11

878 47 1
                                    

CHAPTER 11

"I don't know, pare, I don't remember, ever seeing that girl before," tugon naman ng
katabi nito.
"She's so dazzling and gorgeous," sabay pang sambit ng dalawa.
SI Edward naman ay kanina pa gustong dukutin ang mga mata ng mga lalaking titig na
titig sa kanyang maymay. Anong iyo? Bakit pagmamay-ari mo na ba siya huh?, sita ng isip niya. Not
yet, but soon I will. I won't stop until she’s mine. Kahit languyin ko ang buong pacific ocean at
tumalon sa deep sea, gagawin ko... if it means I can have her and be with her, determinadong
sagot ng isang bahagi ng kanyang isip. Kung gagawin mo ‘yan hindi mo pa siya makuha,
namatay ka na!
KANINA pa naaasiwa si maymay sa mga titig na pinupukol sa kanya ng mga tao. Mula ng
pumasok sila hanggang sa pag-upo nila sa kanilang table ay ramdam na ramdam niya ang mga
mapanuring mga mata na nakatingin sa kanila, lalong-lalo na sa kanya. Rinig niyang may
napasinghap.
"Oh my God! I-Its MARYDALE ENTRATA ," sabi ng isang di kilalang babae. Mas lalo pang
lumakas ang mga bulung-bulongan, may narinig pa nga siya na nagsasabi ng Beauty is the
Beast?
Lihim siyang napangiti sa mga reaksiyon ng mga ito. Mga naguguluhang mga mukha na
hindi makapaniwala na siya si maymay at batid niyang isa si Edward sa mga taong iyon. Speaking of
Edward, nasaan na ba 'yon? tanong niya sa kanyang sarili. Pasimple niyang tinignan ang paligid
para hanapin ito. Pero laking dismaya niya nang hindi niya ito nakita. 'Ano ka ba naman maymay!
Parang bumabalik ka na sa dating gawain mo eh' reklamong sita ng isip niya.
Dati-rati noong hindi pa niya ito kinamumuhian ay palaging hinahanap ng kanyang mga
mata si Edward. Bawat segundo, minuto at oras ay nais niyang masilayan ang gwapong mukha
nito. Hindi kumpleto ang araw niya noon kung hindi niya ito nakikita.

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan niya pero kahit mahina ito ay rinig na
rinig pa rin ng kanyang mga matatalik na kaibigan. Tatanungin sana siya ng mga ito kung anong
problema niya nang biglang mawalan ng ilaw ang buong lugar na pinagdadausan ng party.
Naramdaman niyang may tumakip sa kanyang mukha. Nanlaban siya pero dahil sa
nalanghap na gamot na nilagay sa pinangtakip sa kanya ay nawalan siya ng malay.
KANINA pa pinagmamasdan ni Edward ang magandang mukha ng kanyang
pinakamamahal na si maymay. Titig na titig siya rito na animo'y ito ang pinakamagandang babae sa
buong mundo. Malaki na talaga ang pinagbago ng hitsura nito pero ang pagmamahal niya dito ay
hindi pa rin kumukupas, bagkus, lalo pa yatang lumalalim sa paglipas ng panahon.
"I love you so much maymay. Matagal rin akong nangulila sa'yo. Kaytagal kong hinintay ang
panahon na ito na makasama't makita ka. Kahit ano gagawin ko, mapaibig lang kita, mahal ko."
senserong wika niya sa natutulog na babae. Dumapo ang kanyang titig sa mapupulang labi nito at
pagkatapos ay buong pagmamahal niyang dinampian ng banayad na halik.
NAPAKAGANDA ng panaginip ni maymay. Sinabihan daw siya ni Edward na mahal siya
nito at dinampian pa siya ng halik sa kanyang mga labi. Bigla siyang napadilat kahit ayaw pa
niyang magising, nahihirapan kasi siyang huminga na hindi niya mawari.
Laking gulat niya nang mabungaran niya ang mukha ng pinakagwapong nilalang na
nakita niya sa buong buhay niya. Napangunot ang noo niya, possible kayang totoo yung
panaginip ko? tanong niya sa kanyang sarili. Pero nang mapansin niyang nasa isang kwarto siya
ay iwinaksi niya muna ang tanong at saka inis na napabangon sa kama.
"Where the hell am I?" asik niya dito.
"Hmm, as you can see your in a room sitting up on a bed and talking to me."
pamimilosopo nito. Naningkit naman ang kanyang mga mata sa mga sinabi nito.

"Huwag mo nga akong pilosopohin Edward. Who gave you the right to bring me here! I
can sue you of Kidnapping! Now answer me, where the hell am I?"
"Okay okay okay.." sabi nito. Nabigla siya nang itulak siya nito pahiga sa kama at
kinubabawan siya nito at inilagay ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ng kanyang ulo.
"Your here in my villa, in an isolated island. And---"
"And what?" naghihimagsik ang kalooban niya. Naroon ang magkahalong inis at hindi
maipaliwanag na pakiramdam na pilit niyang kinakalimutan all those years.
Inilapit nito ang mukha sa kanya na dahilan upang mag-alburoto ang kanyang puso. "And
your going to be with me here for say a couple of weeks or better yet…forever." may
panunuksong sabi nito sa kanya.
"Get off of me, you brute!" pautos na sigaw niya dito. Dahil kung hindi sila aalis sa
ganitong posisyon, ewan lang niya kung ano ang magagawa niya dito. Baka mahalikan niya ang
mapag-imbitang labi nito. Umalis naman ito sa ibabaw niya pero bago nito iyon ay hinalikan siya
nito sa kanyang noo na ikinatulala niya. Tumatawa ito nang iwan siya nitong nakatulala pa ring
nakahiga sa kama. Oh boy, this would be very tough for her.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon