22

670 33 1
                                    

CHAPTER 22

MAGHAPON na nagkulong ng kwarto si maymay. Ayaw niya sanang lumabas ng kwarto
niya. Paninindigan niya ang emotera mode niya. Masyado siyang nasasaktan. Ano ba siya talaga
sa buhay ni Edward? Noong nakaraang araw sinabi nitong mahal siya nito pero kaninang
ipinakilala sa special friend daw, ay best friend lang ang sinabi. Naglolokohan lang yata sila.
Tama yata ang naging desisyon niyang huwag tumugon sa hinuhulog nitong pag-ibig 'kuno' sa
kanya.
Bandang alas-sais ng kumalam ang sikmura niya. Bakit ba hindi marunong makisama
ang tiyan niya?
Tumayo siya ng kama at dahan-dahan lumabas ng pinto. Nadaanan niya ang pinto ng
kwarto ni Edward. Medyo naka-awang ang pinto at nang sumilip siya ay nakita niyang
magkatapat na naka-upo sa kama si  Edward at Rita. Masin-sinang nag-uusap ang dalawa. Ayaw
man niyang mag-eavesdrop ngunit 'di niya mapigilan ang sarili.
"Hindi ko alam na sineryoso mo ang biro kong pumanta ka rito sa Island." natatawang
wika ni Edward
"Of course, anything for you my dear. Alam mong malakas ka sa puso ko, Edward."
sinundan ito ni Rita ng malakas na tawa.
Parang pinipiga ang puso ni maymay. Daig pa ang pinana ng isang daang kutsilyo ang sakit
na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Gusto niya ng umalis sa pinto pero hindi niya
magawang ihakbang ang mga paa.
"Seriously, bakit mo ba ako tinawagan ng dis-oras ng gabi to make me come here? Sabi
mo'y dito mo na ipapaliwanag. So now, Edward would you kindly explain!" ma-awtoridad na
muling wika ni Rita. Sumeryoso ang mukha ni Edward.
"It's about the wedding. The wedding we've been planning for so long."

Sa narinig ay parang pinagsakluban ng langit at lupa si maymay. Dahan-dahan siyang umatras
ng pinto at hindi na pinakinggan pa ang mga sumunod na usapan ng dalawa. Naglandas ang luha
sa kanyang pisngi. Nakalimutan na ang gutom na nararamdaman kanina. Sobrang sakit. Ikakasal
na ang dalawa.
"Bakit, Edward? Bakit mo nagawa sakin ito?" luhaang himutok niya ng makapasok sa
kwarto.
HINDI mapakali si Edward. Kanina pa hindi lumalabas ng kwarto nito si maymay. Gusto sana
niyang puntahan ang dalaga sa kwarto nito pero pinigil siya ni Rita. Sinabi nitong hayaan muna
ang dalaga dahil baka gusto nitong mapag-isa. Nagpa-ubaya siya sa gusto nito.
Tutal naman ay abala sila sa pag-uusap tungkol sa kasal. Perfectionist si Rita at kapag
gusto nitong magplano kailangan ay tuloy-tuloy with no interruptions kaya ipagpapabukas na
muna niya ang pag-amo kay maymay. Si Rita na muna ang haharapin niya ngayon.
PATINGIN-TINGIN sa orasan si maymay. Humupa na ang kanyang emosyon. Namumugto
ang kanyang mga mata sanhi ng halos walang patid din na pag-iyak. Pero ngayon ay tapos na
siyang maghimutok. Nakakapagod masaktan. Tanging galit ang tinira niya sa puso niya ng mga
sandaling iyon. Ang gusto niya'y maka-alis na sa Islang ito. Namataan pa niya ang isang
matandang lalaking tila nagpatakbo ng lantsa. Ang hinihintay nalamang niya ay tamang timing
kung paano makakatakas.
Ilang sandali pa'y pumatak ang kamay ng orasan ng ala-una. Tumayo siya mula sa
pagkaka-upo sa kama at tinungo ang pintuan. Pa-tip toe siyang naglakad sa hallway. Nang
tumapat siya sa kwarto ni Edward ay patay na ang ilaw roon. Parang mapupugto ang hininga niya
sa isipang magkatabi ngayon sa kama si Edward at Rita. Who knows kung anong milagro ang
ginagawa nila? Umiling siya sa sarili saka muling naglakad.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon