What's more pa kaya kung buong magdamag. Over my dead gorgeous
sizzling hot, sweet and spicy body!"
Hindi nito pinansin ang kanyang mga sinabi bagkus ay isinara nito ang glass door.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon