6

988 38 0
                                    

CHAPTER 6

"Tse" sabay na sabi naman ng dalawa.
Pagbukas ni Maymay sa pintuan ay natigilan siya nang may makabangga siya. Napasubsob
siya sa malapad na dibdib nito. May katangkaran ito na parang sa isang basketball player at sa
tansya niya ay sobra sa 6'2 feet ang tangkad nito. Feeling niya nanliit siya kahit na matangkad
din siya sa height na 5'8. Sandaling nawala siya sa planet earth she felt secured, napakagaan ng
pakiramdam niya sa dibdib nito na animo'y nakalutang siya sa kalawakan. Somehow, she knew
that she had felt this feeling from before. Nanumbalik lang siya sa katinuan nang marinig ang
pagsinghap ng dalawang kaibigan na parang nakakita ng isang multo. Akmang hihingi sana siya
ng tawad dito pero nang itaas niya ang kanyang mukha para harapin ito ay natigilan siya.
My god it’s him! He is the man who had hurt her almost ten years ago. The only reason
why she has to go to Europe and heal her broken heart, EDWARD BARBER,!
"Oh, I'm sorry." anito.
Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili lalong-lalo na kanyang puso na parang
nagwawala sa loob. Kahit na gusto niyang pagsasampalin ito.
Sampalin? Or you want to kiss those red kissable lips? Common, maymay. I know there's still a part
of you, who is still in love with him tudya ng isang parte ng utak niya. No! It can't be. I don't love
him anymore! As a matter of fact, I hate him, kontra naman ng isa pang parte ng utak niya. Sus,
denial. May proweba na nga eh. Kumakabog si heart oh. So that means, you’re still in love with
him.
"Shut up!" naibulaslas niya.
"Huh? I beg your pardon?" nakakunot-noong tanong ni Edward sa kanya. Patay! Kahit
kailan talaga oh, pahamak si mind. "Huh? W-what I said is, I-Im sorry too." nagkabulol-bulol
niyang sagot.

"Uhm, Edward! Napadaan ka yata dito? May kailangan ka ba?" salo ni fenech sa kanya.
Lihim siyang nagpasalamat sa kaibigan dahil sinagip siya nito mula kay Edward. Kanina pa niya
nararamdaman ang kanyang mga tuhod na nangangatog. Alam niyang kung matatagalan pa ang
pag-uusap nilang dalawa ni Edward ay mahihimatay na siya dahil sa sobrang niyerbiyos.
"Well, I'm here because I have a lunch meeting with an important person," tinignan nito
ang pambisig na relo, binalingan na naman siya nito kaya naramdaman na naman niya ang
pagwawala ng kanyang puso. "I'm sorry again, miss. Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
Tumango na lamang siya dahil hindi niya maapuhap ang kanyang sariling boses.
"Okay then. Got to go." anito, pagkatapos ay madali na itong lumakad. Doon na siya
nakahinga ng maluwag. Damn! Why does he still have a great impact in her even it has been
almost a decade since the last time she saw him? The wall she created over those years away
from him, had collapsed in an instant she had seen him! Does this mean that she's still in love
with him even though he had caused her so much pain? She shook her head hard. She’s stubborn
enough not to admit this realization. She hate him remember? But still some part of her is against
of that idea. Argh! Love is really a complicated thing!
"Friend, are you okay? Hello?! Please come back to planet earth!" usisa ni fenech. Naku
naman, napalalim na yata ang pag-iisip niya at hindi niya napapansin ang mga nag-aalalang
mukha ng mga kaibigan.
"Yeah, I'm okay. Don't worry fenech. Let's go na nga. Baka mangayayat yang si baby
Fenech tayo pa ang sisihin ni daddy Aizan niya" buska niya sa kaibigan.
Humalakhak si kisses at si fenech naman ay marahan siyang hinampas sa balikat. "Hoy
bruha, don't forget na niligtas kita mula sa kamay ng tukso kanina ah!"
"Anong tukso?" ngunot-noo niyang tanong dito.

"Tukso. Kanina kasi parang gusto mong halikan ang lips ni Edward eh." binigyan pa siya
nito ng isang nakakalokang ngiti.
Ganun ba talaga siya ka transparent? "Kumain na nga tayo, baka kainin pa kita diyan
Fenech ng buo eh" biro niya dito.
"Ay naku, change topic ang loka." pahabol na buska na naman nito.
"Ewan ko sayo. Tayo na,” at iniwan na ang mga kaibigan. Nagkangisihan na lang ang
kanyang mga kaibigan habang umiiling.
Kahit kailan talaga pikon wika ng mga ito sa mga sarili. Lumakad na ang dalawa para
sabayan si Maymay papuntang restaurant.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon