31

763 35 0
                                    

CHAPTER 31

"Peace yo!" sabi nito at nagpeace sign. "Eh kasi naman desperado na talaga ako eh.
Pinagselos kita para malaman ko kung mahal mo rin ako," paliwanag nito. Hinila siya nito
papuntang higaan at pinakubabawan siya. At walang sabi-sabing inangkin ang kanyang mga labi,
mapusok iyon at napakainit puno ng pangungulila at mapagparusa na kanya namang tinugon.
Hindi niya namalayan na unti-unti na pala nitong tinatali ang kanyang mga kamay sa
magkabilang kilid ng kama.
Nang matigil ang kanilang paghahalikan ay kapwa na sila kapos ng hininga. Agad naman
nitong binalingan ng tali ang kanyang mga paa noong una ay nagpumiglas siya pero sinabi nito
na pag patuloy nitong ginagawa iyon ay baka maapektuhan ang baby kaya tinigil na lang niya..
"Ano ang ginagawa mo Edward? Bakit mo ako tinali?" tanong niya kapagkuwan.
"Hindi ba obvious? Re-rape-in kita," sagot nito na may naglalarong kapilyuhan sa ngiti
nito. Nang tinignan niya ito ng masama ay agad itong tumawa. "Joke lang... actually, parusa mo
ito. Aba'y muntik na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa mong kapilyuhan kanina ah.. its my
turn now. At para hindi ka na rin makatakas muli," bawi nito sa sinagot kanina. At tulad noong
nasa isla sila ay sinayawan na naman siya nito ng ala macho dancer. Nakakaloka!
"Wahhhh! Edward itigil mo yan, nakabuo na tayo kaya itigil mo yan. Baka mademonyo
ako't ikaw ang ma-rape ko," sigaw niya. Tumawa ito sa sinabi niya.
Natigilan ito. Kapagkuwan ay tumingin sa kanya. Makikita sa mukha nito ang
pagkagulat. “M-magiging ama na ako?”
“Oo. Two actually,” ngumiti siya. Tuwang-tuwa ito na niyakap siya. Nagsisigaw. Ilang
ulit na tumalon.
"Talaga? As in, kambal ang anak natin diyan sa maliit mong tiyan?"
"Loko-loko! One month pa kaya ito kaya maliit pa."

"Oh my God, this is such a wonderful news! Thank you Hon, I love you so much!"
tuwang-tuwang sabi nito.
"I love you too," tugon niya at mabilis na hinalikan ito sa labi. Pero tila ayaw lang nito ng
smack lang, kinabig siya nito at muling inangkin ang kanyang mga mapag-imbitang labi. At
muli, dinala siya ng lalaki sa isang lugar na ito lamang ang nakadadala sa kanya roon. Sumabay
na siya sa saliw ng musika na sila lamang ang nakakarinig, kasabay ng malalakas na tibok ng
kanilang mga puso.

“ABA, iba na talaga pag masamang damo. Ang tagal mamatay," sabi ni fenech ng
ikwento niya ang tunay na nangyari sa kanya. Binatukan ito ni kisses sa sinabi nito.
"Ikaw talagang mataray ka, pasalamat nga tayo at buhay si maymay. Yan pa ang sasabihin
mo, ano kang klaseng kaibigan?" litanya ni kisses dito.
"Ikaw ding buntis ka, nabuntis ka lang ginaganito mo na ang beauty ko. Binabatukan mo
na ako, sino nagturo nun sa'yo para maturuan ko na ng leksyon," sagot nito. Tatlong linggo ng
buntis si kisses sa asawa nitong si Marco Gallo at si fenech ang kawawang nalihian nito. Nagtawanan
sila sa kakulitan ng dalawa.

"Edward! Ano na naman to? Sopresa na naman nuh?" nakatawang sambit ni maymay sa
kasintahan. Isang linggo na silang mag-on at ang bawat araw na magkasama sila ay napakasaya
sa kanya. Puno ng kulitan at pagmamahal.
"Huwag ka ngang excited diyan. Parating na tayo doon, maghintay ka lang ng konti,"
sagot nito. Ilang minuto rin silang lulan ng chopper ni Edward nang marating na nila ang lugar ng
sopresa ni Edward ay inalayan siya nito pababa. "Nandito na tayo. Diyan ka lang ah, 'wag kang
aalis," sabi nito.

BEAUTY AND THE BEAST " MAYWARD "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon