17

710 39 1
                                    

CHAPTER 17

Tumawa ito ng pagak. Hay, how she loves to hear his laugh. "Sira ka talaga yam. Loka-
loka at kung anu-ano pa diyan. Ang sobrang O.A ng reaksiyon mo. Para kang timang! Akalain
ba namang mag tongue twister," sabi nito na patuloy pa rin sa pagtawa.
Sumimangot siya. "Wow! Grabe ang ganda-ganda ng pagkakadescribe mo sa akin.
Nakakatouch ng sobra. Keber mo ba sa reaksiyon ko," aniya sa pa-sarkastikong paraan at umirap
pa rito
Nakatayo sila sa lanai ng bahay. Kapwa nakatunghay sa malawak na kalangitan na puno
ng mga kumikislap na mga bituin at sa buwan na kay liwanag.
"Teka, saan ka ba galing? Ang tagal mong nawala ah," tanong niya kinalaonan.
"It’s a secret. It’s for you to find out later, but before that put this on," inabutan siya nito
ng isang blindfold. Takang nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa blindfold at sa gwapong
mukha nito. Pero kahit nagtataka ay sinunod niya ang sinabi nito.
"MAGLALARO ba tayo ng takip-silim?" pagkasabi niya noon ay narinig niyang
tumawa ito.
"You really know how to make me laugh. Pwede rin pero sa susunod na lang natin gawin
‘yon. Halika na nga," hinawakan nito ang kanyang braso at iginaya na siya sa kinaroroonan ng
sopresa nito.
"Here we are," pahayag nito. Tinanggal na nito ang piring sa kanyang mga mata.
Napanganga siya matapos matunghayan ang sinasabi nitong sorpresa. Ang.. ang ganda ng lugar.
Hindi niya maiwasan ang kiligin nang makita ang napaka-romantic na lugar, na halatang
pinagpaguran talaga.

Nasa harap sila ng pool. Ang tubig ay nilagyan ng kanyang mga paboritong bulaklak---
sampaguita, pink gumamela at calla lily. Ang pool naman ay pinalilibutan ng rainbow star led
and diwali lamps na napakagandang tignan dahil nag-rereflect ito sa tubig.
Naputol ang kanyang pagtingin-tingin sa lugar ng pumailanglang sa lugar ang malamyos
na tunog ng violin. Napabaling agad siya sa lugar ng pinagmulan ng musika. Mas lalo pa siyang
kinilig ng mapag-tantong si Edward ang tumutugtog. Nakatayo ito malapit sa isang table na may
nakasindi na mga scented candles na kulay puti, pink at green na pinagigitnaan ng tatlong
artificial na bulaklak na gawa sa papel na binalutan ng water cellophane. Ang takip ng table ay
telang kulay puti at pula. Sa sahig naman ay nagkalat ang talulot ng mag red and white roses.
He stopped playing the violin and looked at her with so much love, care and tenderness.
Naantig ang puso niya sa nakikitang mga pagmamahal sa mga mata nito.
"I-it’s so beautiful here," ang tanging nasabi niya.
"A beautiful place for a very beautiful and important woman in my life," may
pinahihiwatig na tugon nito. He walked where she's standing and lead her to table.
Pinag-hila siya nito ng upuan. "Thanks," nakangiting sabi niya. Sinuklian naman siya nito
ng isang napakatamis na ngiti.
"Anything for you, my lady" then he bowed just like a prince. He went back to where he
was standing earlier and played the violin again without leaving his eyes from her.
Napatakip ng bibig si maymay. Nais niyang maiyak sa nararanasang kaligayahan ngayon.
And gosh, she knew this song so well. It’s a song that every woman dreams off being played for
them by the man of their dreams.
Edward played the song 'Cherish you' by 98 degrees in the violin with so much passion.
The lyrics of this song, even though his not singing it, are exactly what he feels towards her.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon